Chapter 22

258 42 0
                                    

Mama just called me when the morning come. Sinabi niya sa akin na inatake sa puso si Papa kaya agad siyang dinala sa hospital, she also told me to contact Nicole but she's out of reach. I decide to go home and make my decision. I'm the oldest son of the family I should act like one.

Nakita ko naman si Cristine  na kakalabas lang sa kwarto nila Papa. "How's Papa?"I asked her

"Nasa loob hinihintay ka"walang gana niyang sabi. She looked at me with worried, so I tap her head just like old days.

"Everything will be fine"I assured to her

"I can replace you, Kuya. Kaya ko naman patakbuhin ang kompanya, you don't have to sacrifice yourself"

Napahinto ako dahil sa sinabi niya pero kailangan ako ngayon ng kompanya, ni Papa. "I can handle this. You don't have to worry"

"Nasaan ba si Ate?"

"She's busy, but for sure she will come" I assured again.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto nila Papa ay doon ko siya nakitang nakahiga lamang at may I.V na nakakabit sa kanya. Habang si Mama ay nagaalalang nakatingin dito.

"Pa, nakapagdesisyon na ako. I'm accepting your offer"

Bunnie

Pinayagan na si Lolang makalabas ng hospital pero dapat daw niyang inumin lahat ng sinabing gamot ng doctor at dapat may tama siyang pahinga araw- araw. Wag papagudin at wag na wag pagbubuhatin ng mabibigat.

Ilang beses ko na kasing sinabi kay Lola na wag magbubuhat at wag magpapakapagod pero ano sinabi niya sa akin. "Aba'y hindi ako mamamatay sa sakit. Sayo ako mamamatay, hindi mo ako paglulutuin ng pagkain. Jusmeyo, kung ikaw magluluto tapos kinain ko yun, dyan ako makakasiguradong mamamatay ako. Bakit hindi ka nalang mag-asawa at para hindi ako namomoblema'

Napabuga nalang ako ng malalim na hangin ng maalala ko yun. Totoo naman yung sinabi niya pero kasi naman- argh! Sumasakit ulo ko kakaisip kung paano ko maalagaan si Lola na hindi nagpapabigat.

"Ayaw mo yatang galawin ang niluto ko. Pangit ba ang amoy?"tanong sa akin ni James na may pag-aalala. Nandito kami ngayon sa Cafeteria dahil break na namin, ganun din ang department niya kaya napag-usapan namin na kumain muna at tamang tama dahil may ginawa siyang pagkain na kakaiba.

Puno ito ng carrot at repolyo may itlog din sa gilid, kung iisipin para siyang bento box. "Hindi naman, wala lang talaga akong ganang kumain"malumanay kong tugon sa kanya.

Kinuha naman ni Mie ang box at tumikim. "Masarap naman, James.  Baka wala lang sa kondisyon ang tyan ni Bun kaya ayaw kumain. Kung may gana yan kahit pangit pa lasa nito kakainin niya yan"

I pouted."Ang sama mo"

"Totoo kaya"pagmamaldita niya.

"Ano ba ang problema mo, Bun?"nag-aalalang tanong sa akin ni James. "Wala naman, medyo ayoko lang talaga kumain ngayon"tugon ko naman sa tanong niya.

"About ba yan sa Lola mo?"tanong niya muli

"Sa tingin ko yung sinabi ng Lola niya na dapat magpakasal nalang siya"singit ni Mie

"Hindi kaya"

"Oy! Babae. Rinig na rinig yung boses ng lola mo, wag mong i-deny na gusto ka niya ibugaw"

"Bakit niya namn gusto ipakasal si Bun?"-James

"Wag niyo nga yan pag-usapan. Makaalis na nga"tumayo ako at kinuha ang bag pero hinawakan naman ni James ang braso ko.

Mr. Naive Varine Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon