Chapter Sixteen

295 49 15
                                    

Natapos ang last subject at ngayon ay uwian na ng mga estudyante. Tahimik akong naglalakad dito sa pathway habang nauuna naman si Erin na ngayon ay nasa gate na.

"Kuyang pogi!" Sigaw sa hindi ko malaman kung saan hinugot at napakatinis ng boses.

Ganyan ba talaga ang mga babae?

Tuloy pa rin ako sa paglalakad at hindi na nilingon kung sino iyon tumatawag, mamaya ay baka hindi naman talaga ako iyon.

Ilang sandali pa nang may isang babae ang humarang sa daraanan ko dahilan para mapahinto ako at nagbaba ng tingin dito. Kunot ang noong pinagmasdan ko siya.

Hawak niya ang isang maliit na regalo na sa tingin ko ay relo ang laman, dahan-dahan na inilahad nito sa akin at nahihiyang ngumiti.

"Natatandaan mo ba ako? Kaklase mo ako sa second subject at gusto ko lang sana itong ibigay sayo." Aniya sa mahinang boses.

"Salamat pero hindi ko naman kailangan 'yan." Matabang kong sambit lalo pa't nawala na sa paningin ko si Erin.

Mukhang nakalabas na iyon ng gate. Hindi pa naman alam no'n kung saan naka-park si manong driver kaya baka naghihintay na 'yon sa'kin.

"Okay lang, kahit tanggapin mo na lang. Galing kasi si mommy ng States at naisip ko na bigyan ka."

Sa sinabi nito ay wala sa sariling kinuha ko iyon. "Sige, salamat. Mauuna na ako."

Hindi ko na siya hinayaang magsalita dahil nilampasan ko na ito at nagmamadaling lumabas ng University. Kalaunan ay napahinto rin nang makita si Erin.

Naroon siya sa gilid ng kalsada habang kausap si... Peter-- na sa unang pagkakataon makalipas ang ilang araw ay nakita kong muli, para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko.

Pinagmasdan ko sila sa malayo, nag-uusap ang mga ito at nang makita kong hinawakan ni Peter ang kamay ni Erin ay mabilis pa sa kidlat na tinahak ko ang daan palapit sa kanila, hindi na pinansin ang nabitawan kong regalo.

Walang sali-salitang hinablot ko ang kamay ni Erin na siyang hawak ni Peter dahilan para mapatingin sila sa akin. Hindi ko sila pinansin at abala na pinagsalikop ang mga daliri namin ni Erin.

Hindi ako umimik o tinapunan man lang sila ng tingin at hinigit na si Erin paalis kaya malakas niyang nabangga si Peter sa balikat. Tuluy-tuloy lang ang lakad ko hanggang sa makalayo kami.

"Ano ba, Xander? Ano itong ginagawa mo?" Pagtatanong ni Erin na pilit kumakawala.

Napahinto ako sa pagkaladkad sa kaniya, binalingan ko ito at mariing tinitigan. May bahid ng inis ang itsura ng mukha niya ngayon, parang hindi makapaniwala na nag-materialize ako sa harapan nila ni Peter.

"Bakit, Erin? Anong problema?" Walang emosyon kong sagot.

"Anong problema? Bigla kang nanghahablot, kita mo na ngang nag-uusap kami ng tao."

"Bakit? Nakikita mo na ba sa kaniya ang love na noon pa ma'y gusto mo ng maramdaman? Dahil hindi naibigay at naparamdaman sayo ng magulang mo?"

Sa sinabi ko ay halos maubos ang emosyon nito sa mukha, ang kaninang inis ay napalitan ng pagiging seryoso. Naging blanko ang expression niya saka pagak na tumawa.

"Hindi porket may nalaman ka sa buhay ko ay may karapatan ka ng pagsalitaan ako ng ganyan. Huwag mong gawin biro ito, Xander, dahil sa totoo lang, hindi ka nakakatuwa." Matigas niyang sambit at hinila ang kamay.

Mabibigat ang paang naglakad ito palayo habang naiwan ako roong nakatitig lang sa likuran niya. Napabuntong hininga ako dahil sa kagagawan ko.

Hindi ko naman sinasadya na masabi iyon. Dala lang ng galit... hindi ko na alam. Ano ba itong nangyayari sa akin? Halos hindi ko na makilala ang sarili ko.

Ano, self? Nasaan na 'yung dating ikaw na walang pakialam kay Erin?

Mariin aking napapikit at wala sa sariling naglakad papunta sa kabilang side ng kalsada, kung saan naroon naka-park ang family van namin. Mabilis ko iyong binuksan.

"Manong, pagkatapos mo akong ihatid, pakihanap si Erin." Pahayag ko saka pasalampak na naupo sa back seat.

"Sige ho, Sir, saan po ba siya nagpunta?"

"Hindi ko alam, Manong."

Bahala siya sa buhay niya. Babalik din naman iyon sa bahay dahil una sa lahat, wala na siyang matutuluyan pa. Maghihintay na lang siguro ako.

Pinausad na ni manong ang van at ilang minuto lang nang naroon na kami sa bahay. Pagkababa ko ay agad ding umalis ang van para hanapin si Erin.

Umakyat ako sa kwarto saka nagpalit lang ng pambahay at tinatamad na naupo sa gilid ng kama. Kinuha ko ang cellphone ko at in-open ang message kung saan naroon pa ang recent text messages namin ni Erin.

Nakatitig lamang ako roon na parang tanga, nilayasan na naman ako ng kaluluwa ko kaya hindi ako makagalaw. Ang dami kong iniisip, ang daming gumugulo sa utak ko.

Pilit kong ibinabalik ang sarili sa dating ako. Iyong hindi ganito ang nararamdaman kay Erin. Iyong kay Peter lang ako nag-aalala pero sa tuwing naiisip ko si Peter ay nabu-bwisit ako.

Gagong 'yon. Ano bang gusto niyang mangyari kay Erin? Kailangan ba paulit-ulit niyang lapitan ang babaeng 'yon? Kapag ayaw na sa kaniya, huwag na niyang ipilit.

Wala sa sariling nahiga ako sa kama saka nakipagtitigan sa puting kisame. Ilang minuto lang din ang nakalipas at hindi ko na namalayang nakatulog pala ako. Nagising lang ako nang malakas na nag-ring ang cellphone ko.

Sa pag-aakalang si Erin iyon ay mabilis akong napaupo at walang tingin-tingin na sinagot ko iyon. "Hello, Erin, nasaan ka na--"

"Hello, Sir, hindi ko pa rin po mahanap si Erin. Nalibot ko na po ang buong syudad."

Halos manlumo ako sa narinig, dumako ang tingin ko sa bintana ng kwarto at nakitang madilim na sa labas. Sunod kong binalingan ang relo ko-- alas siete na ng gabi.

Holyshit.

"Sige, Manong, bumalik ka na rito. Ako na ang maghahanap sa kaniya." Matapos kong mapatay ang tawag ay kinuha ko ang black hoodie jacket ko at kumaripas ng takbo pababa.

Pinatunog ko ang porsche macan na naroon sa labas ng bahay at pumasok sa driver's seat. Matapos buksan ng guard ang gate ko ay mabilis ko iyong pinaharurot palabas.

Tinampal ko pa ang manibela dahil sa sobrang inis sa sarili. Kapag may nangyari talagang masama kay Erin ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili.

Medyo madilim sa lugar na tinatahak ko at palabas iyon ng village, ilang sandali pa ng marahas akong napa-preno at dali-daling bumaba ng sasakyan, naiwang nakabukas ang kotse.

"Erin!!" Pagtawag ko sa babaeng nakaupo sa pavement, malapit sa guard house habang kumakain ng burger.

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon