Chapter 34

4.8K 103 24
                                    

*dedicated to @imgialaxxzz **

Enjoy reading Babes, 

(JEZ)

Sa paglalakad ko palayo, palayo sa babaeng mahal na mahal ko higit pa sa sarili ko, alam kong unti-unting namamatay ang puso ko.

Buong lakas kong pinigil ang sakit na nararamdaman ko, pilit kong itinago ang hirap na nararamadaman ko. Lakas-loob kong sinabi ang mga salitang hindi ko naman talaga gustong sabihin sayo.

Alam kong sobrang nasasaktan ko na si Eris, pero mas doble ang sakit na nararamdaman ko dahil kahit ayaw ko, kahit labag sa loob ko, kailangan ko siyang saktan kapalit ng buhay ng anak namin.

Nangako ako sa kanya na kahit kailan hindi ko siya iiwan, na lagi lang akong nasa tabi niya. Nangako akong kakayanin naming dalawa, pero tang'na kahit ayaw kong sirain ang mga pangako ko wala akong magawa.

Makita siyang umiiyak sa harap ko, nasasaktan ng dahil sa akin, tang'ina talaga! ang sakit-sakit. Para akong pinapatay ng paulit-ulit. Napakabigat sa pakiramdam, na nasasaktan ko ang taong gusto ko laging protektahan.

Kahit gusto ko siyang yakapin habang nagmamakaawa sa akin na huwag akong umalis, na huwag ko siyang iwan. Gusto kong sabihin sa kanya na okay lang, nandito lang ako, pero hindi ko magawa. FUCK!

Pinilit kong ipakita na kunyari galit ako na ayaw ko na, na sobra na akong nahihirapan para may maidahilan lang kung bakit kailangan ko siyang iwan, sila ni Baby AJ. Ang saki-sakit, na kailangan kong iwan ang pamilya ko para sa ikabubuti nila. Kapag napagamot si AJ hindi mahihirapan si Eris.

Hindi sana ganito kung hindi sa walang puso kong Ama.

***

"Come on sit down, pag-usap natin-----para sa anak mo"

Labag man sa kalooban ko, umupo ako ulit sa upuan na kaharap ng kay Dad

Sa sitwasyon ng anak ko ngayon, gagawin ko ang lahat para sa kanya.

Nag-aalala ako, sobrang natatakot ako para sa anak ko. Ayaw ko nang mahirapan siya.

Tinignan ako si Dad bago siya nagasalita. Alam kong iniisip niya na hindi ako makakatanggi sa gusto niya dahil meron siya ng bagay na magsasalba sa buhay ng anak ko. Pera.

"As I was saying, I want you to start again, go abroad, make yourself a better man, a man that is competent to be my heir. Iwan mo kung anong buhay mayroon ka rito. Ang kapalit? You have my word son, akong bahala sa mag-ina mo, lalo na sa anak mong kailangan ng medication" sabi nito at sumandal sa sandalan ng upuan.

Naikuyon ko ang mga kamao ko, bakit kailangan ko pang iwan kung anong mayroon ako? Bakit hindi na lang niya kami tulungan dahil apo rin naman niya si AJ?

"Bakit hindi mo na lang kami tulungan, kapalit ay gagawin ko lahat ng gusto mo, maliban sa iwan ko ang pamilya ko?" sabi ko. Baka may iba pang paraan na hindi ko kailangan iwan ang mag-ina ko.

"Oh boy, kahihiyan na nga ang idinulot mo sa pamilya natin, sa tingin mo hahayaan kita na dagdagan pa, na malaman ng iba na nabuntis mo yung kaibigan mong iyon!" galit na turan nito.

" I just want you to have a better future, ang bata mo pa, marami ka pang pweding gawin, Go! Make your own name, saka ka magmalaki sa akin. Isipin mo na lang na ginagawa mo ito para sa anak mo, pero ginagawa ko ito para sayo, para maging handa ka, kapag ikaw na ang mamamahala sa kompanya. Tandaan mo marami ako ng kailangan mo. Think son!"

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon