Bunnie
Kagabi ay sobra talaga akong kinabahan kasi hindi ko naman aakalain na naroon si Carlos sa dinner na yun. Mas lalo akong nagulat ng si James pala ang tinutukoy ni Lola Direk na nawawalang apo. Ang liit talaga ng mundo, sinong magaakala na isang rich kid pala ang dating part-timer student.
"Ang swerte naman ni James. Pagsabihin ba niyon hindi ko na siya makikita sa cafeteria?"wika ni Mie habang aming tinatahak ang hallway papuntang cafeteria
"Yupp! Sinong mag-aakala na isa pala siyang anak mayaman. Alam ko lang kasi noon lagi siyang nagtatrabaho para may ipangkain lang siya"tugon ko naman
"Dito kaya siya mag-aaral? Mas maganda kung dito para lagi ka niyang nakikita"aniya sabay kurot sa gilid ko.
"E' bakit naman niya ako gusto makita? Ikaw talaga Mie"tanggi ko naman. Magkaibigan lang naman kami ni James at sobra ko siyang naging boy bestfriend dahil marami siyang alam sa buhay. Alam niyo bang siya gumagawa ng lunch ko noon.
Iniikot ni Mie ang kanyang eye balls at sinamaan ako ng tingin. "Alam mo manhid ka din e' no? Gusto ka niyang makita dahil gusto ka niya not as a friend but as a woman"
"Ha?"
"Hindi mo ba napapansin?"
"Na ano?"
Muli niya na naman akong sasabihin inikutan ng mata. "Gusto ka niya hindi bilang kaibigan. Hindi mo ba nahahalata na laging may special treatment siya sayo? Yung kapag pumupunta tayo ng cafeteria para kumain siya lagi ang nagsu-serve sa atin e' hindi niya naman yun gawain"
"Turing niya kasi sa akin kapatid. Alam mo naman na wala siyang kapatid kaya ganun. Kung baga naghahanap siya ng pwede niyang kwentuhan maliban sa kaibigan"
Bigla niyang hinawakan ang pisngi ko gamit ang dalawang palad niya. "Paano kung manligaw siya? Paano kung sabihin niyang gusto ka niya? Paano kung sabihin kong totoo yun? Ano gagawin mo?"sunod sunod niyang
"Asho ba shinashabi mo-" pilit kong sabi dahil mas lalo niya pang pinipisa ang pisngi ko
"Ano isasagot mo?"tanong niyang muli. Inalis ko muna ang dalawa niyang kamay sa pisngi ko at hinimas himas iyon.
"Hindi ko alam pero alam kong hindi na kami hihigit sa magkaibigan. Kilala ko siya at alam ko rin na kapatid lang ang turing niya sa akin. Si James lang ang naging kaibigan ko noong nagiisa ako at ayoko masira yun dahil sa mga iniisip mo"tugon ko naman.
Alam ko ang tinutukoy ni Mie na gusto ako ni James at tinatanggi ko lang yun sa aking sarili dahil ayokong umasa siya. Alam niyang gusto ko si Carlos. May mga pagkakataon na gusto niya ako ligawan pero inihihilis ko lang ang usapan namin para hindi ko siya masagot. Minsan kapag nagtatanong ulit siya tungkol sa panliligaw niya sa akin, sinasagot ko nalang ito ng totoo. Na kaibigan lang talaga ang maibibigay ko, hanggang doon lang talaga. Ayoko naman siyang saktan kaya lang lagi niyang pinipilit.
"Pero ayun ang pinag-uusapan natin"aniya sabay turo sa lalaking nakatayo sa magarang sasakyan mula sa gate habang pinaliligiran ng mga babae.
Nakasuot siya ng pormal na damit at may dalang bulaklak sa kanyang braso. Halos manginig ang buong sistema ko sa nakikita ko dahil habang lumalapit siya sa aming direksyon ay ganun nalang ang takot na nadarama ko ngayon.
Nang makalapit na siya ay doon na siya lumuhod sa harap ko sabay ngiti ng napakatamis. Ito yung ngiti na lagi kong nakikita sa kanyang labi tuwing nagkikita kami, tuwing kinukulit niya ako, tuwing pinapasaya niya ang bawat araw kong napakalungkot. Inilahad niya ang bulaklak na hawak niya kasabay ng hiyawan ng mga babaeng nakatingin lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mr. Naive Varine Series #1
Teen FictionStop if you know it hurts but never give up if his a naive in love. Varine Series #1: Carlos Varine Started: April 1, 2020 Completed: May 7, 2020 Credits to the rightful owner of the cover and also creator of the cover: @Simplyimperfectgirl All righ...