Chapter 30

852 11 0
                                    

Pabagsak kong inihimlay ang aking katawan sa single sofa sa aming nurse quarters ng  bigla ko na namang narinig ang aking pangalan mula sa labas ng pinto. Napakamot  nalang ako ng aking ulo ng sunod-sunod na naman ang aking trabaho  ngayong araw.

"Oh, iba na naman ang nasa mukha mo, Nurse Sandoval. Pinatawag ka na naman ng headnurse noh?"natatawang sabi sa akin ni nurse joy. Tatlong taon lang ang agwat namin at isa lang siyang intern dito pero pakiramdam ko ay mas marami siyang nalalaman sa akin.  Naging intern naman ako noon bago makapasa board exam pero nakakaano pa rin sa part ko na mahina yung utak ko minsan.

"Meron bang araw na hindi siya pinapatawag ng Head Nurse, Nurse Joy?"sabi naman ni Nurse Denise. Siya naman ay nagtatrabaho na dito bago pa ako dumating. Halos limang taon na rin daw siyang nagiging nurse dito at baka daw may plano siyang kumuha ng visa upang makapuntang ibang bansa.

Sumimangot ako sa kanya. "Ano magagawa ko. Nung intern palang yata ako ay may kulo na talaga yun sa akin. Pakiramdam ko tuloy ako yung pinakaiinisan niyang tao."sabi ko sa kanilang dalawa. Natawa naman si Nurse Denise at tinapik tapik pa ang aking balikat.

"Gurl, matagal ng may galit sayo yun. Since birth yata Hahaha!"natatawa niyang sabi

" Ay ang harsh naman, Nurse Denise"

"Anong harsh ka diyan. Noong nag-intern ka Bunnie dito ay parang sasabog ang bulkan dahil sa katangahan mo lagi. No offense, pero ikaw lang talaga ang nagpapainit ng ulo niya."aniya. "Ni halos nasaulo ko na lahat ng sinasabi niya dahil sayo, kaloka bebe. As in, kaya ikaw Joy. Wag kang manhid at tanga katulad ng isa dyan."

" Bakit ako?"tanong ko

Mad lalo niya pa akong tinuro. "Katulad niya. Nakita mo na, tatanungin niya tayo kung bakit e' alam niya naman ang sagot."

Napayuko pa ako lalo dahil sa hiya. Totoong naiinis sa akin yung head nurse namin pero hindi ko lubos maisip kung bakit. Kasi naman, akala ko normal lang na maging strikto siya sa akin pero ng tumagal ay parang mas lalo niya akong pinaghihigpitan. Nakakaloka yun sa part ko kasi kahit na anong isip ko ay wala naman akong nagawa sa kanyang mali. Maliban nalang yata sa mga pasyente pero hindi naman yun malaking mali para ganun siya mainis sa akin.

Tinapik ako sa ulo ni Nurse Denise. "Tawag ka na naman ng Head Nurse. Mukhang may nagawa ka na namang mali. NYA! HA! HA!"natatawa niyang sabi sabay halakhak ng parang isang mangkukulam.

Nagsign X' naman ako ng aking daliri bilang pagtutol sa kanyang sinabi. "Sinong niloloko mo. Nag-uusap lang tayo dito tapos tinawag na agad ako."Sabi ko sa kanya. " Nek! Nek! mo"

"Etchos ka din, gurl noh? Malamang kanina ka pa niya hinahanap. Nakalimutan ko lang sabihin."

Hindi ko alam kung totoo ang kanyang sinabi ngunit wala pa si Head Nurse ay naririnig ko na ang kanyang boses na sumisigaw at hinahanap ako. Walang dala-dalawang isip na huminga ako kasabay ng patayo kong gulat rin sa kanyang sinabi at doon kumaripas ng takbo papalabas ng quarters. May mga nakasalubong ako mga pasyente at iilang mga kapwa nurse ko din. Halos natataranta kong nililingon ang aking mga mata sa hallway habang naglalakad na may dalang pagmamadali sa bawat hakbang. Bawal kasing tumakbo kaya sa tuwing may nadadaanan akong mga Doctor at senior nurse ay prente akong naglalakad ng matuwid.

Nasasanay na ako sa pagtakbo at mukhang mas lalo kong kailangan bilisan dahil para talagang bulkan na sasabog si Head Nurse kapag nagkataon. Mas nakakatakot pa siya kaysa sa mga terror Prof ko noon.

Papalapit na ako sa kung saan naruruon si Head Nurse ng hindi ko inaasahan ang pagdagsa ng tao. Hindi ko alam ang nangyayari pero kailangan ko silang paalisin. Lumingon lingon muna ako sa paligid habang iniisip kung nasaan na ang ibang nurse.

Mr. Naive Varine Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon