Chapter Twenty Four

264 38 12
                                    

Dinala ko siya rito sa parke malapit lang sa school, para naman mahimasmasan kami pareho. Napatingin ako sa kaniya na ngayon ay nagmumukmok habang mahinang sini-swing ang duyan na siyang kinauupuan niya.

Malayo ang tingin nito na hindi ko matanto kung ano bang iniisip niya. Kanina pa siya walang imik simula ng hilain ko siya palabas, ni hindi siya umangal o sigawan man lang ako.

Pasensya na, Erin, kung nafi-feel mong may babae ako. Ayoko lang talaga na masira ang plano namin para sa birthday mo. Alam ko naman na magugustuhan mo rin iyon mamaya.

Tahimik kami buong oras, namalayan ko na nga lang na alas siete na pala ng gabi. Kung hindi pa dumilim sa lugar ay hindi pa ako tatayo. Matapos kong pagpagin ang pang-upo ay inilahad ko ang isang kamay kay Erin.

Binalingan niya iyon, tinitigan pero kalaunan ay hindi niya tinanggap. Mag-isa siyang tumayo saka tahimik na naglakad palapit sa kotse. Hindi na niya ako hinintay at pumasok na siya sa loob.

Nailing na lang ako sa kawalan at naglakad na palayo sa parke, walang imik ding sumakay at binuksan ang engine, kasabay ng pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa.

Nilingon ko si Erin na ngayon ay nakasiksik sa gilid ng bintana habang pikit ang mga mata. Hindi ko alam kung tulog ba talaga siya o paraan niya lang 'yan para hindi ko siya kausapin.

Helen:
Hoy, nasaan na
kayo? Mapapanis
na 'tong niluto
namin.

Nagtipa muna ako ng reply bago paandarin ang kotse.

Nagpa-deliver na
ako ng cake diyan,
pakihintay na lang
sa labas bago kami
umuwi.

Mabilis ko ring binura iyon at binalik sa bulsa. Tahimik kong pinausad ang kotse at gaya kanina, mabagal lang ang takbo no'n. Nananatiling nakapikit naman si Erin kaya hindi ko na inistorbo.

Ilang minuto lang din nang ihinto ko ang kotse sa labas ng bahay ni Erin. Matapos kong patayin ang engine at tanggalin ang seat belt ay binalingan ko ito.

"Erin, nandito na tayo." Sambit ko saka marahan tinapik ang balikat niya.

Hindi ito nagmulat o nagising man lang kaya nakumpirma kong nakatulog nga siya. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko nang mag-vibrate iyon at nakitang si manong ang nag-text.

Sir, nandito na po
kami sa unit niya.
Nagpapahinga
lang po siya saglit.
Mga anong oras
po ba kami aalis?

Saktong alas diyes na
po kayo magbiyahe.

"Sino 'yan?" Rinig kong sambit ni Erin kaya nilingon ko ito.

Dilat na ang parehong mata niya at matamang nakatitig sa akin, hindi ko mabasa kung anong emosyon ang mayroon siya dahil masyadong blank ang mukha niya.

"Si Manong lang." Sagot ko at tangkang ibubulsa ko na nang muling mag-vibrate iyon.

Inunahan ako ni Erin at mabilis niyang hinablot sa akin ang cellphone ko kaya halos manlaki ang mga mata ko. Inilihad niya ang isang kamay sa mukha ko para hindi ako makalapit sa kaniya at makuha ang cellphone.

Siya na ang nagbukas sa bagong text message, ilang sandali pa ay unti-unti siyang ngumiti, isang malungkot at mapait na ngiti.

"Ito ba ang pinagkakaabalahan mo buong magdamag?" Pahayag niya sa matigas na boses. "Talaga ba, Xander? Sa dinami-rami ng side chics diyan, kaibigan ko pa talaga, ano?"

Nangunot ang noo ko, halos hindi ko alam kung tatawa ba ako o talagang tatawa na ako sa harapan niya.

"Erin, mali ka ng iniisip, okay. Just let me explain." Mahinahon kong saad.

"I don't wanna hear your voice anymore, so get lost."

Patapon niyang ibinigay ang cellphone sa akin na mabilis ko namang sinalo. Nagmamadali niyang tinanggal ang seat belt at lumabas ng kotse.

"Erin!" Pagtawag ko rito pero malakas niya lang akong pinagsarhan ng pinto.

Nagderetso ito sa kabila at tahimik na binubuksan ang gate. Dumako ang tingin ko sa text ni Helen.

Ano na? Ang tagal
naman.

Iyon lang naman ang nabasa niya dahil burado na lahat ng conversation namin. Nang mapansing nakapasok na sa loob si Erin ay mabilis pa sa kidlat na lumbas ako ng kotse at sinundan siya.

Mabibigat ang paang naglalakad ito patungo sa bahay niyang walang kailaw-ilaw. Nang maipasok ang susi sa door knob ay padarag niyang binuksan iyon, kasabay ng pagsindi ng ilaw sa sala.

"Happiest birthday, Erin!!" Sigaw nina Rachel at Helen habang hawak-hawak ang cake.

Pareho pa kaming nagulantang ni Erin dahil sa lakas ng boses nila. Nagtuloy ang pagkanta ng dalawa sa loob habang nananatiling nakatayo naman itong si Erin sa harapan ko, tila nanakawan ng kaluluwa.

"Hoy, galaw-galaw! Mamamatay na 'yung kandila." Sigaw ni Rachel habang panay ang takip sa apoy ng kandila.

Dahil do'n ay dahan-dahan na nilingon ako ni Erin, ngumiti lamang ako at bahagya siyang itinulak sa balikat para makapasok sa loob.

"Happy birthday, friendship! Expected ko ng makakalimutan mo na itong araw na 'to, kaya alam kong na-surpresa ka talaga." Pahayag ni Helen saka inilapit sa kaniya ang cake. "Make a wish, Erin."

Huminga muna siya ng malalim saka marahang pumikit, ilang segundo nang magmulat siya, kasabay ng pag-blow nito sa kandila. Sabay-sabay kaming nagpalakpakan.

Nang maibaba ni Helen ang cake ay mabilis siyang sinunggaban ni Erin ng sabunot. "Walang hiya ka! Akala ko ay pinagtaksilan niyo na ako!"

Sa sinabi niya ay halos mapuno ng tawanan ang loob ng bahay niya. Binalingan ako nito saka pinaningkitan ng mata.

"Isa ka pa! Ang dami mong ganap sa buhay! Akala ko naman nambababae ka na!" Sigaw niya at pinaghahampas ako sa dibdib.

"Sorry na, surprise nga 'di ba?"

"Hmp! Mga hangal!"

Tinawanan ko lang ito habang sinasalo ang mga hampas niya. Hindi nagtagal ay tumigil na rin siya at isa-isa na kaming naupo sa sahig, habang pinalilibutan ang mga handa na nasa mesa.

"Thank you, guys! Salamat sa effort, sobrang na-appreciate ko. Sana hindi kayo magsawang intindihin ako, sa ugali ko at sa buong ako." Pahayag niya habang isa-isa niya kaming sinisipat ng tingin.

"Sus! Sa amin ba talaga 'yang message 'yan?" Si Helen na pinandidilatan pa si Erin. "Baka kay Xander, hindi ba, Rachel?"

"Oo nga, baka nga sobra mong pinahirapan kanina si Xander. Mabuti nga at mahaba ang pasensya niyan."

Tumingin sa akin si Erin, tila naghihintay sa pwede kong isagot. Nagsusumamo pa ang parehong mata na para bang nagpapaawa dahilan para matawa ako.

Kinuha ko ang isang kamay nito saka siya tinitigan. "Kahit hindi ka na maintindihan ng iba, kahit iwan ka man ng lahat, ako, mananatili pa rin ako at patuloy kang iintindihin."

"Potek na 'yan! Baka nakakalimutan niyo nandito pa kami, ha?!"

Sabay kaming natawa ni Erin at pabiro niya pang hinampas ang braso ko. "Ang corny mo, pero thank you."

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon