Nakaupo kami ngayon sa loob ng library at nasa harap namin ang mga libro. Wala masyadong tao ngayon dahil sa hapon na at karamihan sa amin ay umuuwi na habang iba naman ay tutok na tutok sa kanilang pagbabasa.
Magiging masaya sana ako ng malaman na tuturuan niya ako tungkol sa hindi ko maintindihan pero yung matuto ako ay hindi ko na aasahan.
May side sa akin na nagsasabi na sobrang pabigat ko naman para magpaturo pa sa tulad niya, ano ako Dumbell? pabuhat. Yung isa namang side ko nagsasabi na 'Hello siya nag-offer ng tulong hindi mo dapat tanggihan ang grasya. Atsaka quality time mo ito. Napakaswerte mo naman para pagtuunan niya ng oras diba.' nagtatalo pa yan.
"Para sa ano yang mga libro?"-okay! painosente pa more.
Inilapag niya ang isang libro sa harap ko at binuklat iyon. "Basahin mo iyan at sabihin mo sa akin kung saan dyan ang hindi mo maintindihan upang maituro ko sa iyo"
Nga-nga. As in napanga-nga talaga ako sa sinabi niya. Ako babasahin ang ganyan? Aba tulog na ako niyan. Tinitingnan ko palang nahihilo na ako, parang lalagnatin ako ng wala sa oras. Maski yung mundo ay umiikot sa tuwing iniiwas ko ang tingin ko sa libro.
Minutes later...
Padabog kong ibinagsak ang ulo ko sa lamesa at huminga ng sobrang lalim.
Hindi ko na kaya. Magkakaroon ako ng migraine, influenza at cancer sa utak. Walang pumapasok maski isang letra. Nahihilo na ako, ang daming nakasulat wala bang larawan upang iyon nalang ang dapat pagbasihan.
Kinuha sa akin ni Carlos ang libro at tiningnan tingnan iyon sabay glance sa akin "May naintindihan ka ba sa binasa mo?"
"Wala"tipid kong sagot
"At bakit wala kang naintindihan?"
Paano ko ba sasagutin ito?"Kasi... Hindi ko alam"
"Okay, that's make sense. Akin na ang available notebook mo yung walang sulat. Siguro meron ka nun, diba?. Ayokong naaapawan kasi yung sulat ko"aniya pa
Hindi naman ako nagtanong pa at inilahad ko nalang ang bago kong notebook sa kanya. Hindi rin naman siya nagsalita kahit alam kong may itatanong siya ng ibigay ko ang notebook.
Siguro nagtataka siya kung bakit wala talagang laman yun. Hindi naman kasi ako nagt-take down notes lalo na kung dictate, ang hirap mag-catch up. Hindi katulad noon na isinusulat pa sa blackboard or manila paper para maka-copy kami. Iniisip ko tuloy sila yung pinakatamad kaysa sa akin.
"Uhm, Varine. Hindi mo naman kailangan na tulungan ako. Baka may gagawin ka pa, pwede ka naman mauna"nakayuko kong saad "Atsaka mahahabol ko rin si Ma'am. Hindi naman totoo yung sinabi niya e' "
Patuloy lang siya sa pag-susulat sa notebook at hindi nagbibigay ng tingin man lang sa akin. "I insist and base sa pinapakita mo. Hindi mo maka-catch up ang mga turo nila ngayon dahil malayo- layo rin sila. Ikaw nag-uumpisa palang"kalmado niyang saad.
"Pero baka may gagawin ka pa tapos nakakaabala pa ako"
"You can't help me in courting if you have trouble with this"
"May point ka naman, pero katulad ng sabi ko" hinila ko ang notebook paalis sa kanya "kaya ko naman e' sige ka baka bumagsak ka kapag tinuruan mo pa ako"
Pinitik niya ang kamay ko paalis ng notebook at kinuha mo uli ito sa akin "Nasaan na ba kayo sa discussion niyo"
Napaisip ako sa sinabi niya at pinisil pisil ko pa ang ulo ko para may lumabas man lang. Muli ay napanga-nga ako ng wala sa oras dahil maski yung tinuro kanina ay hindi ko alam. "Hehehe.. importante pa bang malaman mo yun?"ngi-ngiti ngiti kong tanong
BINABASA MO ANG
Mr. Naive Varine Series #1
Teen FictionStop if you know it hurts but never give up if his a naive in love. Varine Series #1: Carlos Varine Started: April 1, 2020 Completed: May 7, 2020 Credits to the rightful owner of the cover and also creator of the cover: @Simplyimperfectgirl All righ...