Nakahiga ako ngayon sa silong ng puno sa likod ng field namin kung saan maraming tanim na bulaklak at puno. Nakakarelax din ang hangin at hindi maingay. Kung minsan masarap matulog dito kaso walang bench o di kaya simpleng upuan lang kaya sa damuhan nalang hindi naman madumi. Dito rin kami tumatambay ni Mie kapag break kaso wala siya ngayon e' nautusan ni Prof na maglibot kasama ang ibang officer. Ayan kasi ang V-P ng classroom namin kaya minsan ko lang makasama. Si Flor naman may aasikasuhin daw, ewan ko kung ano basta emergency daw. Gusto ko sana isama si James, isang friend ko din yun. Noong senior high kami nagkakilala at sa cafeteria siya nagtatrabaho kapag umaga. Huminto siya sa pag-aaral para matutunan ang gusto niyang propesyon at yun ang maging mahusay na chef sa pinas.
Sinabihan ko naman siya na pwede naman niya iyon ipagpatuloy habang nagaaral kaso tulong narin iyon sa Nanay niyang may sakit na nasa probinsya. Malaki rin naman ang tulong sa kanya ng tito niya na isang may-ari ng bar hindi kalayuan sa university. Mabait na tao si James kaya nga naging kaibigan ko iyon ng matagal kaso next week pa siya babalik sa trabaho dahil nasa probinsya siya ngayon.
Masaya naman ako na tahimik akong nakahiga dito at walang actual na magaganap dahil sa next rin pala iyon gagawin. May meeting pang magaganap tungkol doon kaya inatras ang araw.
Habang nasa bahay pa ako halos mangisay ako sa loob ng banyo nang maisip ko na may actual kami. Malamang takot ako, duwag ako at medyo naging aligaga sa pagligo kaya nagkaroon ako ng sugat sa braso buti nalang nga at tapos na ako maligo niyon at si Lola agad tinawag ko para gamutin yung sugat. Imbis na matakot ako sa actual kay Lola ako natakot e' halos durugin niya yung buto ko ng makita niya yung sugat na parang 3 inches lang. Mas masakit yung hawak ni Lola kaysa sa sugat e'.
Alam niyo ba kung ano sinabi niya sa akin. Gusto ko matawa pero nakakababa ng loob. Marami akong kinatatakutan at isa na doon ang makakita ng dugo. Hindi ko alam kung bakit pero kapag nakakakita ako ng dugo nahihimatay ako pasalamat nalang talaga nandoon si Lola kaya walang himatay na nangyari.
Hindi bagay sa akin ang Nurse. Dahil sila matatapang, hindi tanga at nahihimatay sa dugo. Ano magagawa ko, tao lang ako na maraming kahinaan minsan nga pinangarap ko na maging si Flor. Matalino, matapang at may bilib sa sarili. E' ako mahina ang utak, ???, at pinapalaki ang ulo ko yun ang inaakala ng lahat may talent rin ako. NYAHAH!
Tumayo na ako mula pagkakahiga at inunat ang aking katawan. Narinig ko kasi ang bell at wala na kaming klase sa hapon. May meeting lahat ng Prof kaya wala na dapat itanong. Just be happy and go back home. Ang ganda ng motto ko noh! May sense ba yun? Argh! Nvm.
Nagsilabasan na ang bawat estudyante na nasa bawat building at nag-umpisa ng tumungo sa Gate. Naramdaman ko ang vibration ng keypad ko sa gilid ng uniform ko kung saan nandoon ang bulsa at kinuha ko yun.
Nang nakita ko ang I.D caller agad akong napangiti. Lola Direk calling....
"Hello, Ija"bungad niya sa akin mula sa linya
Buong tuwa ko naman iyon tinugunan. "Heyyo po!! Bakit po kayo napatawag?"
Minsan ko lang makausap si Lola Direk kaya ang saya ko na tumawag siya. Siya kasi yung kumare ni Lola kaso umalis si Lola direk para magpagamot e' ayaw naman ni Lola na iniiwan ang ko Keypad sa bahay dahil wala namang tatawag doon at mas kailangan ko daw. For incase of emergency. Ayan tuloy walang kausap ang Lola ko.
"Mukhang nabasag eardrums ko doon ah!"
"Hehehe! Ang tagal na rin kasi ng last call mo sa akin, bakit po pala kayo napatawag?"
"Ano kasi Ija. Naalala ko na mahilig ka kumanta noon e' wala ang singer ng restaurant namin ngayon. May bisita kasi ang isa sa mga kasosyo ko sa negosyo at dito nila gusto mag-dinner"
BINABASA MO ANG
Mr. Naive Varine Series #1
Teen FictionStop if you know it hurts but never give up if his a naive in love. Varine Series #1: Carlos Varine Started: April 1, 2020 Completed: May 7, 2020 Credits to the rightful owner of the cover and also creator of the cover: @Simplyimperfectgirl All righ...