Louis Loren
(Lolo)Napapabuga nalang ako ng hangin habang nakatingin sa aking mukha na binugbug ng babaeng nakikitira lang sa amin. Hindi ko talaga lubos maisip na nakayanan ni Mom na ipagpalit ako sa babaeng yun. Mas kinampihan niya pa ito kaysa sa akin na totoo niyang anak. Pakiramdam ko tuloy pinagtutulungan nila ako sa tuwing umuuwi ako sa bahay.
Kakatapos ko lang mag-ayos para pumasok at doon ko na naman nakita ang bakulaw, halimaw, at pangit na tao sa sofa. Nakaupo lang ito habang nakadikwatro. Suot niya lang ay ang kanyang pajama at t-shirt na may drawing ni Elmo. May hawak rin siyang plato na naglalaman ng pancakes habang nanonood ng t.v.
Naawa nalang ako sa aking sarili habang nakatingin sa mga kalat na kagagawan niya. Wala kasi ngayon sina Mom at Dad, may pupuntahan daw silang site kaya kailangan maiwan nalang ang bruha dito. Kahit tutol ay wala rin akong nagawa dahil gusto ni Mom na wag munang lumabas ito sa bahay. Baka daw hindi niya maipasyal lalo na at trabaho ang pupuntahan nila.
Hindi naman siya ganun kapabigat sa amin pero para sa akin kahit na ilang kilo pa ang nawala sa katawan niya ay sobra niya parin niyang pabigat sa akin. Inaamin ko na matagal ko na siyang hindi nakita at nagulat talaga ako ng dumating siya. Muntik ko pa ngang masabi na supermodel siya from new york. Buti nalang mahal pa ako ng dila ko at hindi siya nadulas. Pagnagkataon ay lalaki ang ulo nito at aasarin niya na naman ako katulad nalang na naglaway ako. O di kaya ay naattract ako sa kanya. Which is now fucking way. Hindi mangyayari yun. Magpapakamatay ako kapag kinakailangan.
Nakita kong lumingon siya sa tabi ko. "Aalis ka na?"tanong niya.
Nginisian ko naman siya. "Hindi ba halata?"
Napahinto naman ako sa pagngisi ng isang mapanuring tingin ang binigay niya sa akin. "Actually, halata. Kaso gusto ko itanong kung sa school ka ba talaga pupunta. Para ka kasing bantay tanod sa suot mo"aniya
Nangunot naman ang aking noo sabay buga ng hangin. "At paano mo naman nasabi ha?"naiirita kong tanong. Nakakapikon talaga ang babaeng ito.
"Nakalong sleeve t-shirt, check. Butas butas na jeans, check. For real? Yung buhok mo. Sino gumupit niyan? Mukhang nagtitipid sa kuryente ah"aniya na panglalait.
Kung hindi lang ako nangako kina Mom na magpakabait. Sinupalpalan ko na ng remote yung bibig niya. Mukhang bumabawe sa ginagawa ko sa kanya noon. Atsaka sinong nagsabi na pangtambay ang outfit ko? Ito kaya ang trending ngayon, hindi ba siya nagbabasa ng fashion magazine? Tapos yung buhok ko. Nilalait niya. Aba, pinaayos ko pa ito sa isang sikat na hair cutter sa bansa. Inabot din ng 1k ang bayad ko dito. Nakakairita talaga siya. Makaalis na nga lang. Baka makalimutan kong babae siya.
Aalis na sana ako sa harap niya ng bigla niyang hilain ang aking damit at sinakal gamit ang braso. "Ano ba, Sin. Hindi ka ba tapos mang-inis?"sigaw ko sa kanya.
"Hindi pa at gusto kong sumama sayo sa school niyo. Papayag ka diba?"
"Ano ka siniswerte? Neknek mo"sabi ko naman sa kanya pero narinig ko siyang bumulong at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal sa aking leeg. Napahampas- hampas naman ako sa sofa habang ginagawa niya yun. Kahit na sobrang skinny niya na pero yung lakas ng isang boxer at martial artist ay dala niya pa din.
"Papayag ka o Papayag ka?"tanong niyang muli.
"Ano ako tanga. Wala naman akong pagpipilian sa choices mo kaya hindi. No way, mamatay ka sa boredom dito."pagmamatigas ko.
NAKASIMANGOT kong naglalakad ngayon kasama ang bakulaw na babaeng ito. Dapat hindi ko talaga siya isasama kaso mas mahal ko ang buhay ko kaysa sa school na ito kaya yan. Ngiting-ngiti na pinagmamasdan ang building namin. Gusto ko nga yan na iligaw dito para hindi na makauwi at mawala na rin sa buhay ko kaso baka isumbong niya ako kina Mom. Malamang kakampihan niya yan kaysa sa akin.
BINABASA MO ANG
Mr. Naive Varine Series #1
Teen FictionStop if you know it hurts but never give up if his a naive in love. Varine Series #1: Carlos Varine Started: April 1, 2020 Completed: May 7, 2020 Credits to the rightful owner of the cover and also creator of the cover: @Simplyimperfectgirl All righ...