(DANIEL)
Natatakot ako, ngayong alam na ni Jez na buhay ang anak niya, sigurado akong gagawa ito ng paraan para mabawi ang mag-ina ko. Akin na sila, iniwan na niya kaya dapat wala ng siyang karapatan.
"Hello, anong balita?" tanong ko sa tauhan kong sumusunod sa kanila.
"Mukhang hindi maganda boss, hindi umuwi iyong lalaki, doon yata natulog sa penthhouse niyo boss, at ngayon naman po kaaalis lang nila ng mall, sinusundan ko ho, send po ako ng video nila boss kanina sa mall"
"Sige, balitaan mo ako mamaya, kapag nasa airport na sila" pinutol ko na ang tawag.
Ilang sandali lang ay may natanggap na akong video.
Nakaakbay si Jez kay Eris at karga sa kanang kamay si Lard. They were hapilly walking in the mall.
FUCK! Bakit hinahayaan lang ni Eris? Mahal pa din ba niya? Hindi malabo, dahil ni minsan hindi pa niya ako sinabihan ng I love you. Laging ngiti ang sagot nito o kung hindi naman, thank you.
Maybe she cared for me and love me, pero hindi kagaya ng pagmamahal niya kay Jez. Siguro iniisip niya na pwede kami noon dahil ako ang kinikilalang ama ni Lard.
Ngayong may Jez na naman, malabo na, dahil hindi naman niya ako mahal. Ama lang naman ako sa papel ng anak niya, ngayong may Jez na, mawawala na ba sila sa akin? Ipinahiram lang ba? Babawiin na ba sila sa akin?
Iniisip ko pa lang na mawawala ang mag-ina ko sa akin, para na akong pinapatay. Hindi ko kaya kapag nawala sila sa akin. They are my life now, my family. Hindi man ako ang tunay na ama ng anak niya at ang lalaking mahal niya, nasisiguro ko namang gagawin ko ang lahat para sa kanila.
I can't lose them. I won't. I will fight for them, kahit sabihing akin na sila, takot na takot pa din ako.
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at kinalma ang sarili. Pilit kong tinatanggal ang takot ko na baka bigla na lang silang mawala sa akin.
Nag-ring ang phone ko at agad na sinagot ito ng makitang si Eris ang tumatawag.
"Hello Love, ready na ba kayo sa flight niyo?"
"Ummm about that D, nakipag-ayos na kasi ako sa parents ko, sa tingin ko kasi oras na din para kalimutan ang nakaraan" sabi nito, I can hear my Baby boy at the background.
"Wow that's great, atleast wala ka ng dinadalang sama ng loob sa parents mo" masayang sabi ko.
"Yeah, kaya nga ako napatawag D, dahil balak ko pa sana mag extend ng 2 days or more, nakita ko kasing gusto pa kaming makasama nila Dad eh, ganun din naman ako, at saka babalik ka na ng manila bukas diba? Ipapakilala na din kita kila Mom"
"Well, okay lang naman, at gusto ko na din makilala ng pormal ang mga magualang ng babaeng mahal na mahal ko HAHA" sabi ko.
Hindi ko maitago ang ngiti ko kahit kausap ko lang siya sa phone, sobrang saya ko na, paano kapag naging asawa ko na diba?
"Ikaw talaga, oh sige na, tapusin mo na ang mga kailangan mong gawin at magpahinga ka na, maaga pa byahe mo bukas, See you"
"Ok, ingat kayo diyan ng baby boy ko. Love you both" sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Napangiti ako lalo ng malamang ipapakilala na ako nito. Ito lang naman ang hinihintay ko ang makilala ang parents ni Eris para mahingi ko na ang kamaay niya para sa kasal.
Excited na akong bumalik ng manila at miss na miss ko na din sila.
Kailangan ko ng markahan at bakuran ang mag-ina ko.
BINABASA MO ANG
Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETE
Ficção GeralWARNING: THIS STORY CONTAINS GRAPHIC SCENES NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! R-18| SPG| Matured Content| Si Erisha Llarenas ay isang 16 years old na may malaking sikretong itinatago kasama ang kanyang bestfriend na si Jezreel Gallevo na 17 years old...