Mabibigat ang paang tinatahak ko ang daan patungo kung saan ang unang klase ko. Maliban sa late na ako ng isang linggo sa klase dahil sa lagnat kong 'di mawala-wala, ay late pa nga ako ng higit kalahating oras.
Kakapasok ko lang ngayon dito sa Helene West University, first year college taking Bachelor of Science in Psychology.
Nang tuluyang mahanap ay agaran akong pumasok doon dahilan para matigilan ang siyang instructor na nagtuturo sa maliit na platform.
"Ikaw iyong bago, hindi ba? Halika rito at magpakilala ka." Aniya saka ako inanyaya sa harapan.
Tumungo lamang ako habang tahimik na naglakad. Hindi ko na nagawang tignan ang paligid, masyado akong kinakabahan ngayon. Ang dalawang palad ko ay nagpapasma kaya patago ko itong ipinunas sa itim kong pants.
"So... isang linggo kang um-absent dahil sa lagnat mo. At dahil do'n ay huli ka na rin sa mga lectures but anyway, pakilala ka muna sa magiging klase mo sa subject na ito." Anang instructor saka pa inilahad ang isang kamay sa buong klase.
Sinundan ko ang kamay nito dahilan para makita ko ang mukha ng mga estudyanteng naroon, nakaupo sa kani-kanilang designated chairs. Ang iba sa kanila ay maang na nakatitig sa mukha ko, mayroon pang nakanganga habang nakapalumbaba.
Natawa na lang ako ng lihim. Ano ba naman 'tong mga babae na 'to? Ganoon na ba ako ka-gwapo para pagpantasyahan ninyo?
Dumako naman ang tingin ko sa ilang lalaking naroon, kaunti lang sila pero lahat ay nakatutok din sa akin. Ehem. Tumikhim ako saka tipid na ngumiti.
"Hi, ako nga pala si Xander Crisostomo Villegas. Nineteen years old, from West Street. And nice to see you all." Baritonong pahayag ko.
Matapos kong magsalita ay nagsipalakpakan ang ilang kababaihan habang mababasa ang pagkamangha sa mga mukha nila. Sumisipol pa ang ilan sa kanila dahilan para mamula ang tainga ko.
"Nice to see you too, Xander." Maligayang sambit ng instructor. "So... para mas makilala ka nilang lahat, let me ask you what is your best experience in your whole life?"
Best experience?
Sandali akong nag-isip at tumingala, kalaunan ay humarap muli sa kanilang lahat. Iisa lang naman ang best experience na naranasan ko sa tanang buhay ko.
"My best experience ay 'yung natanggap ako sa isang prestigious school na exclusive for all boys." Saad ko habang hindi mawala-wala sa labi ko ang isang ngiti.
Damn that feeling! Phew.
"Woah?! All boys? You mean West Central Academy?" Anang babae na siyang nasa harap ko.
Ngumiti pa ako lalo sa sinambit nito. Kamuntikan pa akong mag-daydream kung hindi lang nagsalita ulit ang instructor.
"Ano ang best experience roon?"
"Hmmm, natuto po akong tumayo sa sarili kong paa. Natuto ako sa maraming bagay, lalo na ang hindi paghahanap ng babae."
Sa sinabi kong iyon ay muli na naman silang napanganga at nagpalakpakan. Ngumiti lamang ako saka dumako ang tingin sa likuran, kung saan naroon ang mga kalalakihan.
"Ang gwapo mo, pwede ba mahingi ang number mo? Para sa thesis lang." Pahayag ng babae na siyang nasa harapan ko dahilan para magtawanan ang kasamahan niya.
"Okay, enough girls." Suway ng instructor at binalingan ako. "Makakaupo kana, hijo."
"Thank you po."
Bago pa man ako makaalis sa kinatatayuan ko ay mabilis na napadako ang tingin naming lahat sa pintuan, kung saan malakas na lumagabag iyon.
"Aray ko, potek!" Anang babae na siyang papasok sa klase. "Ops, sorry, Madame. I'm late."
Napahinto ito sa gawing pintuan at nag-peace sign. Napako ang tingin ko sa kaniya dahil na rin sa pag-entrada niya. Tinignan ko siya pamula ulo hanggang paa at balik ulit sa mukha nito.
Makinis, maputi, matangkad, mahaba ang buhok at saktong katawan. Namumula pa ang pisngi nito dahil sa kapal ng blush on niya. Pati ang pink nitong lipstick ay hindi nakaligtas sa paningin ko.
Bumaba pa ang tingin ko sa suot nitong kulay pink na off shoulder at sa ripped jeans niya hanggang sa combat boots nito. Sa katitig ay unti-unting napawi ang ngiti sa mukha ko.
Isang napakagandang nilalang, pero wit-- mas maganda ako. Itaga niyo 'yan sa bato, hmp!
***
All Rights Reserved
© adeyyyow
BINABASA MO ANG
Gay's Confession [Completed]
Teen FictionXander Crisostomo Villegas, ang lalaking hindi alam kung paano aamin sa tunay niyang pagkatao.