Chapter 11

275 73 32
                                    

Bunnie

Ang sumunod na araw ay nakaka-hassle. May sinabi si Prof na actual para sa injection and some actual events ng pagligtas ng buhay. Yung dapat gawin at hindi dapat kapag may nakasalubong na aksidente. Hindi sa nagrereklamo ako pero kinakabahan talaga yung buong katawan ko.

Wala akong alam sa bahay wala rin laman ang utak ko paano pa kaya ito? Paano ko gagawin yun kapag actual na? Paano kung mataranta ako? Paano kung maging pabigat ako? Ang daming paano na pumasok sa isip ko ng mga oras na yun at halos lumabas na ang kaluluwa ko ng itabi sa akin si Flor.

Yup! Bumalik na siya, pumasok na siya at katabi ko siya. Hindi ba uso yung pili ka lang dyan ng upuan? May hinanakit talaga sa akin si Prof e' hindi kami close Prof. Huwaaah! Feeling ko sobrang panget tuwing katabi ko siya.

Alam kong pareho kami ng kutis pero 'hello, model yan oh' takaw atensyon rin. Minsan naiisip ko baka napatay na ako ng mga kaklase kong babae kasi katabi ko siya. Feel ko rin na ayaw ng mga lalaki sa akin. May iba pa ngang gustong makipagpalit sa akin pero hindi ko kaya. Baka ibagsak na talaga ako ni Prof. Ikaw ba naman pagbantaan niya. Hindi na uso yun pero celebrity po yung katabi ko at yayamanin kunting kembot lang nito baka lumipad na ako palabas ng bintana.

Sa dami ng upuan dito pa. Nakakainis naman, tulong inaano ako ng Prof namin. Walang human rights dito. Nasaan ang karapatan ko?

Natapos ang klase at akmang aalis na ako sa upuan ng sumunod bigla sa akin si Flor. Awkward! Promise!

"Umiiwas ka ba, Bun?"tanong niya na ikinataka ko. "Kanina ko pa kasi napapansin na hindi ka pa mapakali. Hindi mo naman yata ako iiwasan diba? Ako pa rin naman ang best friend mo diba?"

Gustong- gusto ko talaga mapanga-nga sa sinabi niya. Bestfriend? Diba ayaw niya sa akin? "Hindi kaya. Nagmamadali lang ako na umalis para kumain baka maubusan ako ng upuan doon. Hehehe!"-sinungaling. Kanina ko pa gusto umalis.

She rolled her eye's on me. "Alam mo napakasinungaling mo? Don't worry kapag may kakilala na ako dito, hindi na kita guguluhin. But fod now, let's go to the canteen or maybe cafeteria if it's real cafeteria"pagkasabing- pagkasabi niya ay isinukbit niya ang kanyang kamay sa akin tulad noon.

Galit pa rin ba siya sa akin? Akala ko kinalimutan niya na ako ng umalis siya. At yung ginagawa niya parang tulad lang noon. Ako lang ba ang nagtatampo sa aming dalawa o sadyang isip bata lang ako at hindi ko siya naintindihan noon.

Hindi ko man alam kung ano ang ibig sabihin nito, masaya na rin ako dahil mukhang hindi ako mahihirapan sa gagawin ko para kay Carlos.

Isinama ko si Flor sa pwesto namin ni Mie sa Cafeteria at katulad ng kanina ay agaw atensyon talaga ang pagpasok niya. Nakasuot lamang siya ng floral dress at ponytail pero yung face-lak. Ano, sino ang lalaban?

"Bakit mo siya sinama dito? Binabawi ko na lahat ng sinabi ko, Bun. Paalisin mo yan"bulong sa akin ni Mie na nasa kaliwa ko habang kaharap naman namin si Flor na mukhang sinasaulo ang buong lugar.

Siniko ko naman si Mie dahil sa sinabi niya. "Shh!"

"Wala bang aircon? In Bahrain we have aircon because it's too hot there. Does this have one?"pang-uusisa ni Flor sa cafeteria namin.

"Edi' doon ka"bulong ni Mie sa tabi ko.

Kinaway kaway ko naman ang kamay ko sinyales na hindi ganun. "Hala, meron naman kaso nililimitahan lang"pagpapaliwanag ko.

"Talaga?"

Sinubukan ko kumain ng normal pero sa tuwing lulunok ako parang hindi ko maintindihan. May mali at yun yung hindi ko masabi.

Mr. Naive Varine Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon