NAGISING nalang ako na nasa loob na ako ng clinic. Kailangan ko pa bang sabihin kung ano itsura? Pareho lang naman sa lahat ng clinic sa school. Tinatamad pa ako tapos yung ulo medyo masakit mukhang may nasagi ako bago mahimatay.
Nagulat ako ng may humawi ng kurtina, ito pala yung ga-manage ngayon sa clinic. Nandoon pa yata yung doctor sa kung saan. Joke lang!
"Ija, gising ka na pala"sabi niya sa akin habang abala sa pagcheck.
"Ms. Nurse, ano pong nangyari sa akin?"tanong ko sa kanya
"Sabi ng mga kaklase mo nahimatay ka matapos gawin yung pagkuha ng dugo sa palaka. But I think it's normal dahil ganun rin nangyari sa amin nung nag-aaral pa ako pero mas okay kung magpapahinga ka muna"sabi niya sa akin kaya tumango lang ako.
Hindi ko talaga kaya yung nakita ko kanina. Gusto ko talaga isuka lahat ng kinain ko dahil doon. Nakakadiri! Sabi ni Carlos normal lang na makakita ako ng mga ganun kasi isa iyong lab at nurse kami na trini-training. Pero iba talaga sa pakiramdam na makita mo ng personal.
Hinawi ni Ms. Nurse ang kurtina sa kanan ko at nagulat ako ng makita si Carlos na nakahiga habang kama habang nakatingin sa kisame.
Ano ginagawa niya dito?
"Psst! Psst!"tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya at tumingin sa akin na may nakakatamad na mukha.
Mas lalo siyang gumagwapo...
"Ano ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya pero ibinalik niya lang yung tingin sa kisame ulit. Aba swerte naman ng kisame nakatitig sa kanya si Carlos.
"Wala naman, tinatamad lang ako"tipid niyang tugon, nakatutok lang ako sa kanya habang walang buhay niya iyon sinabi. "Nakakatamad din pala gawin ang ganitong bagay"
"Bakit ka naman tatamarin? Ikaw si Varine, lahat ay isang interesanteng bagay para sayo. Diba kaya mo kinuha ang kurso na yan dahil gusto mo at hindi ka na mahihirapan para patakbuhin ang kompanya niyo"pagpapalakas ko sa loob niya. "Buti nga at alam mo na ang mangyayari sa buhay mo. Hindi mo na kailangan mamoblema"habol ko pa
"Sana ganun lang yun kadali. Ang mabuhay ng may kompanyang naghihintay sayo ay isang bagay na hangad ng lahat ng kakumpitensya namin pero alam mo bang kahit isa sa mga yun ay wala akong ginusto"
Dama ko ang pagkaseryoso niya sa mga binibitawan na salita. Nalulungkot ako ngunit nangingibabaw ang pagtataka sa akin. "Bakit mo naman ito kinuha kung hindi mo gusto. E' bakit ayaw mo?"
"Isa iyong responsibilidad na dapat kong gampanan bilang isang panganay. Ano man ang aking kunin ay ayun pa din ang naghihintay sa akin. You don't know how tired to be like this, the way what you need to be. Sometimes, I think of myself one of this days. Managing my dad's company, but what it feels like to be like him?"sabi niya sabay patong ng isang kamay sa tiyan niya habang ang isa naman ay nasa uluhan niya.
"Hindi naman yan problema e"sabi ko tapos tumingin narin ako sa kisame tulad niya. "Nalilito ka lang at normal lang yun"
"How can you say that? Hindi mo ako katulad"-ay grabe talaga ang lalaking ito. Sakit ah!
Bumuga ako ng malalim at nag-isip. "Katulad ng sabi mo may naghihintay ng bagay para sayo at ayaw mo niyon. Matalino ka, gwapo ka, at anak mayaman ka kaya normal lang yan sa tulad mo pero tulad ko may hinahangad ka din. Hindi mo lang ito mahanap. Lahat kaya mong gawin kaya walang challenge at dahil doon ay tinatamad ka ng gawin ang mga iyon"
"Do you think?"
Lumingon muli ako sa kanya at sabay ngiti. "Hindi ko man nararamdaman o nararanasan ang mga bagay na ganyan pareho lang tayong nahihirapan sa pagkuha sa gusto natin"
"Bakit mo pala sinasabi ito sa akin? Naninibago ako"
"I dont know but Thanks" -wah! NagThank You siya, yung puso ko tumatalon na naman sa saya.. "Speaking of why I'm here, what are you doing here? You have actual at this hour, right"
Nawala ang ngiti sa aking labi ng tanungin niya yun. Ang ganda ng atmosphere tapos sisirain niya lang, KJ!
"Tungkol dyan! Ano kasi-Nahimatay ako habang kinukuhaan ng dugo yung palaka sa lab. Kaya ta-da nandito ako at kausap mo, Hehehe"pakamot kamot kong tugon sa kanya pero nasa kisame parin ang tingin niya. Namimihasa na yung kisame dapat ko na siyang ipa-demolished dahil sa pang-aagaw kay Carlos.
"Tss! Your afraid of Blood. That's stupid"aniya
Wow naman, ikaw kaya doon.. "Hayaan mo na nga yun. Sigurado naman akong makakayanan ko yun dahil hindi ko iyon susukuan basta basta, isa yata akong Sandoval. Fighting dapat"
"I have a question"
"Ano yun?"tanong ko
"How did you know the owner of that restaurant?"sa pagkakataong ito ay nakatitig na siya sa akin, ganun din ako sa kanya. "How did you know that guy?"
Ha?
Ang ano?
Ano daw?
"Ano bang klaseng tanong yan. Kakilala ko na noon pa ang may ari niyon pati narin ang apo niya. Actually, kaklase ko noon si James. Hindi ko nga aakalain na apo siya nun e"pilit kong ngiti sabay kumpas kumpas ng aking kamay.
"He's courting you, right "binalik niya na naman ang atensyon niya sa kisame. Aba! Nakakarami na yang kisame ah!
Nawala ang sigla ko sa sinabi niya pero kahit ganun pinaparamdam ko pa din na masigla ako. "Paano mo naman nalaman yan?"
"It's all over the campus"aniya
Napakamot kamot na naman ako ng batok. Haiist! Daming chismosa, tapos yung ginawa ni James takaw atensyon sa iba. Nakakahiya kay Carlos... "Ganun ba hehehe hindi ko alam. Busy ako ng mga araw na pinagchi-chismisan yata kami!"
Malumanay niya akong tiningnan, nakakaba talaga kapag tinitingnan niya ako ng ganyan. Feeling ko may nasabi akong mali sa bawat oras na nagiging ganyan ang ekspresyon niya sa mata. "Pero wag mo ng isipin yun. Mawawala rin ang chismis na yan kapag nagtagal kaya-"
"Sinagot mo ba?"
Sa huling pagkakataon ay muli na naman akong nalilito sa mga aksyon niya. Bakit niya ako tinatanong ng ganyan? Bakit siya ganyan? Bakit ganito nararamdaman ko? Lagi mo nalang akong nililito. Alam kong tanga ako pero wag mo akong paasahin sa mga reaksyon mo.
Tiningnan ko lang siya na may pagtataka sa aking mukha. Tumayo lang siya at bumuga ng malalim. Wala naman siyang ibang sinabi dahil agad agad na siyang lumabas ng clinic. Napahawak ako sa dibdib ko sabay upo sa kama.
Ayoko umasa pero bakit parang gusto ko umasa ulit. Ngayon na nakakausap ko siya at nakakasama dapat ko bang sabihin itong nararamdaman ko? Nalilito ako! Bakit mo ba ginagawa ito sa akin? Lagi mo nalang akong iniiwan na may pagtataka sa bawat galaw mo.
Kahit minsan pwede linawin mo naman, nahihirapan ako e'.
@naokoalliv
Gusto ko talaga lagyan ng picture na pwedeng i-portrate si Bunnie at Carlos. Help me guiz! Gusto niyo rin ba.
BINABASA MO ANG
Mr. Naive Varine Series #1
Fiksi RemajaStop if you know it hurts but never give up if his a naive in love. Varine Series #1: Carlos Varine Started: April 1, 2020 Completed: May 7, 2020 Credits to the rightful owner of the cover and also creator of the cover: @Simplyimperfectgirl All righ...