Chapter 25

264 30 0
                                    

Matapos niyon ay nagulat nalang ako kinabukasan na bumalik na si Carlos sa school at ngayon ay kaharap namin siya dahil nagselebra ang dalawa niyang kaibigan. Kasama ko ngayon si Mie, Flor at James.

"Yes, kompleto na tayo"natutuwang sabi ni Lolo sa harap ni Carlos. Totoong naging tahimik si Lolo pero ngayon ay para siyang nabuhayan ng bumalik si Carlos.

"Ang daming nangyari habang wala ka, dre'. Alam mo bang si Lolo laging may pasa sa mukha tuwing pumapasok kaya ang tahimik. Kung makikita mo lang pagtatawanan mo talaga siya."kwento naman ni Budoy

Agad naman siyang binatukan ni Lolo at sinisenyasan na tumahimik. "Sana hindi ka nalang bumalik"dinig kong bulong ni James.

"Anong ginawa mo, Carlos at ngayon kalang bumalik ha?"masungit na tanong ni Mie. Natawa naman ako dahil sa inasta niya kay Carlos. Naging malapit na rin si Mie kay Carlos dahil na rin nagpapaturo kami sa kanya.

"Inaayos ang kompanya ng pamilya namin"tipid niyang sagot. Kahit na matagal din siyang nawala yung trip niyang maging matipid sa salita ay ayan pa rin at mukhang wala tayong mababago doon.

"Edi ikaw na"ani ulit ni Mie kaya siniko ko siya. Napa-ouch naman siya dahil sa ginawa ko. "Bakit"

"Magkaibigan ba talaga kayo niyan, Bun?"tanong sa akin ni Lolo.

Tumango ako. "Oo naman kahit ganyan kaprangka magsalita yan"

"Oy! Mie dapat tularan mo ang kuneho na yan kasi mas mabait pa yan sa budhi mo"natatawa namang banat ni Lolo kay Mie. Iniikot nalang ni Mie ang mata dahil sa iritasyon.

"Sinong may gusto ng pizza. Ako kukuha para sa inyo"sabi ni Lolo pero hindi naman nagpahuli si Mie sa tanong. "Ikaw ang magbabayad?"

"Basta i-date mo ako"biro naman niya kay Mie pero inikutan niya lang muli ang mata kaya natawa na naman kami.

Natutuwa talaga ako at bumalik na siya. Ang saya pala kapag kompleto kami para kaming squad sa teleserye. Aaminin ko namiss ko si Carlos, lagi naman pero sumuko na ako. Atsaka kaibigan lang talaga ang maibabalik niya sa akin.

"Babalik ka na ba talaga, Carlos? Paano nangyari yun diba ikaw pa rin ang nagmamanage ng company niyo?"tanong ko sa kanya habang wala pa ang tatlo. Nakisusyo naman si Flor.

"I don't know. Baka temporary lang ito dahil na rin hindi pa gumagaling si Papa ng tuluyan"aniya sa akin

"E' yung pagdodoktor mo? Pumayag na ba sila?"

Napatabi ako bigla ng ilapit ni Flor ang mukha niya kay Carlos. "Okay, sayo na ang spotlight. Ikaw naman ang magtanong nahiya naman ako" ani ko sa sarili ko.

"Magdodoktor ka? Pagsabihin sa department ka namin mapupunta"sabi ni Flor na may ngiti sa labi. Nakita ko naman ang ngiti sa labi ni Carlos.

"Hindi ka ba natutuwa, Bun?"

"Natutuwa kaya ako"saad ko na may ngiti sa labi.

Alam niyo yung ang sarap manapak tapos magmove on pero kapag nagawa mo na pero may aasungot na ganito sa puso mo. Patanggal ko kaya ito? Ah! No, mamamatay ako kapag nagkataon.

"Bun, noong gabing yun salamat pala. I know what my Mom and sister did to you and it's not good. They against the law but still thanks. You still approach them and Dad think, maybe it's not for my best"

Kingina! Yung puso ko tumatalon na naman sa saya. Bun, magtino ka nga. Kakasabi mo lang na move on ka na. Na hindi mo pwedeng ipagpatuloy yan. Dapat wag kang madala sa sinasabi niyan. Dyan tayo nadadale kapag nasa usapang pag-ibig tayo e'. Maawa ka naman sa heart mo, baka maubusan na yan ng oxygen kapag hindi ka tumigil.

"Wala yun"pawave-wave kong sabi. Napapitlag naman ako ng hilahin bilga ni James ang kamay ko palabas ng cafeteria.

Nakasalubong namin sina Mie pero wala silang nagawa para pigilan si James na hilahin ako palabas.

Nang makalayo na kami sa cafeteria ay doon humarap sa akin si James na tila naiinis. Na parang may mali sa nangyayari at gusto niyang sabihin iyon sa akin pero hindi niya alam kung saan mag-uumpisa.

Hinawakan ko ang balikat niya at tiningnan ng maayos. "James, may problema ba?"tanong ko sa kanya

"Bunnie"aniya sabay yakap sa akin ng mahigpit, kaya tinugunan ko iyon ng pagtapik sa likod niya.

"Wag ka ng malungkot. Hindi ako sanay"namamaos kong sabi sa kanya dahil parang nahahawa ako sa kalungkutan niya. Matalik kong kaibigan si James at lahat ng problema niya ay sinasabi niya sa akin. Maski maliit ito o malaki. Ganun din ako sa kanya, kaya kahit ilang beses ko na itong nabasted hindi pa rin nasisira ang pagkakaibigan namin. Pero ang hindi ko kayang makita sa kanya ay yung nasasaktan siya.

"Hindi ba ako ganun kaworth it ng pagmamahal mo, Bun? Habang tinatanong mo siya tungkol sa pagbabalik. Alam mo bang naiinggit ako na sana ay ako nalang yun. Nasana ay napapangiti rin kita at napapablush"umpisa niya.

Nalungkot naman ako sa sinabi niya. Gusto ko siyang tingnan sa mata at sabihing higit pa doon ang ginawa niya para sa akin ngunit hindi niya ako hinayaan na gawin yun. "Wag kang mainggit sa kanya dahil iba kayong dalawa"

"Edi sabihin mo sa akin kung ano ang wala sa akin na meron siya. Ano yung bagay na nakikita mo sa kanya na hindi mo nakikita sa akin? I tried everything to make you happy. I tried everything to make your heart beat fast like he do to you but just a snap. Kapag nandyan na siya, kahit na nakatingin lang siya sayo ay nakikita ko ang saya at lungkot sa mata mo. Napag-usapan na natin ito pero hindi mawala sa dibdib ko yung sinabi mo sa akin. Bakit hindi? Bakit hindi nalang maging pwede?"

"Kasi ayoko masaktan ka"naiiyak kong sabi sa kanya.

Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan ng diretso. "Pero nasasaktan mo na ako, Bun. Lagi akong nasasaktan"

Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan sa ating dalawa e'. Hindi lang naman ikaw ang nakakaramdam niyan e'. Ayun ang gusto ko sabihin sa kanya.

Pinunasan ko ang aking mata at ngumiti sa kanya ng may bahid na lungkot. Nagsalubong naman ang kanyang kilay na parang nagtataka. "Naalala mo yung sinabi mo sa akin na itry natin?"

"Naano doon?"

"Subukan natin kung tama ba na ipagpatuloy mo yan. Kung kaya ko bang makalimutan siya. James, pumapayag na akong makipagdate sayo. Para matapos na ito"sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Talaga?"nagtataka niyang tanong. Tumango nalang ako bilang sagot doon. Niyakap niya akong muli ng mahigpit. "Thank you, Bun. Thank you, thank you. I'll make sure that this date will worth your love for me"

Tumango tango nalang ako.

Sana nga, James! Dahil hindi ko na talaga kaya kung masasaktan pa kita ulit. Ikaa ang bestfriend ko.

@naokoalliv

Mr. Naive Varine Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon