Chapter 16

236 56 7
                                    

We were both young when I first saw you
I close my eyes, and the flashback starts
I'm standing there
On a balcony in summer air
See the lights, see the party, the ball gowns
See you make your way through the crowd
And say, "Hello"
Little did I know

That you were Romeo, you were throwing pebbles
And my daddy said, "Stay away from Juliet"
And I was crying on the staircase
Begging you, "Please don't go, " and I said

Romeo, take me somewhere we can be alone
I'll be waiting, all there's left to do is run
You'll be the prince and I'll be the princess
It's a love story baby just say "Yes"

Napahinto ako sa pagkanta ng medyo hinampas ni Carlos ang lamesa gamit ang kanyang lapis. Nandito kami ngayon sa cafeteria habang pinag-uusapan ang tungkol sa gagawin namin bukas, correction gagawin ko bukas. Sinabi ko kasi sa kanya na may actual kami kaya postponed muna ang step 3 namin para sa oplan panliligaw.

Noong una umangal siya dahil huli na yung pagtulong niya sa akin pero dahil likas akong makulit and ta-da tinuturuan niya ako pero wala namang pumapasok sa utak ko.

"Nakikinig ka ba?"naiirita niyang tanong sa akin.

Napasimangot ako dahil maski si Mie na katabi ko ay naiirita rin sa akin. Kasama ko rin siya ngayon dahil hindi siya masyadong makapag-review tapos ng malaman niyang may katulong ako sa pag-aaral nagpumilit na sumama sa akin. Hindi naman siya nagsisi sa totoo nga parang kinder itong nakikinig kay Carlos sa bawat sinasabi nito.

"Hehehe! May sinasabi ka ba?"pacute kong tanong

"Sandoval kung ayaw mong bumagsak sa actual na sinasabi mo makinig ka"utos niya sa akin. Ganito siya kapag hindi ako nakikinig sa kanya, tinatawag niya ako sa epilyido.

Napanguso ulit ako dahil wala talaga akong maintindihan maliban nalang tungkol sa wag hahawakan ang mga bagay na hindi ko alam.

Lumapit sa akin si Mie at bumulong. "Sis, makinig ka sa kanya. Grabe sobra pa siya kina Prof, sa kanya ko lang naintindihan yung mga lesson kanina. Paano kaya yun na alam niya ang lesson natin"manghang tanong sa akin ni Mie.

Hmpft! Dapat ako lang ang nandito ngayon e' sumama ka pa.

"Ehem, Sandoval" tikhim niyang muli sa akin. Itinuntong niya ang kanyang siko sa lamesa at tinatamad na tumingin sa akin sabay buga ng hangin. "Nasasayang ang oras ko dito, dapat na ba akong umalis?"

Umupo ako ng maayos at umiling. "Hindi, promise makikinig na ako"sabi ko

"Kapag nabalian ang isang matanda, ano ang unang gagawin, Sandoval?"-wag sa epilyido.

Napakaseryoso talaga ng lalaking ito. "Uhm, tatanungin kung saan masakit?"

"That's correct"

Biglang tumunog ang cellphone ni Mie at tumayo siya ng may mabasa doon. "Sis, Carlos alis na ako. Pinapatawag ako sa classroom dahil aayusin na naman ang gagamitin natin bukas"

"Talaga? Sayang naman"-okay lang ba-bye

"Sayang nga e'. Pero Carlos salamat marami akong natutunan. Hope you understand this friend of mine. Mahirap talagang makaintindi ito pero kaya niya yan"aniya bago umalis.

Napakamot kamot naman ako dahil sa sinabi niya. Bakit kailangan niya pang sabihin yun, hmpft! Nakakainis naman.

"Kaya mo na bang makinig?"tanong niya

"Oo"  haii!napakagwapo talaga ng lalaking ito.

KINABUKASAN halos manginig na naman ang buong kalamnan ko dahil sa kaba. Nakapag-aral na ako at lahat pero yung kaba nandito talaga sa dibdib ko, ayaw umalis.

Nakakailang tapik na sa akin sina Mie at Flor pero ito pa din ako mas lalong pinagpapawisan. Ayoko ko talaga ang mga ganito e'.

Siguro dapat na ako tumakas o di kaya sabihin ko may masakit sa akin tulad nalang ng tyan, paa, ulo, dibdib. Basta hindi ko kaya.

"Excited na ako"

"Gusto kong kiligin dahil sa wakas may actual na tayong gagawin"

"Oo nga e"

"Ano kaya yun?"

"Mahirap kaya yun?"

"Sa palagay ko ay yung first aiding ang gagawin natin pati na rin ang proper care para sa mga pasyente"

"Haii, sa wakas"

Pinagtapik ko ang dalawa kong kamay at ilang beses na nagdasal na sana ay hindi matuloy ang gagawin namin ngayong araw. Sa lahat yata ng kaklase ko na natutuwa tungkol dito ako lang yata ang humuhiling na sana ay hindi matuloy. Yung puso ko parang lalabas na talaga sa sobrang kaba.

"Kaya mo ba, Bun? Namumutla ka yata"tapik sa akin ni Mie

"Look your sweating too"ani naman ni Flor na nasa kanan ko. "Are you okay?"

"Oo, okay lang ako mukhang kinulang lang ako sa kain kanina. Ginugutom ako"ngingiti ngiti kong tugon sa kanila pero malakas lang akong tinapik ni Mie mula sa likod, tapik ba yun o hampas grabe parang makakalas yung kaluluwa ko.

"Ang sakit ah"reklamo ko

"Pangpakalma yan, besh. Kanina ka pa aligaga e'. Tingnan mo itong si Flor looking fresh lang"

"Naol, fresh"

"Gaga!"

Pumasok na kami sa loob ng laboratory at halos ikaluwa ko iyon ng aking mata.

May mga botelyang may laman ng palaka, patay na yata yun pero nakakadire. Insekto na naka-frame. Ibat ibang klase ng  laman ng loob ng hayop at fetus- o!m!g! Bakit may fetus doon. Yuckk!

Napahawak ako sa ulo at halos maduwal sa laman ng boteng iyon. Napaiwas muli ako sa pagkakahawak ko doon sa aparador na may- shems! Ano ito? Tiningnan ko ang palad ko na may mamasa masang tubig na malagkit na nakatapik doon. Nang amoyin ko iyon ay parang gusto kong sumuka sa sobrang panget ng amoy.

Napapalayo muli ako ng hakbang ng may kumuha sa palad ko at paulit-ulit na pinunasan iyon ng tissue. Nakalab-suit ito at may salamin. Mukhang ito ang magtuturo sa amin ngayon.

"Salamat po"sabi ko sa kanya.

Tinapik niya ang balikat ko. "Sa susunod, Ija wag kang lalapit sa mga ganitong aparador. May mga toxic substances dito at yung nasa palad mo kanina ay laway ng palaka"

Halos manlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko ang palad ko at pinanlakihan ko rin iyon. "Palaka?"

"Don't worry, Ija. Wala namang chemical sa kamay mo maghugas ka nalang ng kamay mamaya"aniya. Tumango tango lang ako bilang tugon.

Lumapit ako kina Mie at Flor na ngayon ay naghahanda na para mamaya.

Bago mag-umpisa ay pinaghugas muna kami ng kamay at siniguradong wala kaming ibang hahawakan maliban sa ipapahawak niya.

Unang tinuro sa amin ang proper and inproper holding a patient lalo na kung may bali ito sa kamay, paa, binti, braso, dibdib at lalo na sa leeg kung saan ito ang pinakasensitive na part ng katawan. Iwasan din na maging mainitin ang ulo kapag nakikipagtalo ang pasyente lalo na kung matatanda dahil dito minsan nangyayari ang complication sa pagkikipag-usap. Wag din daw kaming magpapanic dahil kapag napansin iyon ng pasyente mawawala ang pagtitiwala nito sayo at mas lalo rin itong masasaktan sa oras na mag-panic ito kaya dapat stay calm.

Itinuro rin niya ang tamang pagtali ng bandage at gauze sa sugat at bali ng pasyente. At ang pinakahuli ay ang pagkuha ng dugo para sa testing.

Muli na naman umaykat ang kaba sa aking dibdib ng makita ang mga hinahanda niyang gamit. May maliliit na babasaging bottle na hawak si Prof at cotton balls. Hindi ko rin maiwasan tingnan ang hawak niyang injection.

Hindi sa takot ako pero kinakabahan ako. Yung acid ko parang aakyat, yung mga kinain ko, huhuhu!!

Napa-Ow ako ng itusok na ni Prof ang injection at kinuhaan niya ng dugo ang isa sa mga palaka na patay.

Napahawak ako sa aking ulo at hindi ko na namalayan na natumba na ako. Nandidilim na rin ang paningin ko, hindi ko narin masyadong naririnig ang mga sumisigaw dahil sa nangyari sa akin. Ipinikit ko nalang ang aking mata at hinayaan ko nalang na lamunin ako ng dilim.

@naokoalliv

Mr. Naive Varine Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon