Chapter 19

234 48 5
                                    

Kagabi pa ako umiiyak dahil kakaisip at kakahampas ng dibdib ko. Nang makauwi ako patuloy lang sa pagtulo ng mga luha sa pisngi ko pati na rin pagkabog ng puso ko. Sabi ko wala na yun sa akin.

Isang kaibigan nalang siya kasi mas gusto niya si Flor at close na sila kunting panahon nalang at kakayanin na rin ni Carlos na magconfess. Kaso sa tuwing may ginagawa si Carlos na ikinagugulat ko lagi nalang may parte sa akin na dapat umasa pero nalilito ako sa aksyon niya. Ayoko nun! Ayoko kasi patuloy akong nasasaktan.

Narito ako ngayon sa loob ng kwarto habang nakatalukbong sa loob ng kumot. Panay hikbi at nananakit na ang aking mata at dibdib.

Naramdaman kong may pumasok mula sa pintuan kaya inayos ko agad ang sarili ko.

"Apo? Nariyan ka ba? Kanina ka pa hindi kumakain. May masakit ba sayo?" dinig kong pagaalala ni Lola. Dama ko ang pagtabi niya sa akin habang tinatapik ang braso ko na natatabunan ng kumot. Muli akong napahikbi dahil sa ginawa niya.

Huminga muna ako ng malalim at sinagot siya sa abot ng aking makakaya. "Hindi po ako gutom, L-lola"napapaos kong sabi sa kanya.

"Apo, ano ba nangyayari sayo? Nagaalala na ako. May nang-away ba sayo? Sinaktan ka ba nila? Sino ba yan at para mapabaranggay ko sa ginawa nila?"sunod sunod na tanong ni Lola sa akin kaya inalis ko ang talukbong sa aking katawan at agad ko siyang niyakap ng mahigpit habang umiiyak sa kanyang kadungan.

"Lola! Nalilito ako"pag-uumpisa ko. "Nasasaktan din ako"patuloy ko habang pinipigilan ang pag-iyak ko.

Sa ganitong mga oras wala na akong pakielam kung maging isip bata akong inagawan ng lollipop na umiiyak sa harap niya. Siya lang naman ang maiiyakan ko maliban kay Mama na ngayon ay wala na. Ayoko naman iyakan si Mie dahil hindi ako sanay na nagaalala siya sa akin.

"Saan ka nalilito? Bakit ka nasasaktan?"

Tiningnan ko si Lola na parang musmos na batang palaboy- laboy sa daan. Ewan ko ba pero naalala ko ang ganitong eksena ng mamatay si Mama. Puro iyak lang ako nun at halos hindi ko kayang ngumiti pero ng dumating si Lola doon ko na ibinuhos lahat ng hinanakit ko.

"Lola, may mali ba?"wika ko sabay hinga ulit ng malalim. Gusto ko mailabas ngayon lahat ng katanungan ko kasi habang tumatagal lalong bumibigat ang dibdib ko. Parang pinipiga at tuluyan na akong hindi makahinga kung sakaling hindi ko ito mailalabas. "May mali ba sa utak ko at lagi nalang itong nalilito. May mali rin ba sa puso ko at lagi nalang itong umaasa? Lola, may mali ba sa akin?"

Pinunasan niya ang mga luha sa aking pisngi habang inaayos ang pagkakaayos ng buhok ko. "Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo pero ayokong nakikita kitang umiiyak. Sa tuwing umiiyak ka naalala ko lagi ang iyong ina kaya tahan na, apo" pagpapatahan niya sa akin pero patuloy lang ako sa pag-iyak.

"Kung dahil sa pag-ibig yan. Apo, hindi ito ang panahon para umiyak. Hindi ka man matalino o kahit wala kang kayang gawin dito sa bahay. Kahit kailan wala akong nakitang mali sayo. Ang bukal at malinis mong puso ang bumubuo sa pagkatao mo. Kung ikay nasasaktan narito lang ako para iyong iyakan"

"Pero hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung saan at kailan?"

Hinaplos niya ang aking ulo na tila isa akong bata na naliligaw. "May tamang oras sa lahat ng bagay, apo"

"Sa tingin niyo po ba? Ngunit ang tagal ko na itong tinatago at patuloy akong nasasaktan sa bawat oras na kasama ko siya"sabi ko naman

"Nagdadalaga ka na talaga. Kung hindi mo na kaya, bumitiw ka na. Kung ayaw mo na putulin mo. Kung nasasaktan ka sabihin mo. Walang mawawala sayo, matagal mo na rin tinatago yan"aniya sabay turo sa puso ko "Gawin mo ang dapat apo. Kung sakaling mabigo ka man, nandito si Lola"

Mr. Naive Varine Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon