Bunnie
I woke up with my head is aching, hindi na dapat ako uminom kagabi. Ang hina ko talaga sa alcohol kaya ayan bagsak agad ako. Maybe, having hard drinks is not for me.
"Bun-bun, gising na baka malate ka. Hay! Naku kang bata ka talaga. Hindi ka na nadala noon tapos naisip mo pang uminom"bulyaw agad sa akin ni Lola mula sa pintuan. Agad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit.
"Kunti lang naman, Lola eh"pacute ko pa sa kanya. Tinuturo turo niya ang noo ko.
"Ano ba dapat kong gawin sayong bata ka. Paano nalang kung wala ako aba mamamatay ka sa gutom"pagpapaalala niya. Wala naman talaga kasi akong kayang gawin kaya ayan lagi ang bukam bibig na Lola.
What if, wala siya? What hindi siya dumating noong walang wala ako? What if uugod ugod siya patay kaming dalawa.
That's what she always says, pero hindi naman ako makakapayag kaya nga kumuha ako ng medical course kasi siya ang una kong bibigyan ng alaga at lunas sa sakit. Wala naman akong ibang maasahan maliban sa kanya lalo na at namatay na si Mama at Papa. Wala rin akong masyadong kaibigan dahil na rin sa stress na dala ng kurso ko.
"Lola, hindi po mangyayari yan. E' mas malakas ka pa sa kalabaw e'. Pitik mo palang wala na ako"natatawa kong biro sa kanya pero kumalas lang siya sa pagkakayakap ko at hinampas hampas ng kanyang tungkod.
"Ikaw na bata. May kasalanan ka pa sa akin kagabi. Aba, jusko! Bata ka. Muntik ka na palang madisgrasya kagabi kakalasing mo. Pasalamat ka at may naghatid sayo na kay gwapong binata "
I frowned as she said that. Pinagkrus ko ang kamay ko at inalala ang nangyari kagabi. I could tell that I drink, but being with a guy? Hmm, bakit wala akong maalala. Sino kaya yun? Kaya naman pala nasa kwarto na ako pagkagising. Sasabihin ko pa sana na baka nagcommute lang ako kagabi.
Speaking of a guy, I wonder who that is? Ang bait niya naman para ihatid ako dito sa bahay kung sakali. Paano niya pala nalaman ang address ko? Oh! Baka nakwento ko sa kanya. Iba talaga kapag lasing hindi na madaling makaaalala.
"Hinatid po ako? Bakit wala akong maalala? Hehehe! Lola nakuha mo ba name niya?"pakamot kamot kong ani kay Lola pero binugahan niya lang ako ng malalim na paghinga at nagsalita.
"Sandali lang, alam kong may binigay siya sa akin na papel kagabi"aniya sabay bukas ng kabinet.
May kinuha siyang papel at inilahad iyon sa akin. "Ayan basahin mo tapos tawagan mo na rin para makapagpasalamat ka sa pang-aabala. Laki-laki mo ng dalaga at napakapabaya mo pa rin. Kumain ka na pagkatapos mo magbihis at maglinis ng kwarto mo. Maaga akong mamamatay sa kukunsimesyong bata ka"
Nginitian ko naman siya ng malaki kaya lumabas nalang siya ng kwarto ko. Kaya love na love ko yun e' walang araw na hindi naalala para sa akin.
Tiningnan ko ang papel at pinagmasdan muna iyon mabuti. Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang pangalan niya dahil iyon lang naman ang nakasulat rito maliban sa phone number niya.
I read it and it make me totally shock. How could that happen? Is this for real? Paanong siya yung tumulong sa akin. Ibig bang sabihin niyon hindi ako nanaginip kagabi na kasama siya? I thought it was a dream. Tinawanan ko pa nga siya dahil hindi talaga ako makapaniwala na kausap ko siya tapos ngayon, O M G! Kinausap ko siya kagabi. Yung mga paru paru sa tyan ko nagliliparan sa saya.
BINABASA MO ANG
Mr. Naive Varine Series #1
Teen FictionStop if you know it hurts but never give up if his a naive in love. Varine Series #1: Carlos Varine Started: April 1, 2020 Completed: May 7, 2020 Credits to the rightful owner of the cover and also creator of the cover: @Simplyimperfectgirl All righ...