Chapter 18

259 58 8
                                    

For the past few days, mas lalong nagiging mahirap ang bawat lesson na binibigay sa amin ng mga Prof. Gusto ko talaga isipin na may inis sa amin yun e.

Sa nagdaang mga araw, linggo at naging buwan na, napansin kong nagkakamabutihan ang dalawa. Medyo emo ako ngayon kasi para akong third wheel sa kanilang dalawa.

Naguusap silang dalawa ni Carlos at Flor sa harap ko, nakaka-OP. Sinama sama pa ako ni Flor e' ako na nga gumagawa ng paraan tapos ako yung naiipit dito.

"Pwede ka ba sa weekends?"tanong sa kanya ni Flor habang ako naiitchipwera sa tabi.

Ewan ko ba kung tumingin si Carlos pero feel ko talaga tumingin siya. "Tatlo kasi ang tickets ko hindi pwede si Mie tapos naalala ko friend ka naman ni Bun-Bun. Why not ikaw nalang sumama"

"Kahit hindi na ako sumama, Flor. May aanuhin rin naman ako sa-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng hawakan niya yung dalawang pisngi ko.

Hilig nilang anuhin yung pisngi ko. Hindi na ba sila naawa pati ikaw Flor gagayahin mo si Mie. Kawawa naman pisngi ko.

"Wag kang ganyan, Bun. May usapan tayong tatlo ni Mie. Tapos iiwan mo ako, sayang yung ticket"aniya

Hindi ko naman maiiwas ang tingin ko sa kanya dahil hawak niya pa rin ang pisngi ko. "E' nakakahiya naman kay Varine na isama natin siya baka may gagawin yan"-atsaka kapag sumama ako, ako yung kawawa dahil mahihiya ako.

"No, it's okay. Wala naman akong gagawin sa weekend. I have a lot of time, so don't worry"singit ni Carlos. Napa-O nalang ako dahil sasama siya. Malamang sasama yan e' si Flor yung nagyaya, take the opportunity na yun ang tawag doon kaya hindi niya na yan papalagpasin.

Binitawan ni Flor ang pisngi ko at pinagsiklop naman ang dalawang palad ni Carlos. Tuwang tuwa siyang nagpapasalamat kay Varine, habang ito namang lalaking ito mukhang pinipigilan yung kilig. Che! Kapag ikaw namatay sa pagpipigil, haisst!

"Let's meet up at the church near here. 1pm, thanks again, Carlos"matapos niya yun sabihin kay Varine ay napanguso nalang ako. Buti pa siya Carlos tawag niya kay Varine, ewan ko ba basta ayoko siya tawagin na Carlos.

EXACTLY 1pm akong umalis ng bahay, nagpaalam narin ako kay Lola na baka malate ako ng uwi pero dadalhan ko siya ng pasalubong. Suot ko lang ang dress kong ginamit noon sa JS namin. Below the knee siya na plain lang ang pagkakulay puti nito. Masasabi kong normal dress lang talaga ito dahil hindi ko talaga gusto yung parang nagpapalubo sa palda atsaka pwede ko parin suotin ito kasi isang beses ko palang itong nagamit. Nagagandahan din ako sa ribbon nito sa likod para kasing sosyal. Sleeveless siya pero malinis ang kili- kili ko kaya ayos na rin.

Medyo inayos ko din yung buhok ko na mala-elsa tapos may gumamela clip sa tip ng buhok ko. Nabili ko ito noong last day ko bilang isang Senior High, plano ko sana gamitin ito kapag magd-date kami ni Carlos, someday pero ayos na rin kasi makakasama ko siya kahit hindi date mukha namang hindi matutupad yung gusto ko e'.

Ang sabi ni Flor ang papanuorin namin ay isang music theatre. Tunog palang parang ayaw ko na. Back out kaya ako. Hindi naman kasi yun sine na tulad ng mga bakbakan-kachaw, ganun.

Pagkalikong-pagkaliko ko ay nakita ko agad ang dalawa. Malamang gwapo si Carlos sa suot niya, lahat naman yata na damit bagay sa kanya. Kahit yata pang-pulubi pa yan gwapo pa rin siya. Ayun naman si Flor mukhang masaya sa pakikipag-usap kay Carlos. Ito namang is Carlos na ito parang ayaw pa magsalita. Kahit nasa malayo ako, ganun yun e.

Kumaway ako sa kanilang dalawa habang lumalapit sa kanila. Nakita ko naman na nawala yung ngiti sa mukha ni Carlos. Ayaw niya ba na nandito ako? Makakasira ba ako sa date nila. Bakit parang nararamdaman ko na isa akong ichapwera sa kanila.

Mr. Naive Varine Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon