Chapter Three

445 63 39
                                    

Maya-maya pa ay nagpaubaya na sa'kin si Erin, sumama ito sa akin at hindi nagtagal nang huminto ito. Mabilis na nag-angat ito ng tingin sa akin at mariing tumitig.

"Akala mo ba, nakalimutan ko na iyong ginawa mo kanina?" Giit nito sa mababang boses, tila ba takot na marinig ni Peter na naroon pa rin sa kinatatayuan.

Maang lang na nakatitig ito sa amin, pinagmamasdan ang likod ni Erin. Ano pa bang ginagawa mo diyan? Umalis kana nga. Huwag mong sabihing hihintayin mo pa itong babaeng ito?

O 'di kaya ay nagseselos ka, ano? At kanino? Hays, tama na muna 'yan. Kailangan kong mag-focus sa impaktang 'to.

"Kung sa tingin mo ay kakagat ako sa sinabi mo, neknek mo. Diyan ka na nga."

Sa sinabi nito ay napatingin ako sa kaniya. Pilit itong kumakawala sa hawak ko na agad ko namang binitawan. Sa ginawa ko ay tila nadismaya ito at mabilis na nilingon ako.

"Hindi kita pipigilan. Hindi ka maganda." Pang-aasar ko pa para lalo siyang maging losyang.

Para hindi na tuluyang mahumaling sa kaniya si Peter nang sa gayon ay ma-realize niyang nandito naman ako. Handang isugal ang lahat, mapansin at mahalin lamang ako.

Sa sinabi ko ay ngumiti lamang sa akin si Erin, isang ngising mapang-asar habang bored ko lang itong pinagmamasdan.

"Oh, my bad! Hindi ko ba nasabi sa'yo na hindi ka naman talaga gwapo?"

Tumiklop ang bibig ko at halos magpantig ang dalawang tainga ko sa narinig. Lakas makalalaki nito, ah?

"What the--"

"Malaki lang katawan mo, maputi at matangkad pero walang-wala ka sa lalaking 'yon!" Gigil na sambit niya saka pa itinuro ang kinaroroonan ni Peter.

Nang makuha nito ang itsura ng mukha ko ay mahina itong humalakhak. Anong karapatan nito para ipag-kumpara kaming dalawa?

Like girl, alam ko 'yan. Kaya nga ako nahumaling sa lalaking iyon, hindi ba? Pareho tayo ng nararamdaman. Kung malandi ka, aba, papatalo ba ako?

"Sige na, sayang lang ang oras ko sa'yo." Aniya na ginaya ang sinabi ko kanina.

Akmang tatalikod na siya nang muli kong mahuli ang kamay niya. Napatigil ito sa paglalakad pero hindi na nito nagawang lumingon sa'kin, tila hinihintay na lang ang sasabihin ko. Pabebe amp.

My goodness! Kung ano man po ang sasabihin ko at mangyayari ngayon, kayo na po ang bahala.

"Kung sasama ka sa akin ngayon, we're officially dating. At kaya kong patunayan sa mga babaeng iyon na mali ang sinabi ko sa kanila kanina."

Pertaining to all the girls sa second subject namin kanina, kung saan napahiya siya. Hindi na kasi ito tinantanan ng tukso. At some point, nakakaawa siya.

"O to the M to the G. Like Oh, my ghad?!" Sigaw niya saka tuluyang humarap sa akin. "Are you freaking serious?"

Halos lumuha ito sa sobrang galak. Gamit ang dalawang kamay ay niyugyog niya ang braso ko bago yakapin na siyang nagpatili sa akin— pero sa utak ko lang 'yan. Halos sambahin ko na rin ang lahat ng santo dahil sa ginagawa niya.

Jusko!! Ito na nga ba ang sinasabi ko. It's now or never, wala ng atrasan. Para sa'yo, Peter, I will do my best para mailayo ka sa mga virus.

Bandang huli, mahalin mo lang ako ay masaya na ako.

"Hindi ba ito joke, Xander? Huwag mo akong paasahin." Pahayag niya nang pakawalan ako.

Tamad ko lang itong tinignan. Shutanginerns! Ayoko na! Halos magpapadyak ako nang masilayan ko si Peter na papalayo sa amin, nanlulumo ako shuta!!

Wala sa sariling napabuntong hininga ako saka tumalikod, hindi ko na namalayan si Erin. Bahala siya sa buhay niya. Kasalanan niya ang lahat ng 'to. Kung hindi siya um-eksena ay hindi ito mangyayari.

"Hoy, Xander, saan ka pupunta? I mean, saan tayo pupunta? But wait." Hinawakan nito ang braso ko saka ipinulupot ang kaniya.

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang sa paglalakad na siyang sinasabayan naman niya. Kahit anong bilis ko ay mabilis naman siyang tatakbo para mapantayan ako.

"Anong prefer mong call sign natin? Mahal? Babe? Love? Honeybunch? Sweetheart? Hmmm... parang mas maganda ang honeybunch."

Hindi nagtagal ang paglalakad namin nang huminto ako dahilan para mapahinto rin siya. Mabilis ko itong nilingon at galit na tinignan. Isang maamong mukha naman ang nadatnan ko, kunot lang ang noo nitong nakatitig sa akin.

"Will you please shut your fucking dirty mouth?!" Singhal ko rito, at halos maputol ang ugat sa noo ko.

Pero imbes na matakot siya ay nakita ko pang kumislap ang parehong mata niya, sumingkit ito at pumorma ang isang ngiti sa labi.

"I don't know that Xander could curse like a beast-- you're hot, Xander. You're so fucking hot." Aniya at ginaya pa nga ang pagmumura ko.

Inis na naihilamos ko ang parehong palad sa mukha saka tumingala sa kalangitan. Anong klaseng babae ba itong kaharap ko? It is even possible na may ganyang klase talaga ng babae?

Alam ko namang kasalanan itong pagkatao ko pero, Lord, huwag naman ganito. Ilayo niyo naman ako sa masasama. Lalo na sa ganitong uri ng tao.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Ilang beses akong nagbuntong hininga habang tinatanaw ang paligid, hangga't maaari ay ayokong makita ang pagmumukha ng impaktang 'yan.

"Bukas na tayo magkita." Saad ko kalaunan. "Masyado akong napagod ngayong first day of school ko."

"Awww, ang honeybunch ko." Nag-aalalang sambit niya saka ako niyakap.

Napaiyak na lang ako ng lihim, pilit na nagsusumigaw ang kalooban ko. Nagmumura, nagwawala at humihingi ng tulong, pero wala akong nagawa. Na-estatwa na lang ako sa ginawa niya.

Matapos ako nitong yakapin ay tiningala niya ako, malungkot ang parehong mata niya marahil sa sinabi ko o talagang nag-iinarte na naman 'to.

Gusto ko ng umuwi, please lang, Lord! Gusto ko na lang maglaho.

"Sige na, honeybunch. See you tomorrow na lang, ha? Ingat ka sa pag-uwi."

Hindi na niya ako hinayaang magsalita at isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang ipinaranas niya sa akin ngayon. Hinalikan ako ng gaga sa pisngi. Oo, sa pisngi!

Kumakawala na ang luha sa mata ko pero pinigilan ko iyon. Parang nabastos ang pagkatao ko, para niya akong hinalay dahil sa mismong gitna pa kami ng kalsada.

Mas may lalala pa ba rito? Kung mayroon man ay sana huwag ng mangyari. Ayoko na...

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon