Gusto ko sanang umalis na sa school pero may pumipigil sa akin. Binabagabag ako ng sinabi ni Flor. Oo, nalilito ako sa nararamdaman ko ngayon dahil hindi tulad ngayon lagi nalang akong naapektuhan kapag si Bun na ang pinag-uusapan.
Napabuntong hininga ako at tumingin ng maayos sa gate. Hindi ko na dinadala ngayon ang kotse dahil may nagsabi sa akin na nakakatamad ang laging nakaupo lang. Natatawa nalang talaga ako kapag naiisip ko ang sinabi niyang yun.
Papalabas na sana ng gate ng may dumakma sa aking kwelyo at sinuntok ng malakas. Gaganti rin sana ako ng makita ko kung sino iyon. It's James and he's in mess.
Magulo ang damit niya pati na rin ang buhok nito. May ilang galos ang kanyang kamay siguro dahil na rin sa kakasuntok sa isang matigas na bagay.
"Kingina mo! Varine. Ano bang meron sayo at gustong gusto ka ng taong mahal ko"nangigil niyang tanong sa akin. Hindi ko naman sinalubong ang mata niya sapagkat umiwas nalang ako.
"Umayos ka, James. Hindi gugustuhin ng iba na makita kang ganyan"ani ko sa kanya
"Wala akong paki. Wala! Anak ng ****. Lahat ginawa ko para magustuhan niya. Ginawa ko lahat ng bagay na hindi mo kaya at yun ay ang mahalin siya. Pero bakit? Bakit, ganun?"habang hawak niya ang kwelyo ko ay napayuko siya at parang batang umiiyak sa harap ko. "Naiinis ako kay Bunnie dahil mahal ka niya pero naiinis at naiinggit din ako dahil ikaw ang mahal niya. Ikaw lagi ang bukam bibig niya noon at hanggang ngayon. Ang swerte mong gag* ka"muli niya na naman akong sinuntok.
Nang mapagod siya kakasuntok sa akin ay umupo siya sa semento at natatawang tumingin ulit sa akin. "Putcha! Mukhang hindi ka talaga papangit kahit nasuntok na kita ng paulit- ulit. Hai! Kawawang Bunnie. Sana ako nalang minahal niya mukha namang hindi mo naman siya gusto e"
"Actually, I like her"wala sa sarili kong sabi. Ewan ko kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sabihin yun pero lumabas lang talaga ito sa bibig ko.
"Sinong niloko mo. Diba gusto mo si Flor?"
"Yes, I like, Flor but my heart saying it's Bunnie. Wala siya sa kwalipilasyon bilang babae, alam mo naman siguro yun diba"sabi ko
Natawa na naman siya. "Hindi talaga siya mahahalintulad sa ibang babae dahil para siyang bata na nasa grade 1. Wala siyang alam sa pagluluto, mahina siya sa pag-aaral, wala siyang alam sa gawaing bahay at hindi mo siya maasahan na magtrabaho. Kailan pa yan? Makakasigurado ba akong totoo yan?"
Nagkibit balikat nalang ako. I don't know how to explain it. "Ewan ko"
"Ewan mo? Tapos sinasabi mong gusto mo siya. Ako ba niloloko mo o naalog na yung ulo mo kaya nasasabi mo yan? Aba, sasapakin talaga kita kung kinakailangan. Wala akong paki kung iyakan ni Bunnie ant pagkakasira ng mukha mo"
Narinig ko naman siyang natawa. "I don't know what to say, yet you making fun with me. Paano mo ba siya minahal? Kasi narealize ko lang yun ng dumating ka"
"Dumating ako? Aba, naging asungot pa ako sa inyo?"
"Ewan ko"
"Dapat siguro hindi ka sinasapak e'. Grabe ang impak ng pagkakasapak ko yata sayo kaya puro ewan nalang ang nasasagot mo sa akin e"
"You think so?"
"Sabihin mo nga nagseselos ka ba sa akin?"
"Malay ko"
"Tinamaan ka na yata ni Kupido. May gagawin tayo sa lunes dapat handa ka"
"Ano naman yun?"
James
Paulit ulit akong natatawa habang kinakausap si Varine kanina. Yung mukha niyang puro pasa ang mas lalong nagpapatawa sa akin. Hindi ko naman dapat gagawin yun sa kanya kaso mukhang nagkataon na dapat kami magkita at magtuos kaya agad ko siyang sinunggaban ng suntok at hindi pa ako nakuntento. Parang gusto ko pa nga hamunin e' kaso naawa ako kay Bunnie kung masisira ang mukha ng kinahuhumalingan niya.
BINABASA MO ANG
Mr. Naive Varine Series #1
Teen FictionStop if you know it hurts but never give up if his a naive in love. Varine Series #1: Carlos Varine Started: April 1, 2020 Completed: May 7, 2020 Credits to the rightful owner of the cover and also creator of the cover: @Simplyimperfectgirl All righ...