"Paparating na raw ang kotse nina Sir Alejandro." Pahayag ng isa naming maid sa kapwa nito katulong.
Sa sinabing iyon ng mayordoma ay halos maalarma ang lahat, pati ang hardinero naming galing sa bakuran ay nagkukumahog na tumatakbo papuntang sala. Isa-isa silang humilera roon habang naghihintay sa pagdating ni Sir Alejandro.
Napatingin ako sa babaeng kasabayan ko lang sa pagbaba ng hagdan, ang aking ate-- si Xyreille. Bakas sa tindig nito ang katigasan, mula sa bawat hakbang at kung paano pumirmi ang dalawang kamay sa magkabilaang gilid niya.
Isang Military Doctor ang ate ko. Sa ibang lugar siya naka-base at mas maaga ang naging dating niya rito sa bahay kaya ito ang unang pagkakataon na magkikita kaming buong pamilya sa loob ng taong ito.
Tumikhim ako saka nakihelera rin sa kanila, katabi ko si ate at ako ang pinakadulo. Maya-maya lang din ay may ilang military police ang pumaligid sa magkabilang hamba ng pintuan. Ilang minuto lang nang sabay-sabay silang sumaludo sa taong paparating.
At nang masilayan namin si Sir Alejandro ay mabilis din kaming sumaludo. Marahan itong pumasok sa mala-mansyon niyang bahay, kalaunan ay huminto sa harapan namin para sumaludo rin.
"Maligayang pagbabalik, Lieutenant Colonel June Alejandro Villegas." Matigas na pahayag ni ate.
Ngumiti lamang ito saka tumango sa amin. Hudyat iyon upang ibaba na namin ang kanang kamay. Sa dalawang na taon nitong paglalagi sa South Africa ay napansin ko ang munting pagbabago ng mukha at katawan niya.
Tumikhim ako. Gaga ka, self, 'wag kang kabahan. Pomustura ka na parang isa kang lalaki. Huwag kang lalambot-lambot sa harapan ng isang militar-- lalo na't tatay mo 'yan!
"Magandang gabi, Sir! Maligayang pagbabalik." Ginaya ko ang siyang tinig at tigas ng boses ni ate.
Muli ay ngumiti siya. "Drop that sir, I'm already home so just call me dad or whatever you want."
"Yes, Sir!--" Mabilis na siniko ako ni ate dahilan para manginig ang kalamnan ko. "Opo, Pa." Pagbawi ko.
Isa-isang nagsialisan ang mga katulong, driver, bodyguard at security guard. Kaniya-kaniya silang balik sa trabaho at naiwan lang ang ilang military police sa sala habang nanatiling nakatayo.
Mabibigat ang paang dumeretso ako sa dining area kung saan naroon na si ate, straight body itong nakaupo. Dahan-dahan na hinila ko ang upuan na siyang katapat ni ate. Ilang sandali pa ay dumating na rin si papa.
Umupo siya sa sentro kung saan katabi siya namin ni ate-- at gaya niya pareho ang mga tindig nila. Ako lang yata ang hindi. Palihim akong tumikhim saka unti-unting umayos ng pagkakaupo.
"Kumain na tayo." Anyaya ni papa dahilan para simulan na namin ang hapunan.
Tahimik lang kaming kumakain, tanging ang pinggan at kubyertos lang ang madidinig sa paligid. Pigil ang hininga ko at limitado lang halos lahat ng galaw ko.
"Kumusta kayo? Ikaw, Xyreille? Saan ang sunod niyong mission?" Baritonong pagtatanong ni papa kay ate.
"Ayos naman ako, Pa. Babalik ako ng Sultan Kudarat kasama ang team ko, bukas makalawa."
Napatingin ako kay ate, para naman itong tuod kung magsalita. Ganyan ba talaga kapag kasama sa militar?
"Ganoon ba? Ikaw, hijo?" Si papa na siyang huminto sa pagkain para lang lingunin ako.
"Huh?" Wala sa sariling sambit ko.
Ilang segundo akong nangapa ng sasabihin, halos lamunin kasi ako ng kaba ko kaya hindi ako kaagad nakapagsalita.
My goodness, maghunos dili ka, self!
"Ayos lang din po, Pa." Tipid kong pahayag habang kinakapos ng hininga.
Jusko, Lord. Ano ba 'tong ginagawa mo sa'kin? Pinaparusahan mo ba ako dahil isa akong makasalanan?
"Mabuti kung ganoon. Saan ka nga ulit nag-aaral?"
"Sa Helene West University po."
"Ah. Ibig sabihin ba nito ay may nililigawan ka na?" Aniya na siyang ikinagulat ko.
Ang kapos kong hininga ay tuluyan ng naputol na para akong mabibilaukan, kaya dali-dali akong uminom sa basong may lamang tubig na nakahanda para sa akin.
"Papa?" Gulantang sambit ko, halos hindi makapaniwala.
"Oh, bakit, hijo? I'm expecting you na baka mayroon kana ngang girlfriend. Two years ka ring nakulong sa all boys school na 'yon, ah."
"Never pa namang nagka-girlfriend 'yan, Pa." Segunda ni ate kaya nilingon ko ito.
Palihim ko itong pinanlakihan ng mata. Pinagtutulungan ba ako ng dalawang 'to? At excuse me, no need to rush dahil kapag napaibig ko si Peter ay talagang dadalhin ko iyon dito!
Sa naisip ay nanlumo ako. Iniisip ko pa lang na mawawalan na ako ng tirahan at pamilya ay hindi ko kaya. Kung narito lang sana si mama, e. Sa kaniya ko sana binunton lahat ng lihim na matagal ko ng tinatago.
But sad to say, namatay siya tatlong taon ang nakalilipas. She has cervix cancer at hindi nito kinaya ang operasyon kaya binawian na siya ng buhay. Wala rin namang nagbago sa pakikitungo sa amin ni papa, sadyang may kulang lang talaga.
"And I'm expecting na criminology ang kukunin mo." Walang emosyong saad ni papa.
"Papa..." Mahinang sambit ko, natatakot na baka pagalitan ako nito.
"Change your course, I don't want you to be in that field. Okay?"
Nang hindi ako sumagot ay tumayo na ito sa pagkakaupo dahil tapos na rin naman na siya sa pagkain. Kasunod niya si ate na wala na ring laman ang plato.
Yumuko ako saka pilit kinalma ang sarili, ilang beses din akong napabuntong hinga. Hindi nagtagal ay tumayo ako saka madaliang tinungo ang kwarto at doon nagkulong.
Hindi ako umiiyak o iiyak dahil lang sa sinabi ni papa, masama lang ang loob ko. Bakit kailangan nila akong igaya sa kanila? Dahil ba nasa pamilya na namin ang pagiging militar? O dahil lalaki ako kaya kailangan kong maging katulad ni papa?
Pero... hindi nga ako lalaki. Nagkatawang lalaki lang ako pero swear, babae talaga ako!
Noong bata ako ay pinigilan ko naman na huwag maging ganito. Pinilit kong maging lalaki talaga pero simula nang mag-enroll ako sa West Central Academy ay doon na nahubog ang totoong ako. Lalo pa't nakita ko si Peter.
Like oh, my goodness!! Katapusan ko na.
"Xander." Rinig kong sigaw ni ate sa labas dahilan para lingunin ko iyon.
Tamad na tumayo ako saka nababagot na pinagbuksan siya. Walang emosyong tinapunan ko lang ito ng tingin saka muling sumalampak sa kama.
Marahan naman niyang sinara ang pinto at sumunod sa akin, umupo ito sa gilid ng kama ko at pinagmasdan ako. Kunot ang noong binalingan ko ito.
"Ano bang kailangan mo?" Iritado kong sambit.
"Magdala ka ng girlfriend mo rito, para hindi ka lalong mahalata ni papa."
Hu-- huh?? What the heck?
BINABASA MO ANG
Gay's Confession [Completed]
Teen FictionXander Crisostomo Villegas, ang lalaking hindi alam kung paano aamin sa tunay niyang pagkatao.