Chapter 9

8K 80 9
                                    

(Eris)

Sa wakas tapos na ang final examination namin. We still have one week to complete some requirements and do all the thing that should be done before graduation. Three weeks from now is our graduation day.

Kaaalis lang ni Mrs. Fining Garcia, dala ang mga test papers naming. As usual kwentuhan lang kami kapag walang teacher, yung iba nag-lalaro ng ML sa phone, may nagbabasa sa wattpad, nag-li-liptint at nag chi-chismisan sa tabi.

Tumayo ako at lumapit kila Rhian na nag-kwekwentuhan. Umupo ako sa tabi nito. Kasama pala si Daniel sa kwentuhan.

"Hi Eris" bati nito at binigyan ako ng makahulugang ngiti. Ewan ko kung bakit bigla akong kinabahan sa ngiti niyang iyon.

"Hello" tipid lang na sabi ko.

"UYYYYIIIIEEEE!!" Kantyaw ng mga nasa kumpol namin.

"Pansinin mo naman kasi si Daniel Eris, alam ng lahat na may crush sayo yan" It was Abee, at siniko pa ako.

Napangiwi lang ako dahil sa pang-aasar nila. Si Daniel naman ay nakangiti lang din.

"Loko-loko talaga kayo" napapailing na lang na sabi ko. Tumayo ako dahil naiihi na ako.

"San ka pupunta?" tanong ni Jude (Judy)

"CR lang ako saglit" sabi ko at lumabas na.

Paglabas ko ng CR, nakita kong nakatayo si Daniel sa labas. Hindi naman siya nagsasalita, kaya lalampasan ko na sana para bumalik sa room ng magsalita siya.

"I know your secret" sabi nito. Napatigil ako.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

No, it can't be. Paano naman niya malalaman?

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako humarap sa kanya. Nag-kunwari na lang akong hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Pero sa loob-loob ko para na akong sasabog sa sobrang kaba.

"I know what you did. Bilib ako sayo, ang tapang mo para gawin iyon. Giving up being the valedictorian just for Jez to be the 1st." sabi nito at umalis na.

Para akong nabunutan ng tinik, akala ko kung anong sekreto ang tinutukoy niya.

Naiwan ako doon at napapaisip kung paano niya nalaman. Sinabi kaya ni Rhian? Alam ko medyo close sila eh.

Thanks God. He was talking about how I gave-up my position as 1st place for Jez. Sinadya kong imali ang ilan sa mga sagot ko sa mga exams tama lang na alam kong mas mataas ang makukuha ni Jez at hindi naman ako babagsak.

Kay Rhian ko lang sinabi, sinabi kaya niya o narinig lang? I better ask Rhian. I need to talk to Daniel, to ask him not to tell to anybody specially to Jez.

(Jez)

I saw them two talking outside the girls CR.  Ano naman pinag-uusapan nila?

I don't like that Daniel, presensya niya pa lang naiirita na ako. Simula nang mag-transfer siya dito, lagi ko siya nahuhuli na nakatitig kay Eris. May rumor pa sa dati nyang school na pilyo daw ito. Sabihin ko na lang kay Eris na huwag lumapit sa lalaking iyon.



After school, I went to Eris house. Nandito kami sa may garden nila. Naiinis ako dahil nakipag-usap siya doon sa Daniel na yon. Ewan ko kung bakit, basta naiirita ako pag naaalala kong nag-uusap sila. Ngiti-ngiti pa yong Daniel na iyon mukha naman shokoy.

"Huy! Ang tahimik mo, kanina pa ako nagsasalita dito" sabi ni Eris nakabusangot. She's still beautiful.

Napangiti ako na siya namang nagpa-irap sa magaganda niyang mata. Shit!

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon