Chapter 45

5.8K 81 10
                                    

(ERIS)

"What were you thinking huh? Oh my Gosh! Oh my Gosh! Oh my Gosh! Are you crazy?" eskandalosang lintaya ni Judy.

Kanina pa sana uuwi ito pero hindi na nakaalis dahil sa nangyari sa amin ni Jez. Kanina niya pa ako pinapagalitan. Hinayaan ko na lang siyang mag-dada, parang armalite ang bunganga eh.

Pinulot ko ang mga nagkalat na laruan ni Lard. Mabuti na lang hindi ito nagigising kahit ang lakas ng boses ng Ninang niya.

Padabog na naupo ito sa sofa at pinag-cross ang mga braso. Tinignan ko ito dahil tumigil na sa kakadada at nakita kong titig na titig ito sa akin.

"What?"

"Be honest! Tell me! Do you still have feelings for Jez?" seryosong tanong nito. I know the answer but I won't tell him.

Tinaasan ko siya ng kilay bago sinagot. "Yeah, Lust." Iyon ang sinagot ko at nagtungo na sa kusina para maghanda ng meryenda. Sumunod naman sa akin si Bakla.

"Lust? Sure ka? Well, wala naman ng ng point kung pipilitin kitang umamin, alam ko naman ang totoo" sabi nito at ngumisi pa. 

Fvck, yeah right, ano nga bang itatago ko sa kaibigan kong ito. Bukod kay Jez at Daniel, si Judy lang naman ang pinaka nakakakilala sa akin.

Inirapan ko na lang ito pabalik at naglabas ng juice mula sa ref. Naupo naman ito sa may counter.

"Paano naman si D? You were practically cheating Eris" sabi nito. I know, I am so fvcking guilty because I can't even control the heat of my body.

Tinignan ko si Judy, I am looking for the indifference pero wala akong nakita. Wala akong nakitang pag kadisgusto, panghuhusga o kung ano man sa kaibigan ko. 

Napabuntong hininga ako bago inilapag sa harap nito ang baso na may juice at cheesecake.

"I know, mali ako, maling may nangyayari sa amin at guilty ako doon, pero hindi ko alam, nangyari na eh, Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang mapigilan" sabi ko at nagpakawala ulit na buntong hininga.

Gusto ko nag bumalik sa California, doon walang Jez, pero hindi ko alam ang gagawin ko dahil alam niyang anak niya si Lard. Sigurado akong hindi iyon papayag na malayo sa anak.

"What are your plans then? Now that he knows AJ is alive, you said he wants custody"

"I don't know Judy"

(JEZ)

I wanted to hold him. I wanted to hug him and kiss him. I wanted to introduce myself as his father but, fuck! I can't.

Lahat ng sinabi ni Eris ay totoo, masasaktan ang anak namin at hindi ko kakayanin iyon. Kakayanin ko ang sakit na makita siyang may ibang kinikilalang ama at tinatawag ng Daddy, okay na ako doon sa ngayon as long as hindi masasaktan ang murang puso ng anak ko.

Isa pang iniisip ko ay si Eris, I want to know her feelings. Litong-lito na ako, she's showing the oposite of the emotion I always saw in her eyes. I'm sure it's not just lust, I felt something more.

Ininom ko ang natitirang alak sa bote bago ako tumayo para umakyat sa kwarto ko. I already talk to my lawyer at magkikita kami bukas para pag-usapan ang grounds para makakuha ako ng custody sa anak ko. Hindi pa pumapayag si Eris dito at kahit ako, may pag aalinlangan pa din pero anak ko ang pinag-uusapan kaya gagawin ko pa din.

I saw Dad enter his library pero hindi ko na pinansin. Napangisi ako ng maalala na unti-unti nang napapasailalim ng kumpanya ko ang Gallevo Group of Company. Ilang buwan lang siguro, under na ito ng kumpanya ko.

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon