Chapter 29

4.5K 74 19
                                    

(Eris)

Nagising akong may nakahawak sa kamay ko. Nang lingunin ko ito, si Jez na nakadukdok sa hinihigaan ako. Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding, alas kwatro na ng hapon.

Pinisil ko ang kamay nito para gisingin siya. Nang mag-angat ito na ulo ay agad itong ngumiti sa akin.

"Kamusta pakiramdam mo?" masuyong tanong nito

"Okay lang ako, si Baby kamusta siya? Nakita mo na ba siya?" sunod-sunod na tanong ko.

"hindi ko pa siya nakita, sana NICU siya at inilagay muna sa incubator dahil premature. Sabi ng doctor doon muna daw siya para ma-develop pa at kailangan pa siyang obserbahan" sabi nito. Nag-aalala ako para sa anak ko, sana okay lang siya doon.

Hinalikan ako ni Jez sa ulo. "Maraming salamat sa pag-bibigay mo ng buhay sa munti nating anghel. Mahal na mahal kita Babe kayo ni Baby" sabi nito at hinalikan naman ang kamay ko.

"Mahal na mahal din kita, kayo ni Baby, maraming salamat din sa lahat ng sakripisyo mo kahit nahihirapan ka na" hindi ko napigilan ang mga luha ko sa pagbagsak. Sobrang saya ko lang. May sarili na akong pamilya.

"Lahat gagawin ko para sa inyo ni Baby. Kahit isakripisyo ko pa ang sarili ko ganoon ko kayo kamahal." Sabi nito at pinisil ang mga kamay kong hawak niya.

Panginoon salamat po sa munting pamilya na nagpapasaya sa akin.

"Kailan daw natin pwede makita si Baby?" tanong ko, gusto ko na talaga siyang makita at mahawakan. Kanina sa delivery room hindi ko siya nakita, hindi ko man lang nahawakan dahil abala agad ang mga doctor at nurse sa kanya.

"Hindi ko alam eh, itanong natin mamaya kapag pumunta ang doctor at nurse dito"

Nakahiga ako ng walang kaunan-unan, sinabi daw ng doctor na ganito muna ako para maibalik ang mga laman ko sa ayos.

"Jez" tanong ko rito, paano nga pala ang bayarin namin dito sa ospital, wala naman kaming pera,

"hmmmmmm"

"P-paano natin mababayaran ang mga gastusin dito sa hospital?" nag-aalalang tanong ko. Ngayon pumapasok sa akin ang problemang kinakaharap naming ngayon. Saan kami kukuha ng pera para sa anak namin na mananatili sa NICU, sigaradong malaking pera ang kailangan para doon

"Huwag mo munang isipin iyan, sarili mo muna isipin mo. Ako na---" naputol ang sinasabi ni Jez ng tumunog ang phone nito.

"Si Kiel" sabi nito bago sinagot ang tawag at ni-loud speaker

"Bro!!!, bad news! Shit!" nagkatinginan kami ni Jez dahil sa sinabi n Kiel

"What's wrong?" tanong ni Jez

Bumuntong hininga ito bago nagsalita "I'm sorry bro, nasa balita ang kuya mo, naaksidente siya" malungkot na sabi ni Kiel.

Napasinghap naman ako dahil sa kanyang ibinalita.

"Naaksidente?!!! Is he okay?" Gulat na tanong nito.

"I'm sorry bro, patay na ang kuya mo, dead on arrival" malungkot na sabi ni Kiel

"Don't fcvk with me man! hindi magandang biro yang pinagsasasabi mo!" inis na sagot ni Jez, pero nakikita ko ang kaba sa kanya, kinakabahan ito na baka totoo nga ang sinasbi ni Kiel.

"Kiel, it's me Eris, hindi nakakatuwa yang biro mo" malumanay kong turan

"I'm not fvcking kidding! Condolence bro" sabi nito at hindi na muling nagsalita pero nasa kabilang linya pa rin ng telepono

"Are you really sure about this kiel?" ako na ang nagtanong dahil si Jez ay nakatulala na lang. 

"Oo, kani-kanina lang ibinalita, sige ibababa ko na" sabi nito at pinatay ang tawag.

Hindi pa din nagsasalit si Jez, nakatulala lang ito at hindi makapaniwala sa sinabi ni Kiel na patay na ang kuya niya.

Gustong-gusto ko siya yakapin, pero hindi pa ako pwedeng bumangon dahil sa tahi ko. Hinawakan ko na lang ang kanyang kamay at pinisil ng marahan. Nang tumingin ito sa akin ay nag-uunahang bumuhos ang kanyang luha. Kitang-kita kong nasasaktan siya. Kahit hindi sila close ay kapatid pa rin naman niya ang nawala.

Unti-unti ay humagulgol na ito. Isinubsob nito ang mukha sa kinahihigaan ko.  Hinawakan  ng isa kong kamy ang kamay nito at ang isa kong kamay ay inabot ang kanyang ulo para haplusin habang siya ay umiiyak. Kung pwede ko lang kunin ang kahit kaunti lang na sakit para mabawasan ang sakit na nararamdmaan niya ay ginawa ko na. Nasasaktan ako kapag nahihirapan siya. Nakalungkot din ang nangyari sa kuya niya, napakabata pa nito para lisanin ang mundo.


(Jez)

I don't know what to do anymore. Sobra-sobra na, hindi ko na kaya. Kahit pahinga lang Lord. Huwag naman sabay-sabay, hindi ko na alam ang gagawin ko.

I just cried. Inilabas ko lahat ng nararamdaman ko mula sa sama ng loob sa magulang ko, sa mga problema ko, sakit ng pagkamatay ni Kuya, at sa pagod ko. Iniiyak ko lahat, I brokedown in front of my love.

Sobrang na akong nahihirapan, pero dahil nandiyan si Eris at ang anak namin. Kakayanin ko pa din.

Tinawagan ko si Judy at pinaki-usapan na magbantay muna kay Eris, kailangan kong umuwi.

Nang dumating si Judy, agad naman akong nagpaalam kay Eris.

Dumiresto ako sa bahay, pero hindi ako pumasok. Hindi ko alam kung ituturing ko pa itong tahanan.

Pinagmasdam ko ito, iniisip kung papasok ba ako o hindi. Nakita kong lumabas ang isa sa mga katulong namin may dala itong dalawang traveling. Agad ko itong nilapitan.

"S-sir, kayo po pala, nabalitaan nyo na ba sir?" Tanong nito sa sa akin habang inilalagay ang mga bag sa compartment.

"Oo, s-saan nakaburol si K-kuya?" tanong ko, gusto ko lang malaman para makapag-paalam man lang ako.

"Sa Heaven funeral chapel po, papunta nga ko po ako doon eh, dadalhin ko ang mga gamit nila Madam. Sumabay na po kayo sir" sabi at isinara ang pinto ng compartment.

"Sige, salamat"

Sumabay na ako, para makatipid sa pamasahe, nagpababa na lang ako sa kanto bago ang funeral chapel kung saan paglalamayan si Kuya. Nakiusap na din ako sa kasambahay na huwag sasabihin na pumunta ako dito.

Nakita ko sila Dad and Mom. Umiiyak si Mom, samantalang si Dad ay walang ekpresyon sa mukha. Sigurado akong nasasaktan iyan, paborito niyang anak si Kuya eh.

Napatingin ako sa kabaong na nasa harapan, may mga bulaklak na nakapalibot dito. Nandoon din sa paanan ng kabaong ang litrato ni Kuya.

Gusto kong pumasok, lapitan si Kuya, para makapag-paalam man lang pero siguro kapag nakita ako ni Dad magagalit na naman iyon, magkakagulo lang dito.

Nakasilip lang ako sa loob, nandito ako sa may pintuan nakatayo, dinadaanan ng mga bisitan na pumapasok. Mga kilalang tao at business partners ni Dad.

Naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya naman ay inilibot ko ang paningin ko. Nakita ko si Tito Ben, kapatid ni Mom na nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at nag-paalam na kay kuya.

"Kuya, paalam na, sana kung nasaan ka man maging masaya ka. Alam mo kuya, inggit na inggit ako sayo noon, lahat kasi ng atensyon at papuri nila Dad at Mom nasayo. Sinubukan kong gayahin ka pero hindi pa rin sapat. Pero kuya, hindi ko kailan man hiniling nasa mapahamak ka. Paalam bro" Palihim kong pinunasan ang butil ng luha na lumabas sa mata ko, alam ko kasing nakatingin pa rin sa akin si Tito.

Tumingin ako ulit kay Tito at bahagyang yumuko para magpaalam na. Agad akong umalis sa lugar na iyon. Babalik na ako sa ospital, kailangan ako ng mag-ina ko. 

---

S.B. Notes

Sorry Babes.

Isa lang muna, sisihin niyo yung pesteng makulay na uod-uod naaadik ako doon HAHAHA

Nasobrahan ko na ba? Pinapahirapan ko na ba sila ng sobra? 

Comments and Votes 

Secret Series 1: BESTFRIEND [R-18] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon