Chapter 48

5.2K 70 26
                                    

(ERIS)

Napangat ako ng ulo ng biglang bumukas ang pinto ng banyo. Pumasok si D at Lard na puno ng pag-aalala.

Lumapit ang anak ko sa akin at hinawakan ang mukha ko sabay punas ng mga luha na tuloy-tuloy namang lumalabas.

"Mommy, I heard you crying that's why I ran to call Daddy. Are you sick?" tanong ng anak ko.

Umiling ako at hindi ko na pagilan humagulgol nang mapatingin ako kay D na nakatingin na ngayon sa mga pregnancy test na sa sink.

Pinilit kong tumayo, tinignan ko siyang nakatingin sa mga test kits, wala akong makitang kahit anong emosyon sa kanya. Nang tumingin ito sa akin ay agad akong nag-iwas, hindi ako makatingin sa kanya. Sobrang hiyang-hiya ako sa sarili ko.

Nagpakawala ito ng sunod-sunod na malalalim na hininga bago bumaling kay Lard.

"Son, go to the living room, watch TV, me and mom will talk" sabi ni D.

Tumango lang naman ang anak ko at sumunod. Lumabas ng banyo ni D kaya sumunod ako.

Hindi pa din ito nagsasalita, hanggang sa makaupo ito sa kama.

I want him to say something, I want him to shout at me for being a cheater. Gusto kong magalit siya sa akin dahil sa nagawa ko. Gusto kong ilabas niya kung anong nararamdaman niya at iniisip niya.

"Who is the father?" malamig na tanong nito. Halos magtaasan ang mga balahibo ko dahil sa lamig ng boses nito, napakalayo sa matamis na boses niya kapag ako ang kausap.

"Is it another man or Jez?" tanong nito at iniangat ang tingin sa akin. I can't look at him in the eye, Ayokong makita ang sakit sa kanya na ako ang may gawa.

Dahan-dahan akong tumango, wala naman na akong itatago dahil alam niyang buntis na ako.

"FUCK!!!" nagualat ako sa pagsigaw nito pero hindi ko pa rin siya tinignan. Iniyuko ko lang ang ulo ko lalo.

Nakatayo lang ako sa harap niya habang tumutulo ang mga luha. I wanted to say sorry pero hindi ko magawa. Para akong naipako sa kinatatayuan ko at hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita.

"Does he know?" tanong ulit nito at umiling lang ako ulit bilang sagot.

Bumuntong hininga ito. "He will never know, aakuin ko din iyan, ako ang tatayong ama" sabi nito na nagpaangat ng tingin ko sa kanya.

Paano niya nagagawa ito, niloko ko na siya, pero gusto pa din niyang tumayong ama.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Lalo akong naiyak dahil sa yakap nito.

"I will be the father and I will give my surname. Nasasaktan ako Love, sobra, pero kung iisipin kong mawawala ka sa akin, kayo ni Lard mas masakit iyon, baka ikamatay ko pa. Mahal na mahal ko kayo at mamahalin ko din ang batang nasa sinapupunan mo" sabi nito at hinalikan ang ulo ko.

"I'm s-sorry D. P-patawarin mo ako. I took you for granted. M-masama akong babae, manloloko ako, c-cheater ako. Hindi ko d-deserved ang katulad mo, hindi dapat kagaya ko ang m-minamahal mo." Sabi ko habang patuloy na umiiyak.

"Hindi ka masamang babae, nagkamali ka lang. Pinapatawad na kita at alam kong hindi na mauulit ito." Sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko.

Paano ko nagawang lokohin ang isang katulad ni D. Nakapabait, understanding at sobra magmahal.

Ano bang nagawa ko Lord para bigyan mo ako ng isang taong katulad ni D.

Paulit-ulit lang akong humingi ng tawad sa kanya, hanggang sa wala ng akong mailuha.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon