Chapter Four

419 61 36
                                    

Ngingisi-ngisi ang mukha ni Erin habang mayabang itong naglalakad sa gitna ng hallway, panay pa ang paghawi ni gaga sa kaniyang buhok sa tuwing may mga babae kaming madadaanan.

Dumako ang tingin ko sa kamay naming magkahawak kamay. Sorry self, pero ngayon lang 'to. Kailangan ko lang 'tong gawin para maidispatsa ang babaeng tuod na 'to.

Naramdaman ko ang paghipit do'n dahilan para lingunin ko ang mukha niya at halos tawanan ko siya dahil sa mukha nito, akala mo ay may reresbakang tao. Nakatabingi pa iyong labi niya.

Tch, ano ba itong pinaggagagawa ko sa buhay?

"Nandiyan na sila. Go, Xander, gawin mo na." Mahinang bulong niya habang nangitngit sa hindi ko malamang dahilan.

Mabilis akong lumingon sa harapan at doon ay nakita ko iyong tatlong mean girls kahapon, iyong mga babaeng umalipusta sa katauhan nitong si saltik. Bago pa man kami makalapit ay mabilis ko ng hinawi si Erin palapit sa'kin.

Inikot nito ang isang kamay niya sa likod ko, habang ang kamay ko naman ay iniakbay ko sa kaniya. Unti-unti nang masilayan namin ang pagkagulantang ng mundo nila, tila pa nakakita ng multo.

"For real? Sila na ba? Girls!!" Pagtawag ng isa sa kasamahan niya.

Nagkumpulan ang mga ito sa isang room. Pagak akong natawa-- this is actually the revenge of Miss Saltik. Sa kaniya ang ideyang ito, tumanggi man ako ng ilang beses, kaulanan ay pumayag na rin.

Para sa pride niyang nabali at sinabon kahapon. Go lang, girl. After this, sisiguraduhin kong ako naman ang babawi. Sandali akong napaisip, it's more like a win-win situation, pareho naming napapakinabangan ang isa't-isa.

Ako ay para pagtakpan ang sarili, although hindi naman talaga halata at kailangan pero mas okay na rin para kapani-kapaniwala. Na ang isang Xander ay may girlfriend. Kapag nalaman talaga 'to ni Papa, hindi malabong papuntahin niya si Erin sa bahay.

Dahil ito ang unang pagkakataon na nasabi kong nagkaroon ako ng girlfriend. First, let me clarify some things-- hindi totally kami ni Erin but technically ay parang ganoon na nga.

Maipagmamalaki kong isa akong NBSB-- no boyfriend since birth. Dahil sa dami ng nagugustuhan kong lalaki, kay Peter pa rin talaga ako kakalampag. Hindi sa isang eba na katulad ni Erin.

"Oh, my ghash! What the heck is happening?"
"Girls, I think ginayuma 'yan ni Erin."

Sa narinig ay mabilis na huminto si Erin para harapin ang mga iyon pero malakas ko itong hinila. Muli ko siyang inakbayan at kinaladkad palabas ng building. Bahala siya kahit magkandatapi-tapilok siya.

"Mga palakang kokak! Ako raw, ginayuma kita? Huh!" Maktol niya nang tuluyan na kaming nakalabas.

Mabilis ko naman itong itinulak palayo sa akin at pinagpagan ang balikat ko na siyang nadikitan ng katawan niya. Gosh, nabahiran na naman po ang aking pagkatao.

Sorry talaga self.

Gusto ko na namang umiyak sa mga pinaggagagawa kong kabaliwan.

"Grabe, makatulak ka naman! Akala mo ay hindi mo ako girlfriend." Nagmamaktol na saad ni Erin.

Nilingon ko ito na siyang nasa gilid ko, masama ang tingin sa akin pero binaliwala ko iyon. Wala na masyadong tao kaya hindi na kailangan pa itong ginagawa namin dahil nandidiri ako shuta!!

"Hindi ba't napagkasunduan na nating palabas lang iyon?" Paglilinaw ko habang pinagmamasdan siya.

Umikot ang mata nito sa ere. "Alam ko, pero hanggang saan? Hanggang kailan matatapos ang palabas na 'to?"

Bahagya itong lumapit at dumukwang sa harapan ko, pinag-ekis pa ang dalawang kamay sa dibdib habang maang na nakatingin sa akin.

Kapag nakuha ko na ang gusto ko-- si Peter my loves.

"Kapag hindi na natin kailangang magpanggap." Tamad kong sambit.

Sa sinabi ko ay sandali itong nag-isip, kalaunan ay ngingiti-ngiti itong tinitigan ako saka pa sinundot-sundot ang tagiliran ko na mabilis ko namang iniiwas.

"Yieee, ikaw, ha. Anong ibig mong sabihin? Kapag totoong tayo na?" Tumaas-taas pa nga ang kilay ni gaga.

"Alam mo, masyado mong ginugutom ang sarili mo."

Iyon lang at tinalikuran ko na ito. Totoong kami na? Diyan siya nagkakamali dahil kahit kailan ay hindi iyon mangyayari. Papabaril na lang ako kay Papa kung sakaling bumaliktad man ang mundo.

Nauna na akong naglakad at pumasok sa cafeteria. Nakasunod na lang sa akin si Erin hanggang sa makapila kami sa counter.

"Honeybunch, anong kakainin mo?" Pagtatanong niya saka pa ako kinalabit.

"Drop that honeybunch, will you?" Mahinang sambit ko pero sapat na para marinig niya.

Naririndi talaga ako sa tuwing binabanggit niya iyon. Ano kami, highschool lover? At mas lalo akong naririndi everytime na bumubuka iyong bibig niya.

"Honeybunch, pasabay ako ng carbonara, ah. Hahanap na ako ng mauupuan natin." Sambit ni gaga saka tuluyang nawala sa paningin ko.

Grrr. Kalma self, ikalma mo 'yan!

Jusko naman, hanggang kailan ba ito? Two days pa lang naman pero rinding-rindi na ako sa babaeng iyon. Kailangan na niyang mawala sa buhay ko, pero bago 'yon ay kailangan munang mapasaakin si Peter.

Napabuntong hininga ako matapos kong sabihin ang order ko-- namin. Ilang sandali pa nang ibigay kaya binayaran ko na agad iyon. Umalis ako sa pila para hanapin ang impakta na mabilis ko namang nakita.

Saglit akong napahinto nang makita kong kasama nito sa lamesa ang mga kaibigan niya. Abort mission, ayoko ng mga eba!!

"Dito tayo, honeybunch!" Saka pa siya kumaway.

Muli ay napabuntong hininga ako, kalaunan ay natagpuan na lang ang sarili na inilalapag ang isang tray na naglalaman ng pagkain naming dalawa.

Padarag akong naupo kung saan kaharap ko silang tatlo, si Erin ang pinaka-center at siya ang nasa harapan ko. Ginalaw ko ang sariling pagkain at walang balak na kausapin o tignan man lang sila.

"Nga pala, honeybunch, sila ang mga friendship ko. Siya si Rachel--" Aniya saka itinuro ang nasa kaliwa niya. "--at ito naman si Helen."

Whoever you are, I aint interested.

Tinapunan ko lang sila ng tingin at muling yumuko para kumain. At halos hirap ako sa paglunok dahil hindi ko na kine-keri ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko akalaing ganito ang kalalabasan ng pag-enroll ko rito.

"Sungit." Rinig kong puna ng isa pero hinayaan ko na.

"Kailan pa naging kayo, Erin? Parang ang bilis naman yata?"

"Ano ba kayo, girls. Kapag mahal mo ang isang tao, time is just a numbers."

"Gaga ka, age 'yon hindi time."
"Bakit? Number din naman ang time, ah?
"Pero age nga 'yon."
"Whatever! Ang mahalaga ay nagmamahalan kami."

Wala sa sariling napatigil ako sa pagkain at padabog na kinalampag ang lamesa dahilan para pagtinginnan nila akong tatlo.

"Mauuna na ko sa klase." Sambit ko at nagmadaling umalis.

Sa bawat hakbang ko ay para akong nanlulumo, umiiyak ang kaloob-looban ko.

Is this what you want, Lord? Kung hindi mo man kayang ibigay sa'kin si Peter, kahit ilayo mo na lang sa akin ang babaeng iyon.

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon