Mabilis kong hinabol si Erin. Pagkalabas nang quadrangle ay halos hindi ko na siya makita sa sobrang dami ng estudyanteng naroon.
Fuck. Bakit naman kasi hindi ko pa sinabi noon ang totoo kong nararamdaman? Bakit ba napakaduwag ko?!
Wala sa sariling nahilot ko ang sentido, tirik na ang araw dahil inabot na rin kami ng tanghali. Huminga muna ako ng malalim bago muling tumakbo.
Maski sina Helen at Rachel ay hindi ko na makita at halos makailang "sorry" na ako sa mga taong nababangga ko sa bawat takbo ko.
Kalaunan ay napagdesisyunan kong magpunta sa Law Department, kung saan naroon ang madalas na tambayan namin nila Erin. Hindi ako pumasok sa loob since bawal ang ibang estudyante rito.
Sa likuran kami dumadaan kung saan may maliit lang na hagdan patungong rooftop. Tago ito kaya hindi ganoon napapansin at tingin ko ay kami lang din ang naglalakas-loob na mag-trespass dito.
Tahimik kong tinahak iyon, kalaunan ay napahinto nang madatnan ko sina Helen at Rachel. Nasa hamba sila ng pintuan papasok sa mismomg rooftop, nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako napansin.
Tahimik ang mga ito na mukhang may pinapanood kaya kaagad ko iyong sinilip. Sandali pa akong natigilan nang makita roon si Erin... kasama si Peter.
Kumunot ang noo ko. Dinala niya ba si Peter dito sa tambayan namin? Hindi ko alam kung anong uunahin kong emosyon, galit ba? O dapat ba akong matuwa na nakita ko si Erin?
Nanatili akong walang imik habang pinapanood silang magkayakap, wala pa sa sariling naikuyom ko ang dalawang kamao sa magkabilaan kong gilid.
Siguro ay hindi pa nila napapansin na may taong nanonood sa kanila. Napaismid ako at pekeng ngumiti. Ito ba? Ganito ba ang mapapala ko sa pagpili ko ng tamang daan?
Ilang minuto ay natapos din silang magyakapan, doon ko lang napansin ang namumulang mata ni Erin, namamaga pa ito na para bang galing sa pag-iyak.
"Okay ka na ba ngayon?" Pagtatanong ni Peter saka pa hinawakan si Erin sa mukha.
Tangina talaga ng lalaking 'to, parang baliwala lang sa kaniya iyong mga pagbabanta ko noon. Lakas pa ng loob mangialam sa amin.
Bumuga sa hangin si Erin bago marahang tumango, ngumiti pa ito ng pilit at siya na mismo ang nagtanggal sa kamay ni Peter na naroon sa pisngi niya.
"Salamat, Peter. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko." Sambit ni Erin saka tumango. "Sige na, Peter, kailangan ko nang umalis. Mauuna na ako."
Matapos banggitin ni Erin iyon ay tinalikuran na niya si Peter ngunit hindi pa siya nakakalayo nang higitin siya nito at niyakap ng patalikod. Doon ay nakita kami ni Erin.
Nanlalaki pa ang mata nito habang bagsak ang panga. Hindi na ako nagdalawang isip, dumaan ako sa gitna nila Helen at Rachel dahilan para magulat ang mga ito sa presensya ko.
Mabibigat ang paang naglalakad ako papasok sa loob ng rooftop. Nang makalapit ay walang sali-salitang hinatak ko si Erin at dinala sa likuran ko.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na layuan mo na si Erin?!" Sigaw ko kay Peter saka siya itinulak sa balikat.
Dahil nagulat pa ito sa kaninang ginawa ko ay hindi siya kaagad nakapag-react. Nanatiling blanko ang mukha niya habang nakikipagtitigan sa akin.
"Hindi masaya sayo si Erin, kaya nga siya umiiyak ngayon oh!" Balik sigaw din niya dahilan para magpantig ang tainga ko.
Pagak akong natawa. "Huwag mo nang ipilit, Peter. Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin maka-move on kay Erin?"
"Bakit kasi hindi mo na lang tanggapin na hindi mo deserve si Erin?" Matapang nitong sambit saka pa bahagyang lumapit.
"At ikaw deserve mo? Bakit kaya hindi mo na lang din tanggapin na wala na kayo? At hindi na ikaw ang mahal niya?"
"Ang tanong-- mahal ka ba niya?" Mapakla siyang tumawa dahilan para mandilim ang paningin ko.
"Xander!" Sigaw ni Erin pero hindi ko na iyon pinansin.
Mabilis kong hinablot ang kwelyo ni Peter at mabigat ang kamaong sinapak ko siya sa mukha. Bumagsak ang kaniyang katawan sa sahig at halos hindi makapaniwalang binalingan ako.
Susugurin ko pa sana siya nang hawakan ni Erin ang laylayan ng damit ko, ni hindi ko siya nilingon dahil nanatili kay Peter ang atensyon ko.
"Tama na, Xander! Wala siyang kasalanan, huwag mo na siyang idamay."
Sa narinig ay napapantastikuhang binalingan ko si Erin. Dikit ang dalawang kilay kong pinagmasdan ang mukha niya.
"Kailangan ba talaga ipagtanggol mo siya?" Pahayag ko saka nailing. "Sa ilang beses ko kayong nakitang magkasama, tingin mo ba ay hindi ako nasasaktan?"
Gumuhit ang gulat sa labi ni Erin, nanlalaki pa ang parehong mata niya dahilan para pagak akong matawa.
"Xander..." Mahinang sambit nito, tila wala nang makapang sasabihin.
Napangisi lang ako bago muling lingunin si Peter na ngayon ay unti-unti nang tumatayo mula sa pagkakasalampak.
Purong galit at pagkamuhi ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pa ako nagkakaroon ng chance na magtapat kay Erin tapos heto siya at nakikisawsaw?
"Isa pa, Peter, umulit ka pa at baka sementeryo na ang bagsak mo." Matigas kong sambit rito bago siya talikuran.
Hinila ko ang kamay ni Erin at kinaladkad palayo kay Peter. Naabutan ko sina Helen at Rachel na naroon pa rin sa hamba ng pintuan, nanlalaki pa ang parehong matang nakatitig sa amin.
Mapait akong ngumiti sa kanila, nang makalapit ay doon ko binitawan si Erin at walang imik na nilagpasan ko ang mga ito.
"Xander!" Pagtawag ni Erin ngunit hindi ko na nagawang lingunin. "Xander! Sandali lang!"
Mabilis akong nakababa habang mabigat pa rin ang damdamin. Nagagalit ako sa sarili ko, ang dami kong gustong sabihin pero nanatiling tikom ang bibig ko.
Napabuga ako sa hangin at tinungo ang quadrangle, marami pa rin ang tao kaya wala masyadong nakapansin sa pag-akyat ko sa entablado.Doon ay ilang beses akong nagbuntong hininga, ilang beses akong nag-isip pero kalaunan ay nakita ko na lang ang sarili na kinuha ang isang microphone.
Ito lang ang naisip kong paraan, na sa tingin ko ay siyang magpapatahimik sa mundo ko. Kailangan kong mailabas lahat ng saloobin ko.
Ayokong manatiling ganito lang, na isang duwag at hindi kayang ipagtanggol ang sarili. At kukunin ko kung ano ang akin.
Hindi man niya ako mahal, gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako.
BINABASA MO ANG
Gay's Confession [Completed]
Teen FictionXander Crisostomo Villegas, ang lalaking hindi alam kung paano aamin sa tunay niyang pagkatao.