Nasa hapag na ako nang dumating sina ate Xyreille at Erin sa kusina. Halos mapaismid ako nang makitang awtomatikong sumeryoso ang mukha ni ate, unat na unat ang buong katawan na akala mo ay robot.
Mabilisan itong umupo sa gilid ng upuan ni papa na siyang katapat ko habang si Erin naman ay sa tabi ko. Tumikhim lamang si papa at tahimik na kumain, ganoon din ang ginawa namin ni ate. Ewan ko na lang dito sa katabi ko.
"Wow!" Bulalas niya nang matikman ang kalderetang ulam. "Ang sarap naman nito! Sinong nagluto?"
Napansin ko ang pagbaling niya sa mga katulong at tagaluto na naroon lamang sa gilid, tuwid ang mga tayo at walang imik na tinapunan lamang si Erin ng tingin.
"Kung sino man ang nagluto nito ay napakasarap." Sambit pa nito at nagsimula ng kumain.
Ilang minuto pa ang katahimikang bumalot sa amin at tanging mga kubyertos na lamang ang nagsisilbing ingay sa loob ng kusina.
"Siya nga pala, hija." Panimula ni papa saka tumigil sa pagkain.
Binalingan niya si Erin na ngayon ay nakahinto sa ere ang kaniyang kutsara, nakanganga pa ito na nakatitig kay papa. Maya-maya lang din nang mahina itong tumikhim at ibinaba ang kamay.
"Bakit po?" Nahihiyang sambit nito at pilit pang ngumiti.
Ngayon ka pa nahiya.
"Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Pagtatanong ni papa na naroon ang atensyon kay Erin. "Nag-aalala lang din kasi ako sa sasabihin ng mga magulang mo, baka hinahanap ka na."
Huminto ako sa pagkain at tuluyan ng nilingon si Erin, sandali itong tumigil at napatitig sa kaniyang plato. Nakita ko pa ang paglunok nito, ilang segundo lang nang mag-angat siya ng tingin kay papa.
Buong puso itong ngumiti, labas pa gilagid. "Actually, Sir, naglayas po ako dahil nagkaroon ng problema sa bahay."
"Oo, hija. Alam ko iyan. Ang inaalala ko lang ay baka hinahanap ka na sa inyo." Mababang boses na pahayag ni papa.
"Opo, huwag po kayong mag-alala, baka bukas po ay uuwi na rin ako sa amin. Nagpapalipas lang po ako ng araw para pagbalik ko roon ay maayos na."
Uuwi na siya bukas? Saan naman? Bakit hindi na lang niya sabihin ang totoo?
"Papa--" Magsasalita pa sana ako nang maramdaman ko ang pagpatong ng kamay ni Erin sa hita ko dahilan para mapahinto ako.
Napatingin ako sa kaniya at ngumiti lamang ito na para bang sinasabing ayos lang, na hindi ko na kailangang sabihin pa ang totoong kalagayan niya.
"Ano 'yon, hijo?" Si papa kaya binalingan ko ito.
Mabilis akong umiling. "Opo, uuwi na rin siya bukas. Ihahatid ko na lang siya."
"Mabuti pa nga."
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi katulad kahapon ay maayos na ang naging tulog ko. Matapos kong magbihis ng maong pants at plain white t'shirt na tinernuhan ko lang ng rubber shoes ay lumabas na ako ng kwarto.
Sakto naman ay nakita ko si Erin na naglalakad, tapos na rin ito at mukhang pababa na. Huminto lamang ito sa harapan ko at binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Good morning, honeybunch."
Heto na naman tayo. Dahil magaling na siya, magsisimula na naman ho kami ng panibagong araw. Balik na siya sa dating mapang-asar na Erin.
Dumako ang tingin ko sa damit nito, mula sa leather black mini skirt niya na tinernuhan ng black spaghetti sando, pinatungan niya lang iyon ng see through black longsleeve.
Naka-black boots pa ito at nakasabit rin sa kaniyang balikat ang kulay pink niyang shoulder bag. Maang na bumalik ang tingin ko sa mukha niya.
Sa buhok naman nito ay ang dalawang puting hairclip na naroon sa magkabilang gilid ng tainga niya. Plain straight lang ang blonde nitong buhok.
"Naglayas ka na sa lagay na 'yan?" Napapantastikuhang bulalas ko.
Sa sinabi ko ay malakas itong tumawa, maarte pa niyang tinakpan ng isang kamay ang kaniyang bibig at nailing.
"Marapat lang na kunin ko ang mga bagay na pinag-ipunan at pinaghirapan ko, 'no." Pahayag niya at nauna ng maglakad.
Kumendeng-kendeng pa ang balakang nito dahilan para pagak akong matawa. Akala ba niya nakakatuwa? No! Gusto kong mandiri pero holyshett!!
Inayos ko ang panga kong nalaglag dahil masasabi kong isa siya sa mga babaeng pinagpala. Bumalik lang ako sa ulirat nang bumukas ang kwarto ni ate na siyang katapat lang ng kwarto ko.
Nakabihis ito ng military uniform at pormadong-pormado ang buhok nito. Wala sa sariling kumunot ang noo ko at muling napanganga.
"Ngayon na ba ang alis mo?" Hindi makapaniwalang saad ko.
Hindi ko na maalalang ngayon nga siya aalis. At sa tuwing aalis ito ay buwan ang bibilangin bago siya bumalik, ang malala pa ay umaabot pa iyon ng taon.
Bumagsak ang balikat ko at malungkot na tinitigan siya, halos matawa naman ito sa itsura ko at lumapit. Inangat nito ang kanang kamay saka marahan na pinisil ang balikat ko.
"Babalik na kami ng team ko sa Sultan Kudarat and who knows kung kailan kami makakabalik, kaya sana, gaya ng lagi kong sinasabi sayo ay ingatan mo ang sarili mo, okay?" Aniya na mabilis kong tinanguan.
Hindi ako umimik dahil gaya ng lagi niyang ginagawa tuwing umaalis siya, magdadrama muna siya sa harapan ko na parang mala-mmk ang peg.
"Sa susunod pang araw ang alis ni Papa kaya ikaw na lang ulit ang maiiwan dito, just make sure na kakain sa tamang oras, matulog ka ng maaga at huwag ng magpupuyat."
"Oo na, Ate, iiyak ka pa ba?" Pambabara ko dahilan para malakas niyang pisilin ang balikat ko na siyang hawak niya. "A-- aray!!"
"Huwag kang gago, ha? Kailangan pagbalik ko rito ay tuwid na 'yang baluktot mong buntot. Huwag mo ring hahayaang mawala pa sayo 'yan si Erin dahil sa nakikita ko ay siya na." Nakangising sambit niya.
"Anong siya na?"
"Nevermind. Basta, iyong mga bilin ko, ah." Aniya at nauna ng bumaba.
Sinundan ko siya at deretsong nagtungo sa family van kung saan kanina pa naghihintay si Erin sa loob. Nang nakapasok at makaupo ay mabilis ding pinausad ni manong driver ang van.
Dahil ngayon din ang alis ni ate at iisa lang ang kalsadang dadaanan namin, nakasunod sa amin ang military vehicle niya kasama ng ilang mga military police.
"Ngayon pala ang alis ng Ate mo?" Pagtatanong ni Erin na tinanguan ko lang.
Nang nakarating kami sa University ay agarang nagpark si manong sa gilid. Naging dere-deretso naman ang takbo nila ate hanggang sa mawala sa paningin ko ang sinasakyan nilang military vehicle.
"Bumaba ka na, Erin." Sambit ko saka binuksan ang pintuan ng van.
Nagulat man ay walang imik itong bumaba at mabilis ko iyong sinarado. Muling umusad si manong driver sa nakagawian niyang parking lot at doon lamang ako bumaba.
BINABASA MO ANG
Gay's Confession [Completed]
Teen FictionXander Crisostomo Villegas, ang lalaking hindi alam kung paano aamin sa tunay niyang pagkatao.