Chapter Twenty Two

265 41 12
                                    

Nandito kami ngayon ni Erin sa loob ng sasakyan, hindi ko pa inaalis ang kotse sa pagkaka-park sa tapat ng school. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako pinapansin matapos ang nangyari kanina sa cafeteria.

Nakasandal lang ang ulo ko sa manibela habang bulgar na pinagmamasdan ang mukha niya, na ngayon ay halos hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses ng umikot ang mata niya sa ere.

"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan." Maarte nitong sambit saka pa pinag-ekis ang mga braso sa dibdib.

Bumuntong hininga ito bago humalukipkip at isiniksik ang sarili sa gilid ng bintana. Natawa na lang ako kasi hindi ko na alam kung papaanong suyo pa ang gagawin ko sa kaniya.

Baka may buwanang dalawa lang 'to.

"Huwag mo nga akong tinatawanan, kasi walang nakakatawa." Pahayag niya at muling umirap.

Wala sa sariling napakamot ako sa sentido ko at pumikit. Nang magmulat ay nabungaran ko si Erin na kunot ang noong nakatitig sa akin dahilan para mapangiti ako.

"Ano bang gusto mo? Fries ng Mcdo? Fried chicken ng Jollibee? Burger sa KFC? Pizza ng Yellowcab? O milktea sa Macao?"

Sa sinabi ko ay mas lalong kumunot ang noo niya, maya-maya lang din nang lumipad ang isang kamay niya at hinampas ako sa braso.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan!" Bulyaw niya at muling nag-cross arms.

Ilang minuto lang ang lumipas. Wala sa sariling naihilamos ko ang dalawang palad sa mukha habang mangiyak-ngiyak sa tawa. Ilang beses pa akong nailing habang pinagmamasdan si Erin.

"Akala ko ba hindi kita madadaan sa ganyan?" Pang-aasar ko sa kaniya na inirapan niya lang.

"Hindi naman talaga. Eh, bigla ka nag-offer,  so why not?" Aniya at muling kumagat sa pizza na hawak.

Wow.

Hindi ko maintindihan kung anong mayroon ang mga babae. Mabuti na lang pala at hindi ko naranasang maging babae. Mabuti na lang. Kahit papaano ay naliwanagan na ako-- na hindi maganda maging babae.

"Gusto mo?" Anyaya niya sa akin saka inilahad ang burger.

"Hindi na, baka kulang pa 'yan sayo."

Sinipat ko ng tingin ang mga pagkain naroon sa harapan niya, isang BFF fries, dalawang spicy chicken joy with spaghetti, dalawang burger, isang regular box ng pizza at isang large na cheesecake and pearl milktea.

Pumila lang kami kanina sa mga drive thru at ngayon ay nasa tapat na kami ng bahay ni Erin, hinihintay na lang na maubos niya ang mga pagkain.

"Ayaw mo ba talaga?" Sambit niya at muling inilahad ang burger.

"Busog na ako." Simpleng sagot ko dahilan para kumunot ang noo niya.

"Saan?"

"Kakatitig sayo."

"Alam mo, gutom ka na nga." Pahayag niya at saka naman isinubo sa akin ang isang tinidor ng spaghetti.

Wala na akong nagawa kung 'di tanggapin iyon at nguyain. Tumahimik naman ito at hindi rin nagtagal nang maubos na niya lahat ng pagkain, isang malakas na dighay ang ginawa niya saka hinimas ang tiyan.

"Grabe, mukhang makakatulog kaagad ako nito ah." Sambit pa niya at humikab. "Uuwi ka naman kaagad, hindi ba?"

"Oo, ano ba sa tingin mo?"

Sa sinabi ko ay muli na namang umirap ang dalawang mata niya. Ano bang problema nito? Pinakain na't lahat, hindi pa rin matapos-tapos 'tong problema niya?

"Wala lang, baka kasi may daanan ka pa." Aniya at sinimulang tanggalin ang seat belt.

Nang matanggal ay humarap siya sa akin, seryoso na ang mukha niya pero nakanguso naman ang labi.

"Umuwi ka kaagad ah. Sige na, bababa na ako."

Bago pa man niya mabuksan ang pinto ay hinila ko na ang braso niya saka siya hinalikan sa noo dahilan para ma-estatwa siya sa kaniyang kinauupuan. Marahan kong hinaplos ang mahaba niyang buhok.

"Hindi mo ba alam kung ano ang epekto mo sa akin? Na hindi ko na magawang lumingon pa sa iba dahil ikaw na lang ang nakikita ko." Pahayag ko sa mababang boses.

Nang makabawi ay dahan-dahan siyang kumawala sa akin at nag-angat ng tingin, mapait itong ngumiti.

"Saka mo na sabihin sa akin 'yan kapag totoo na lahat ng nararamdaman mo." Aniya at tinapik ang pisngi ko.

Matapos ay wala ng lingun-lingong bumaba ito hanggang sa makapasok na siya sa gate. Naiwan ako roon na tulala, hindi na makaalis sa  kaninang binitawan niyang salita.

Hindi kaya ay may alam siya?

Shit. Napayuko ako at mariing pumikit. Hindi pa ba totoo itong nararamdaman ko? Sa pagkakaalam ko ay nasa tamang daan na ako, unti-unti ko na ring inaayos ang baluktot kong buntot.

Ano pa bang kulang para mapatunayan ko ang sarili ko? Nagbago na ako ng pananaw sa buhay. Hindi na lalaki ang gusto ko, kung 'di babae na siyang gusto kong makasama sa habambuhay.

Kinaumagahan ay naging maayos naman na si Erin. Naging ganoon lang ang routine namin araw-araw, hatid-sundo ko siya. Ilang linggo ang lumipas hanggang sa dumating ang araw kung saan kinabukasan ay siyang kaarawan na niya.

Nilingon ko ang cellphone ko nang mag-ring iyon-- unregistered number ang tumatawag. Kunot ang noong dinampot ko iyon at sinagot habang mabagal na nagda-drive papasok ng village.

"Hello--"

"Hello, si Xander ba ito?" Anang kabilang linya kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

Boses matandang lalaki, kaya sino naman ito?

"Opo. Sino ho ba sila?"

"Oh hijo, si Tito Roman mo ito. Napatawag ako dahil nakuha ko na ang pinapahanap mo sa akin."

Sa sinabi niya ay wala sa sariling napapreno ako dahil kamuntikan pa ako lumagpas sa bahay namin. Galing ako ng school at kakahatid ko lang din kay Erin at heto, pauwi na ako.

Nang makabawi ay mabilis kong pinatay ang engine at binigay ang buong atensyon kay Tito Roman, habang ramdam ko ang malakas na pagtibok ng dibdib ko.

"Hello, nariyan ka pa ba, Xander?"

"Opo, Tito, pasensya na." Sambit ko habang nanatiling nakaupo sa loob ng kotse.

"Nakita na namin itong si Erlinda Jackson, iyong ina ni Erhena Daniella. Nahanap namin siya sa Hongkong at naninilbihang baby sitter."

Wala sa sariling napangiti ako. Sa balitang iyon ay para akong nanalo sa lotto, hindi ko alam kung gaano ako kasaya kaya hindi kaagad ako nakapagsalita.

Shit.

"Paano na ang gagawin namin dito?" Pagtatanong niya nang hindi ako sumagot.

"Tito, last na pabor na po. Pasensya na talaga sa abala, pero pwede bang mai-book na siya ng ticket pauwi rito sa Pinas? Birthday po kasi ng anak niya at gusto ko sanang i-surprise sila."

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya. "Oh siya, sige, pero sino ba itong Erhena Daniella Jackson at todo ang effort mo? Wala naman kasing nabanggit si Alejandro maliban sa gagawin ko."

"Girlfriend ko po, Tito."

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon