Nanginginig ang kamay ko habang pinapakilala ko ang sarili ko sa kanya. Alam ko naman na mabait siya pero natatakot ako sa pwedeng mangyari habang nandito ako. Sabi nila sila na ang bahala kaso iba talaga kapag ikaw mismo ang isinabak nila. Para kang puns sa chess piece na ipapakain sa kalaban mo.
"Kamusta ka na, Amhego. Nabalitaan kong inatake ka sa puso at naospital. Nabalitaan ko din na itong anak mo ang humahawak sa inyong kompanya"
"Maayos na ako at totoong ang panganay kong anak ang humahawak ngayon ng kompanya"
"Kay husay naman"papuri niya
"Nabalitaan kong mahusay sa lahat ng bagay si France"natutuwang pagtatanong ni Mr. Varine sa matanda. Nakita ko kung paano mahiya ang babae aa sinabi nito.
Pati ba naman yung galaw ng mahiyain, napakaperfect din?
"Amhigo, isang prinsesa ang aking anak at lahat ng kapatid niyang lalaki ay inaalagaan siyang mabuti kaya sa bawat ginagawa ni France ay puro ikakapuri ng lahat. Minsan iniisip ko kung saan siya nagmana ng kakayahan"natatawa namang tugon ng matanda.
"Sa inyo po ako nagmana, Daddy"nakangiti namang sabi ni France.
Awkward!
"Kung mahusay ang aking anak, sa iyo rin. I heard that he's so genius also famous. Does he have a girlfriend?"
Napatingin naman ako kay Carlos dahil sa sinabi ng matanda. Kung sasabihin niya bang may gusto siya. Matitigil ba itong engagement nila?
"Thanks for the compliment, Sir. Bur I don't have a girlfriend"tipid niyang sagot
Nanlaki naman ang mata ni France sa gulat. "For real? How come? If you don't mind to share a thing about it"
Wahh! Gusto ko sabuyan ng tubig ang babaeng ito. Paano niya magiging Girlfriend ang gusto niya kung papakasalan ka rin niya. Jus! Ilayo niyo ko sa demonyo. Parang sasaniban na ako dito.
"She's right. Pwede ba, Ijo?"
Nagkatingin ang dalawang Varine saka ako pinasadahan ng tingin ni Carlos.
Wag kang tumingin dito, hindi ko kaya!
Napaupo naman ako ng tuwid ng tusuk tusukin ng Mama ni Carlos ang tagiliran ko. "Bakit po?"bulong ko sa kanya.
Ngunit ininguso niya lang sila.
Ha?
Ano daw?
"Ija, may problema ba dyan? Tila hindi ka mapakali. Ayaw mo ba dito?"nag-aalalang tanong niya. Napawave-wave naman ako ng kamay. "Wala po"natataranta kong tanong.
"Matanong nga kita, Ija"mas lalong kumabog ang puso ko ng ako naman yata ang mapapasabak sa Q&A. Nginitian ko siya bilang sagot. "Ano ang masasabi mo tungkol sa engagement nila? Katulad ng sabi ni Mrs. Varine ay magiging daughter in-law ka na nila. Ano ang iyong maipapayo?"
Halos maluwa ang mata ko sa sinabi niya. Ako tatanungin nila? Bakit ako? Diba dapat si Carlos?
Nakita ko muli ang pagtingin sa akin ni Carlos. Ewan ko ba pero parang may gusto siya sabihin sa akin pero hindi niya magawa. Napabuntong hininga ako at ngumiti muli sa kanila. Ito yung ngiti na may halong lungkot. Ito na ang huling tutulungan ko si Carlos at hinding hindi na ako mangingielam pa maski ang kapatid niya pa ito o ang mama niya.
"About that. Mrs. Varine was just joking. You know how wonderful their love story, right" hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang mala-english speech na ito pero ito ang gusto sabihin ng... ng puso ko. "Hindi po nila ako magiging daughter in-law pero hindi naman kailangan magpakasal para maging isa sa kanila"
"Bawat sa atin ay may karapatan na umibig at kung sakali man na ikakasal ako. Gusto kong maikasal sa taong nagpapatibok ng puso ko. Dahil katulad niyo para itong kayamanan na dapat pahalagahan at ingatan. Isang matalinong tao si Carlos at ganun din ang tulad ni France. Kung sasabihin kong hindi tama na pag-usapan niyo ang kasal para sa kompanya, wag niyo sanang ikakagalit. May pangarap si Vari- I mean Carlos"napayuko na ako dahil sinasabi ko sa kanila ang gusto ko ipaalam ngunit gusto ko tulungah si Carlos.
"Mahirap lang ako at wala talaga akong alam tungkol sa business pero isa lang ang masasabi ko. Kung para talaga sila sa isat isa. Magiging sila talaga. Gusto ko lang supurtahan ang gusto ni Va- Carlos na maging Doctor at hindi ko alam kung makakatulong ang pagpapakasal"
Tila naging isang bukid na kasing tahimik ang hapagkainan. Isang katahimikan na hindi kayang basagin ng kahit sino sa amin. Buti nalang at may pumalakpak.
Ha?
"Napakatalinghaga ng iyong sinabi. Amhego, hindi mo man lang sa akin nasabi na gustong magDoctor ng iyong anak. Hindi mo ba alam na may pinapatakbong university ang aking kapatid sa States para sa mga doctor. Why not finish this and talk about it."natutuwang sabi niya. Hindi ko alam kung natutuwa ba talaga siya o magagalit dahil parang ininsulto ko sila.
Nang matapos yun ay agad akong nagbihis ng matino. Nakita ko si France kanina kasama si Carlos at tuwang tuwa talaga sila. Nakakainis talaga ang karisma nitong lalaking toh! Two timer- three timer. Tinulungan na nga wala pang thank you- salamat. Ha! Akala mo tutulungan pa kita bahala ka na dyan. Hindi kita kakausapin, hinding-hind ~
"Bunnie, wait"rinig kong tawag sa akin ni Carlos mula sa likod. Agad naman akong napatingin sa kanya. Malamang ganun na naman ang mukha niya parang tamad pero ang talino.
"Bakit?" -hindi mo talaga kaya panindigan ang sinabi mo noh!
"Samahan na kitang umuwi"aniya
Napawave wave naman ako. "Hindi na atsaka siguro may taxi pa ngayon. Bumalik ka na doon"
"But I want to walk with you"bulong niyang sabi sakin. Bigla namang kumabog ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Ang cute niya kapag sinasabi yun. Pwede na ba akong tumalon sa kilig???
"Wala ka bang kotse?"sabi ko
Nakita ko naman ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi. Sa palagay ko nangangamatis na ang mukha ko. Wag kang ngumiti ako yung mamamatay.
Habang nasa kotse kami ay tahimik lang kaming bumibyahe. "Ikakasal ka na ba talaga?"pagsira ko sa katahimikan sa pagitan namin.
"Oo, pwede din hindi"tipid niyang sabi
Pinaningkitan ko naman siya dahil doon. "Bakit naman? Maganda naman si France diba"
"Kanina tila tumututol ka kay France pero ngayon ipinagtutulakan mo ako sa kanya"
Napapuot naman ako dahil sa sinabi niya. "Hindi naman sa ganun pero iyon ang iniisip ko at sorry kung-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita naman siya. "At dahil sa iniisip mo mukhang hindi matutuloy ang engagement"
"Hala, nainsulto ko ba sila? Masisira ko ba ang ugnayan sa pagitan niyo? Sandali, sorry"kinagat ko ang aking labi para mapigil ang pagsasalita ko.
"Hindi naman yata. And I should be thankful for that"napatingin ako sa kanya ng may malalim na pagiisip. Ilang beses ko na bang nasabi na lagi niya akong pinaparamdam ng ganito?
"Varine pwede bang-" tama na? Nasasaktan ako lagi e' "Pwede mo na bang ligawan si Flor? Sabi niya kasi sa akin gusto ka na niya. Natatawa na kasi ako sinasabi niya. Ang hindi niya alam ay kakunchaba mo ako"natatawa kong sabi
"May plano na ako dyan"
Nawala naman ang ngiti ko sa labi. May plano na siya at nag-aassume pa rin ang pusong ito. Gusto ko ng maging manhid, pwede po ba yun? Kupido pwedeng alisin mo na ba ang pana sa aking puso?
@naokoalliv
BINABASA MO ANG
Mr. Naive Varine Series #1
Teen FictionStop if you know it hurts but never give up if his a naive in love. Varine Series #1: Carlos Varine Started: April 1, 2020 Completed: May 7, 2020 Credits to the rightful owner of the cover and also creator of the cover: @Simplyimperfectgirl All righ...