Chapter Seventeen

298 48 17
                                    

Huling singhot ang ginawa nito bago punasan ang kaniyang pisngi. Nang makalapit ako ay agad akong naupo sa tabi niya at marahang inabot ang mukha niya, sinusuri ang pisngi niya.

"Umiiyak ka ba?" Maang kong tanong dahilan para simangutan ako nito.

Tinabig nito ang kamay ko saka walang imik na kumagat sa burger na hawak, ito 'yung kaninang binili ko at nilagay sa bag niya. Tuloy pa rin ito sa pagnguya habang pinagmamasdan ko ang mukha niya.

"Bakit ka nandito? Kanina ka pa hinahanap ni Manong, ni hindi ka niya makita kung saang lupalop ka nagpunta tapos narito ka lang pala." Sunud-sunod kong tanong habang hindi mawala-wala ang pagkunot ng noo ko.

"Sino bang nagsabing hanapin niyo ako?"

"Ako." Derekta kong sagot kaya wala sa sariling nilingon ako nito. "Kasi nag-aalala ako."

Napatitig ito sa mukha ko, halos hindi makapaniwala sa narinig. Nananatiling seryoso naman ang mata kong pinakatitigan ang kabuuan niya. Namumula at namamaga pa ang kaniyang mata.

"Salamat sa burger, kahit papaano may nakain ako." Mahinang sambit niya at nag-iwas ng tingin. "Salamat din sa pag-aalala."

"Saan ka nagpunta?"

"Wala, naglibot-libot lang. Pinapakalma ko lang sarili ko kasi hindi talaga ako natuwa sa sinabi mo." Malungkot nitong pahayag at muling kumagat sa burger.

"Sorry, hindi ko naman sinasadya. Nadala lang ako."

Napabuntong hininga ako saka umayos ng upo, pareho na kami ngayong nakaharap sa kalsada. Hintayin ko muna siyang matapos sa pagkain bago kami umuwi sa bahay.

"Sorry din sa inasta ko kanina." Mahinang sambit niya.

"Okay na tayo?" Pagtatanong ko pa saka siya hinarap, tapos na ito ngayon sa pagkain at inaayos na lang ang sarili.

Mahina itong tumawa. "Wala naman akong magagawa e. Nasa bahay niyo ang gamit ko at wala pa akong matutuluyang bahay."

Napatitig ako sa mukha niya hanggang sa tumayo na lang siya ay hindi na ako nakaimik. Pinagpag nito ang kaniyang pang-upo at hinarap ako.

"Tara na?" Anyaya niya sa akin saka inilahad ang isang kamay dahilan para balingan ko iyon.

Mabilis kong hinawakan 'yon at tumingala sa kaniya. "Seryoso ka bang aalis ka na rin sa bahay namin? Gaya ng sabi mo kay papa?"

Hindi ito nakasagot agad at lumunok muna. Isa pang buntong hininga ang pinakawalan niya bago magsalita.

"Gustuhin ko man na manatili pa, masyado nang nakakahiya sa papa mo. Isa pa, nakapagbitiw na ako ng salita."

"Pero pwede ka pa naman mag-stay."

"Hindi na. Siguro, kakapalan ko na talaga ang mukha ko at babalik sa bahay nila tita. Ayokong nakakaabala sa ibang tao, tama na 'yung dalawang araw na pinatuloy mo ako sa inyo."

Matapos niyang magsalita ay malakas nitong hinigit ang kamay ko dahilan para wala sa sariling mapatayo ako. Nagkalapit ang katawan namin na halos yakapin na niya ako.

Akala ko ay aksidente lang na napayakap siya sa akin pero ilang segundo lang nang maramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa katawan ko. Isiniksik pa nito ang mukha sa dibdib ko.

"Thank you, honeybunch. Napakabuti mo kahit lagi mo akong inaaway." Sambit nito habang nakasubsob pa rin sa akin.

Para akong na-estatwa at hindi ko maigalaw ang mga kamay kong nanatili lang sa magkabilaan kong gilid. Humugot ako ng hininga at mariing pumikit, ninamnam ang malamig na simoy ng hangin.

"Walang anuman, honeybunch." Sagot ko kaya napahagikgik ito.

"Totoo na ba 'to?" Pagtatanong niya nang kumawala sa yakap kaya napadilat ako. "Hindi na ba joke itong namamagitan sa atin?"

Sa sinabi niya ay bumalik ako sa ulirat, dahan-dahan kong inilayo ang noo niya gamit ang hintuturo ko. "Huwag kang assuming. Tara na nga at nilalamig na ako."

Napasimangot ito at nagdadabog na nilampasan ako. Nauna na siyang maglakad habang pinapadyak pa ang mga paa sa lupa at mabilis na pumasok sa passenger's seat kaya malakas akong natawa.

Isa sa mga babaeng nakilala ko na mas baliw pa kaysa sa mga taong takas sa mental-- na siyang mas nagpapabaliw din sa akin.

Matapos pumasok sa driver's seat ay pinausad ko na iyon pabalik sa bahay at dahil nasa loob pa rin naman kami ng village, ilang minuto lang ang nagdaan ay naroon na kami agad.

Tahimik kaming bumaba ng kotse, dere-deretso ang naging lakad ni Erin paakyat sa taas, marahil ay pagod siya kaya hindi na niya nagawang lingunin ang kinatatayuan ko.

Napabuntong hininga ako saka pumasok na rin, tinahak ko ang daan papunta sa opisina ni papa na naroon sa pinakalikod ng bahay. Tatlong katok ang ginawa ko sa pinto nang makarating ako.

Walang nagsalita kaya lakas-loob kong binuksan iyon, good thing ay hindi naman naka-lock. Namataan agad ng tingin ko si papa na kahit nasa bahay lang ay nakapormado pa rin ito.

Ito lang parati ang pinagkakaabahalan niya sa tuwing narito siya sa bahay, na kahit bakasyon ay pinipili pa rin niyang magtrabaho.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya, marahan naman itong nag-angat ng tingin sa akin na ngayon ay nakatayo na sa harapan niya. Tipid akong ngumiti, maya-maya lang din ay binitawan nito ang hawak na papel.

"Naparito ka, hijo? May kailangan ka?" Pagtatanong niya na nasa akin na ngayon ang buong atensyon.

Nilunok ko muna lahat ng kahihiyan ko sa katawan saka naupo sa isang upuan, kung saan katapat lamang ng mesa niya.

"Papa, tungkol po ito kay Erin." Panimula ko at muling bumuntong hininga. "Baka pwede po na manatili muna siya ng mga ilang araw pa rito?"

Napansin ko ang pag-iisang linya ng bibig nito, na hindi katulad kay ate na alam kong nagpipigil ng tawa, kay papa naman ay dahil seryoso siya. Bahagya pang kumunot ang noo niya.

"Bakit, hijo? Hindi ba't nabanggit niyang aalis na rin siya? Supposed to be, ngayon ang araw na 'yon?"

"Pa, hindi kasi pwedeng bumalik si Erin sa bahay nila--"

"Gaano mo ba kamahal si Erin?" Pagpuputol ni papa sa kung ano man ang sinasabi ko.

Sa narinig ay napatitig na lang ako sa kaniya, tinatantya kung gaano kaseryoso siya ngayong kausap niya ako. At ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa harapan niya.

Gaano ko kamahal ko si Erin? Hindi ko alam, pero kung ang kasagutan ko lang ang paraan para manatili siya... bahala na.

Tumikhim ako, inaalis ang mga nakabara sa lalamunan. "Mahal na mahal po." Mahinang sambit ko.

"Kung ganoon ay hindi maaari iyang sinasabi mo. Hindi siya pwede rito. Sa susunod na linggo ay aalis na rin ako at hindi ko hahayaang maiwan kayong dalawa rito sa bahay. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao, Xander?"

"Papa--"

Kahit sa kaunting panahon lang, hangga't hindi pa sana kayo umaalis ay dito muna siya pansamantala habang hindi pa siya nakakahanap ng matutuluyan niya.

Ang dami kong gustong idugtong-- sabihin pero natameme na ako. Hindi ko na alam kung paano ko pa ito ipaglalaban.

"Kung mahal mo talaga ang babaeng iyan, ibalik mo siya sa pamilya niya."

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon