Chapter 22

4.9K 75 9
                                    

** hindi pa din ako susuko sa mission ko na paiyakin kayo HAHA hoping sa mga susunod na Chapter**

(JEZ)

Nandito kami ni Judy sa labas ng emergency room, hinihintay namin ang paglabas ng doctor.

Lord, huwag niyo pong pababayaan si Eris, at kung tama man po ang hinala ko na buntis siya, Lord, kahit po hindi pa kami handa na maging magulang, nakikiusap po ako iligtas niyo rin po ang bata.

Wala kaming nagawa ni Judy kundi maghintay. Wala pang isang oras sa loob si Eris pero parang buong araw na akong nahihintay.

Sobra akong nag-aalala. Ang dami ko nang iniisip. Hindi ko na alam ang dapat gawin.

Palakad-lakad ako dahil sa kaba. Naihilamos ko na din ang ang mga palad ko sa mukha ko dahil sa stress.

"Umupo ka nga nahihilo ako dahil sayo eh. Magiging maayos din ang mag-ina mo"

Mag-ina. Bakit napakasarap sa pandinig?

"Tinawagan ko si Mama dahil naiwan siya kanina sa school, papunta na siya dito"

"Maraming salamat Judy. Pero mas ok siguro kung bumalik ka na sa school para maka attend ka ng graduation. Ako ng bahala dito" sabi ko.

"Ayoko dito lang ako, papunta na din si Mama. Nag-aalala din ako para kay Eris. Fvck graduation!" sabi nito at pinag-cross pa ang mga braso sa dibdib. 

Maya't-maya pa ay dumating na si Tita.

"Anong nangyare? Sinagot ko lang ang tawag ng kumare ko pagbalik ko sa auditorium hindi na kita makita Jude" sabi ng ina nito

"Dinugo si Eris Ma" sabi ni Judy

"Buntis si Eris?" gulat na tanong nito sa akin.

"Hindi ko pa alam Tita, pero iyon ang suspetsa namin. Mukhang hindi rin po alam ni Eris na buntis siya" sabi ko at ibinalik ang tingin sa pinto ng emergency room.

Nang lumabas ang doctor ay agad namin itong nilapitan.

"Doc, kamusta po?" kinakabang tanong ko

"We stop the bleeding but she's still under observation. We still need to run some test para masigurong okay ang bata sa sinapupunan niya. There are possible reasons kung bakit siya dinugo, nangunguna na diyan ang stress, please lang mahina ang kapit ng bata kaya dapat iwasan na ma-stress ang pasyente. Mahina rin ang katawan niya, kayalangan niya kumain ng masusustansyang pagkain. Ililipat na din siya sa isang kwarto maya-maya lang" (oh diba writer na ako Doctor pa HAHA)

"Maraming salamat po Doc"

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Sige mauna na ako" sabi ng Doctor na umalis na.



Nandito kami ngayon sa kwarto kung saan inilipat si Eris. Nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha at paminsan ay napapatingin ako sa tiyan niya. Talaga bang may baby na doon? Baby namin? Just the thought of my baby makes me happy.

"Anong plano mo Jez, buntis na si Eris. Kailangan may plano ka para sa mag-ina mo. Paano mo sila bubuhayin" sabi ni Tita Jenny

"Hindi ko po alam tita. Baka po mag hanap ako ng trabaho na tumatanggap ng high school grad"

--

Lumabas muna ako sa kwarto ni Eris para bumili ng makakain sa cafeteria ng hospital. Kainina pa umalis sila Tita Jenny at Judy. Pagbalik ko mahimbing pa din ang tulog ni Eris, pero kailangan niyang kumain mag aalas-siyete na din at padating na pagkain para sa mga pasyente.

"Eris, Baby, wake up" sabi ko at tinapik ng marahan ang kanyang balikat.

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Eris at lumingon sa akin. Ilang sandali pa ay may tumulo ng mga luha sa mga mata nito.

"Shhhhh stop crying, makakasama sayo at sa baby" sabi ko at niyakap siya.

"A-anong gagawin ko, hindi pa ako handa, paano natin ito bubuhayin. Natatakot ako Jez" sabi nito at patuloy na umiyak. Hinayaan ko na lang siya dahil alam kong nabibigla din siya na magkaka-anak na kami. Parehas kaming hindi handa, pero nandiyan na kailangan naming tanggapin.

"Huwag ka ng umiyak, bawal sayo ang stress, makaksama sa baby natin, hmmmm sige na tama na" Hinaplos ko ang mga pinsngi nito at pinahid ang luhang bumabasa rito.

(ERIS)

Buntis ako. Buntis ako at ang bestfriend ko ang ama. Hindi ako alam kung anong dapat kong maramdaman. Natatakot ako, hindi lang para sa amin ni Jez kundi para na rin sa batang nasa sinapupunan. Paano naming siya maaalagan? Kakayanin ba namin?

Pumasok ang isang nurse at babaeng doctor. Lumapit ang mga ito sa amin. Chi-neck ng nurse ang IV na nakakabit sa kaliwa kong kamay.

"I'm Doctor Gobilam (Reverse) Kamusta ang pakiramdam mo iha? May nararamdaman ka bang masakit?" Tanong sa akin ng Doktor.

"Mabuti naman po, medyo uncomfortable lang po ng kaunti sa may bandang puson ko"

"Normal lang iyan, pero mawawala din sa mga susunod na araw." Sabi nito at tumingin sa chart na hawak

"As I can see here okay naman lahat ang test na isinagawa sayo at sa baby mo. Papayuhan kitang umiwas sa stress lalo na at mahina ang kapit ng bata pero all in all okay naman. Reresetahan kita mga vitamins para sa inyo ni Baby at pampakapit sa gamot. Pwede ka ng lumabas bukas. Ingatan mo ang sarili mo iha, maselan ang pagbubutis mo. Dapat regular ang pag-papacheck up mo sa OB, kung wala ka pang OB bibigyan kita, irerefer kita sa kaibigan ko" sabi nito at tango lang ang naisagot ko ganun na din si Jez na nakaupo sa upuan sa tabi ng kama ko.

"Nasaan nga pala ang mga parents niyo?" tanong ulit ng doctor. Parehas kaming hindi nakaimik dahil sa tanong ng doktora. Nang hindi kami sumagot ay nagsalita na ito ulit.

"ummm okay, babalik ako bukas ng umaga para icheck ka ulit bago ka ma-discharge. Sige palakas ka." Nagpasalamat kami sa doctor bago lumabas ang mga ito kasabay ng nurse.

"Oh, huwag ka daw ma-stress, at alagaan ang sarili" sabi ni jez. Natawa ako dahil para siyang tatay na nagbibilin sa anak.

Sigurado ako kapag-nalaman ito nila Dad talagang hindi na niya ako mapapatawad. Pero ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang magkaka-apo na sila? Sigurado akong hindi sila matutuwa dahil magiging kahihiyan na naman ako dahil nabuntis ako ng maaga.

"Huwag na kung ano-anong iniisip. Mag pahinga ka na, nag text ako kay Judy, sabi ko pwede ka ng lumabas bukas at susunduin daw nila tayo" sabi nito at hinalikan ang ulo ko.

Umayos na ako ng higa upang makapag pahinga na. Si Jez naman ay lumabas para asikasuhin ang discharge paper ko para bukas.

Hinawakan ko ang tiyan ko at pumikit.

Anak, hindi ako mapakapaniwalang nandiyan ka na? Hindi ka namin plinano at inasahan pero promise ni Mommy, aalagaan kita. Gagawin namin ni Daddy mo lahat para sayo. Kahit bestfriend ko lang ang Daddy mo, siguro naman pwede tayong maging pamilya diba? Kapit lang anak ha. I love you anak.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon