Chapter 9

282 82 59
                                    

Nakasalubong ko si Lolo na kaibigan ni Carlos at nilapitan ko naman siya para tanungin kung nasaan si Carlos.

Buti nalang may kasama siyang senior kaya hindi niya na ako pinahirapan. Nung nakaraan kasi nagtanong ako sa kanya may paQ&A pang nalalaman kaya natagalan ako sa pagpunta kay Carlos at ang ending wala na siya doon. May pagkapilyo talaga ang pinsan niya.

Nasa library daw si Carlos kaya agad ko na siyang hinanap. Maybe, nag-aaral na naman siya mag-isa. Marami akong dapat sabihin sa kanya but still may part sa akin na parang masakit, at sobrang kakaiba niyon dahil wala akong maintindihan kung saan ako nasasaktan.

Yung sa gusto ko si Carlos noon pa man at mahal na mahal niya si Flor na ako naman ang gagawa ng paraan para mag-krus sila o yung bumalik si Flor at kailangan kong tuparin ang napag-usapan namin ni Carlos na panliligaw. Naguguluhan ako ngayon pero ako kasi nag-alok.

I don't know what to think. Maybe, makakatulong si Carlos.

Wala naman akong magagawa kung wala akong gagawin, but where should I start?

I saw Carlos focusing in his reading book. Kahit na sobrang seryoso niya sa pagbabasa nandoon pa rin ang paghanga ko sa tuwing nakikita ko siyang ganyan. Ang matangos niyang ilong, maitim na pilik mata niya, makapal na kilay, mapupulang labi at ang panga niya na pang-koreano. Siya ang perfect definition ng isang lalaking maginoo at gwapo.

Wala siya nasyadong kaibigan maliban kay Budoy at Lolo kaya alam kong mahirap yun, but look at him. He's contented with what he has and I'm so proud of him.

Lumapit ako doon sa kinauupuan niya at nginitian ko siya ng pagkalaki-laki..."Ang sipag naman ni Varine"bungad ko sa kanya.

Inilipat niya ang isang page at nagpatuloy sa pagbabasa habang kinakausap ako. "Anong kailangan mo"aniya

Kinuha ko sa bag ang papel ko na kakabigay lang ng kaklase ko sa akin at ipinakita ko iyon sa kanya. "I got 97/100 at ako ang pinakamataas sa klase. Nagawa ko Varine, nagawa kong ipasa ang test ni Ma'am" natutuwa kong balita sa kanya

"Kahit elementary kaya yan pag-aralan kaya wag kang ngumiti dyan"

Ngumuso naman ako sa sinabi niya. Tama naman siya lalo na at pinag- aaralan rin naman ito ng mga middle schooler. Actually parang reminders nalang ito e' kung baga balik aral. "Hehehe! Thank you pa rin.... dahil tinulungan mo ako"

"May sasabihin ka pa ba? I have only 5 mins to talk with you. May klase pa ako at nagre-review lang ako"kalmado niyang tanong sabay sara ng libro. Tiningnan niya ako at tulad ng dati ay ngi-ngisi siya sa akin na may kasamang pang-iinsulto. "Anything else?"

Ibinaba ko ang dalawa kong kamay sa ilalim ng mesa at pinaglandas ko iyon na parang nagdadasal. I smiled sweetly on him. "Dumating na pala si Flor at mukhang bukas na siya papasok"habang sinasabi ko iyon namamasa ang kamay ko at nilalamig na rin dahil sa kaba.

"Kung may oras ka mamaya ituturo ko na sayo ang ikalawa at ikatatlong step"saad ko "hehehe, pwede ka ba mamaya?"

Nakita ko siyang bumuntong hininga at tinitigan ako ng napakalalim. Mas lalo ko lang siyang nginitian ng malaki para mawala ang aking kaba na namumuo sa aking dibdib.

"Okay, 5 o'clock pagkatapos ng klase sa hapon. Hintayin mo ako sa parking lot"pagkasabing pagkasabi niya nun ay lumapit siya sa akin at tinapik ang ulo ko. Tatlong beses niya akong tinapik at doon na siya tuluyang umalis. Nakatulala naman ako sa kamay ko na pinanghawak ko ng aking ulo.

Lahat ng kaba sa dibdib ko nawala. Yung panginginig ng kamay ko parang nawala sa isang iglap. Lumingon ako sa dinaanan niya para makita kung nandoon pa siya pero masyado siyang mabilis kaya hindi ko na naabutan ang kanyang pag-alis.

Mr. Naive Varine Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon