Matapos ang 1 oras ay lumabas na rin ang doctor. Sabay kaming tumayo ni Bun at sinalubong ito.
"Kayo ba ang guardian niya?"tanong sa amin ng doctor. Sinagot naman siya ni Bun. "Ako po, Doc. Lola ko po siya. Kamusta na po siya? Maayos na po ba siya? Ano po bang nangyari?"
"Don't worry, Ija. She's in stable condition. Nagkaroon siya ng dengue kaya biglang nanghina ang kanyang katawan"
"Dengue po?"nagtatakang tanong ni Bun. "Hindi pwedeng mangyari yun. Malinis si Lola sa gamit at ayaw na ayaw nyang may naiipon na dumi sa paligid. Imposible po yan"
"Wala naman akong sinabing nakuha niya ito sa inyong tahanan dahil pwede rin naman itong makuha sa ibang lugar. Don't worry, she'll be fine. Just let her rest for now"sabi pa nito.
Tumango naman si Bunnie dito."Salamat po"
"Sige mauuna na ako. Nurse"tawag niya sa isang nurse na nakaduty. "Ikaw na bahala kay Lola, kayo naman pwede na kayong umuwi "
Nang umalis na ang doctor ay sasama sana si Bunnie sa nurse pero hinarangan lamang ito. "Sasamahan ko po si Lola sa loob"aniya
"Hindi po pwede. Bawal pong matulog dito, wag kang mag-aalala nandito naman ako at hindi ko siya papabayaan"tugon naman ng Nurse. Tinapik ko naman ang balikat ni Bunnie ng makaalis na rin ang Nurse.
"Sorry, Varine kung pati ikaw nandito. Pwede ka naman umuwi, sasamahan ko si Lola dito. Hindi ko siya iiwan"sabi niya
"Sabi ng Nurse hindi ka pwedeng matulog dito"sagot ko naman
"Hindi naman ako pwedeng umuwi ng ganitong oras. Natatakot ako sa dilim kaya dito nalang ako"pagmamatigas niya pa. "Walang tao sa bahay at walang kasama si Lola kaya sasamahan ko- oy! Sandali lang"
Hindi ko na siya pinatapos dahil agad ko na siyang hinila sa damit niya papalabas doon. Hindi naman ako nahirapan dahil parang manikang robot lang siya kung hilain.
"Hindi nga ako uuwi"pagpupumiglas niya pero wala na siyang nagawa ng naipasok ko na siya sa kotse. "Oy! Varine. Ayoko umuwi"
"Who told you, your going home?"I said in sarcasm. Kahit hindi ko siya tingnan alam kong ayun na naman ang mukha niya na may pagtataka.
INILABAS ko ang susi sa bulsa at binuksan ang apartment ko. Pumasok ako doon at hindi naman nagpahila si Bun sa akin di katulad kanina na parang kailangan ko pa siyang kaladkarin palabas ng kotse. But don't worry, I didn't drag her. I just hang her in my shoulder like a sack of rice.
"Dito ka nakatira? Akala ko doon ka sa magulang mo nakatira"nagtataka niya na namang tanong. Sa totoo lang, walang araw na hindi siya nagtatanong.
"Partly yes and I just moved here few days ago. Hindi pa ako nagtatagal dito"tipid kong sagot, narinig ko naman siya napa'ah'. "Gusto mo ba kumain?"tanong ko
Ikinaway niya ang kanyang kamay "Hindi na! Hindi naman ako gutom. Atsaka ayoko sa deliver-deliver na pagkain"
"I can cook don't worry"paninigurado ko sa kanya. Napanganga naman siya dahil sa sinabi ko. I guided her to the kitchen. Buti nalang dalawa ang upuan ng table at nakabili ako ng grocery bago lumipat dito.
"Ang cute ng kitchen mo"manghang sabi niya. "Pwede tumulong?"
"Can you even cook?"I ask with sarcasm. Imbis na sumagot ay nginitian niya lang ako, syempre nakikita ko ang dalawa niyang ngipin sa harap.
I cook adobo which is the most easiest food I can cook for a groaning stomach. Ayun na naman ang ngiti sa mukha ni Bun ng ilapag ko ang aking niluto sa lamesa.
"Halatang hindi ka gutom"I smirked
"Ginutom ako dahil sa amoy. Pwede ko na tikman?"tanong niya sa akin kaya tinanguan ko nalang siya.
BINABASA MO ANG
Mr. Naive Varine Series #1
Teen FictionStop if you know it hurts but never give up if his a naive in love. Varine Series #1: Carlos Varine Started: April 1, 2020 Completed: May 7, 2020 Credits to the rightful owner of the cover and also creator of the cover: @Simplyimperfectgirl All righ...