Linggo din ang lumipas ng mangyari yun at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Maraming bagay ang nangyari sa dumaang araw. Katulad nalang kay Lolo na mukhang tahimik, pinakilala din ako ni Budoy kay Lolo na pinsan niya, si Mie ayaw na sumama sa akin, si Flor laging nakadikit sa akin tapos tanong ng tanong tungkol kay Carlos at si James na walang sawang nangungulit.
Nandito ako ngayon sa library, sa dating pwesto at laging inuupuan ko kapag nasa harap ko si Carlos. Nakakalungkot pala kapag hindi ko na siya nakikita. Nasanay na rin kasi ang katawan kong nandyan.
Ano ba itong pinag-iisip ko. Madami pa akong gagawin.
Lumabas na ako ng library ng magring na ang bell. Nakasalubong ko si Flor na kumakaway sa akin kaya nilapitan ko siya.
"Sabay na tayo, Bun"yaya niya sa akin kaya tumango nalang ako. Mukhang may itatanong na naman siya sana naman hindi tungkol kay Carlos, mas lalo kong namimiss yun e.
"Anong mas maganda Blue or Pink?"
"Blue? Pwede rin naman ang pink"tipid kong sagot.
"Oy! Isa lang dapat"
"Pink?"
"Iibahin ko nalang nga yung tanong. May gusto ka ba kay Carlos?"seryoso niyang tanong sa akin.
Pinanlakihan ko naman siya ng mata at pilit na tumawa sa harap niya. "Ikaw talaga. Wala akong gusto doon" gusto ko sapakin sarili ko. But I need to response.
"Talaga? Kasi gusto ko na siya"dugtong niya na ikinagulat ko. Parang may bagay nahuminto sa akin at hindi ko malaman ang dapat kong maramdaman.
Naninikip ulit ang puso ko, gusto umiyak pero ayokong makita niya yun. Maski ang pagkurap ayoko gawin.
Sa isang iglap ay hindi ko nalang namalayan na may isang Van ang huminto sa amin at sapilitan akong ipinasok. Dahil sa pagkalito at sakit na nadarama ko, unti-unti itong naghalo sa kaba at takot ko.
Dinig ko ang sigaw ni Flor na may halong pag-aalala pero hindi ko magawang makasigaw dahil na rin sa may humaharang sa aking bibig. Nang maramdaman kong gumagalaw na ang Van, doon niya lang ako binitawan. Nakailang ubo ako habang hinahabol ang aking hininga.
Nang makabawi na ako ng lakas, nagsisigaw na ako. "Tulong! Tulong! May kumidnap sa akin. Tulong"pagpupumiglas ko pero nagulat ako ng humarap ang isang babae sa harapan.
"Ma! Patahimikin mo nga yan. Alam mo bang labag sa batas itong ginagawa natin?"ani ng napakagandang babae sa harap ko. Kahit parang rockstar siya sa make-up niya kitang kita ko pa rin ang kagandahan niya.
"Shh! Wala namang nakakaalam"ani naman ng isa pang babae na nagdadrive. "Hello, Ija! Sorry kung kailangan ka pa namin dukutin"
Napanganga nalang ako dahil sa sinabi niya. Ano ba dapat kong isipin na nababaliw yung kumidnap sa akin? O yung sa part na parang kilala ko sila. At look magnanay pa sila dahil na rin sa tawag ng magandang babae sa nagdadrive.
"Tulong!"sigaw ko muli dahil natataranta na ako sa takot. Ito yata yung sinasabi nilang Puting Van na dumudukot ng mga pandak o di kaya ay walang utak. Wala naman silang makukuha sa akin e'.
"Ah! Shh! Shh!... Ah! Shh! Shh!"pagpapatahimik sa akin ng malarockstar na babae sa akin. Napatahimik naman ako dahil sa ginawa niya pero nakatanga pa rin ako sa kanilang dalawa.
Ano bang nangyayari?
"First of all, wag kang sisigaw"pag-uumpisa ng rockstar. "Second, don't look at me like that. I know that this is weird but it's none of your business, so stop!"aniya habang pinapasadahan ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Mr. Naive Varine Series #1
TeenfikceStop if you know it hurts but never give up if his a naive in love. Varine Series #1: Carlos Varine Started: April 1, 2020 Completed: May 7, 2020 Credits to the rightful owner of the cover and also creator of the cover: @Simplyimperfectgirl All righ...