Hope you like it and thank you for supporting this, until the end. I dedicated this chapter to my bestfriend who just celebrated their birthday. But due to enhance community quarantine their celebration with us is postponed. Still happy birthday 😇.. and I love you.
***
Bunnie
Bakit hindi pa ako nasanay na masaktan. Alam ko naman mula sa una ay hindi niya ako magugustuhan pero tanga nga kasi ako. Ano ba binatbat ko. Matalino siya, mayaman at kilala sa pagiging gwapo. E' ako kilala bilang talunan. Pabigat! Sinabi niya na yun kanina lang.
Napahinto na ako sa pagtakbo sa may field at pabagsak na humiga sa damuhan habang habol habol ang aking hininga. Hindi naman mapigilan ng aking mata ang pagluha at sobrang nakakainis kasi hindi pa ako umiyak ng ganito kalala. Yung kahit na anong singhot ko sa sipon ay may tutulo at tutulo pa rin. Ganun din sa luha ko.
Sana hindi nalang siya umamin sa akin kung iiwan niya rin lang ako dahil sa pabigat ako. Sana hindi niya nalang sinabi na gusto niya ako kung nakikita niya ako bilang isang isip bata na babae.
Nakakaiyak talaga...
Pinahiran ko ulit ng aking kamay ang aking gilid ng pisngi ng diretso kong tiningnan ang ulap. Sobrang nakakasilaw pala ito. Ano ba yan sa sobrang tanga ko muntik pa akong mabulag sa simpleng sinag ng araw. Pwede naman sigurong umulan nalang diba? It's their time to shine.
Gusto ko tuloy maawa lalo sa sarili ko dahil maski ang panahon ay ayaw akong pagbigyan. Ulan lang naman hinihingi ko, ayaw pa akong anuhin. Ganun na ba talaga ako kamalas.
Napahinto naman ako sa paghikbi ng may humaplos sa aking buhok. Napapitlag naman agad ako ng malaman ko kung sino yun. Kaya naman pala mas lalo akong naiiyak ngayon e'. Bakit niya pa ako sinundan mas lalo lang pinipiga ang puso ko sa sakit.
"Umiiyak ka ba?"mahinang tanong niya.
Sobrang manhid naman ng taong ito. Halata na nga nagtatanong pa. Nakakainis!
"Bakit naman ako iiyak? Napuwing lang ako atsaka tagaktak ng pawis ang noo ko kaya ganun"pagpapalusot ko pero alam kong hindi ganun ka katanga si Carlos sa mga nangyayari. Nagwawalang bahala lang ito upang hindi niya masabi ang kanyang saloobin. At doon ako sobrang naiinis.
Umupo siya sa aking tabi at hindi tumingin sa akin. Hindi ko naman maiwasan na hindi humanga sa kanyang kakisigan sapagkat siya lang ang taong nagpaparamdam sa akin ng ganitong pakiramdam. Yung kayang tumalon ng aking bawat cells sa katawan sa tuwing titingin siya. Yung kayang magtambling lahat ng intestine ko sa tuwing ngumingit siya. At yung pakiramdam na sasabog ang puso mo sa tuwing sasabihan ka niya ng maganda na hindi mo inaasahan. Umupo lang siya pero yung puso nagwawala. Oo, galit ako. Naiinis din pero hindi ko pwedeng sabihin na hindi ko na siya kayang pansinin. Kung magiging bato ang puso gusto kong ako ang pinaka-unang tao na magkakaroon niyon.
"Dad said that he enrolled me in Europe University. Pinayagan niya na akong maging isang doktor at dahil yun sayo"aniya
"Talaga, kailan ang alis?"
"Yung kanina-"
"Wala yun sa akin. Hindi naman tayo kaya pwede kang umalis na hindi nagpapaalam sa akin"
Wala naman kasing nagsabi na mahalin at hintayin ko siya, but I insist. Sabi ko kahit na anong mangyari dapat alam ko ang kahihinatnan.
"Yung sinabi kong mahal kita, totoo yun"pagsabi niya sa gitna ng katahimikan sa aming dalawa. Bigla namang may pumitik sa aking puso dahil doon.
Katulad niyan. Babanat nalang sa maling tao pa. Pwede po ba akong magmura ng napakatigas? Gusto ko lang isigaw na pucha! Tama na. Kung aalis ka umalis ka nalang. Katulad ng sinabi mo. Isa lang akong pabigat sayo na kahit hindi ka na bumalik ay hindi mo maiisip ang isang tulad ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Naive Varine Series #1
Teen FictionStop if you know it hurts but never give up if his a naive in love. Varine Series #1: Carlos Varine Started: April 1, 2020 Completed: May 7, 2020 Credits to the rightful owner of the cover and also creator of the cover: @Simplyimperfectgirl All righ...