"Ex-boyfriend?!" Pag-uulit ko pa sa malakas na boses.
Halos maputol ang litid sa leeg ko sa sigaw kong iyon. Halata naman sa mukha ni Erin ang sobrang pagkagulat sa inasta ko, nanlalaki ang mata nitong tinitigan ako habang kunot ang noo.
"Oo? One of my ex-boyfriend to be exact. I don't know kung pang-ilan na siya e." Walang muang na sambit ni Erin at nag-astang nag-iisip pa kunwari.
Umayos ito sa pagkakaupo saka humarap sa pintuang siyang pinasukan namin kanina, katapat lang namin iyon. Nagpapantig talaga ang tainga ko, pakiramdam ko ay namumula na iyon ngayon.
Really, huh? One of your fucking ex-boyfriend at hindi mo talaga alam kung pang-ilan siya sa naging boyfriend mo?! At talagang proud ka pa?
"Kailan naging kayo?" Pagtatanong ko.
Out of curiousity, tinatanong ko ang isang impaktang hindi ko akalain na naging girlfriend na pala ni Peter. Bakit hindi ko alam 'to? Akala ko ba ay updated ako sa buhay ni Peter?
"Noong highschool. As far as I remember, schoolmate ko siya sa West National High School, pero noong fourth year ay naging magka-klase na kami. Kaya ro'n kami napalapit sa isa't-isa."
Wala sa sariling napalatak ako at kusang kumuyom ang dalawang kamao ko na siyang nasa gilid ko-- nagtatago. Pigil ang hininga kong nakikinig sa kaniya, kahit sobrang nakakadurog iyon ng puso.
"He's just nothing, and I was only fifteen back then. Niligawan niya ako, I said yes out of my childhood curiousity. Ano ba iyong salitang love? Sa ilang past relationship ko kasi before him, hindi ko maramdamang mahal talaga nila ako." Segunda niya na hindi alintana sa kaniya ang itsura ko.
Ano bang alam nito sa totoong ako? At anong pakiaalam niya sa nararamdaman ko?
Love? Muli ay patago akong natawa. Sa murang edad na kinse anyos, naghahanap na ng romantic love? Anong klaseng babae ba siya?
"Pero hindi rin naman nagtagal, puppy love ika nga nila kaya madali rin nabali. One month lang yata kami at naghiwalay din. Alam mo na, masyado pa kaming bata kaya hindi nag-work out."
Nagkibit balikat pa ito saka pa tumingala. Tipid itong ngumiti sa kalangitan.
"Hanggang sa nabalitaan ko na lang na nag-enroll siya sa West Central Academy kaya sa dalawang taon na 'yon ay hindi kami nagkita."
Hindi ko mawari kung bakit narito pa ako ngayon, nakikinig sa kaniya gayong dapat ay kaaway ko naman talaga siya.
Bruhang 'to!
Mas nauna na pala siya sa buhay ni Peter, at malaman-laman ko na lang na highschool lovers ang mga ito. Anong laban ng dalawang taon na pagkakakilala ko kay Peter sa apat na taon nilang pagiging schoolmate?
"Then after two years, nagkita kami ulit noong first day of school. Tapos ayun, hindi ko alam kung anong nangyari at bigla siyang bumabalik. Like masyado ba siyang nagandahan sa akin? Malaki ba ang pinagbago ng mukha ko ngayon kaya siya nagkakandarapa?"
Pakiramdam ko ay bigla akong na-etsapwera. My goodness! Tumataas ang blood pressure ko, para akong hihimatayin anumang oras.
"But wait, speaking of West Central Academy, nabalitaan kong nanggaling ka rin doon. Tama ba?" Aniya saka humarap sa akin.
Dahil sa magkatabi kami ay halos ilang dangkal lang ang layo namin sa isa't-isa. Hindi nito iyon alintana, at kahit ako ay natulala na lang sa mukha niya.
Ngayon ko lang siya natitigan ng malapitan, ganoon pala talaga siya kaganda. Ang makinis at maliit nitong mukha ay may bahid ng mga make-up na siyang lalong nagpatingkad ng kagandahan niya.
Napansin ko rin ang alon-alon nitong kulay blonde na buhok na inipitan ng malaking hairclip banda sa may tainga niya. Hindi kagaya kahapon na masyadong plain at bagsak lang. Ngayon ay parang may pinaghahandaan siya.
O talagang ganiyan lang siya manamit-- isang kikay kung tawagin. Hindi ko lubos maisip kung gaano ito kayaman at kung anong buhay kaya ang mayroon siya sa labas ng University.
"Oo." Simpleng sagot ko para basagin ang katahimikang bumalot sa amin.
"So... ibig sabihin ay magkakilala kayo?" Excited na tanong nito at tuluyan ng humarap sa akin.
"Oo." Sambit ko saka huminto para humugot ng buntong hininga. "Kaklase ko siya sa dalawang taon namin sa senior high school."
"Oh, my ghad! Since varsity player siya, meaning to say ay naglalaro ka rin ng basketball? Magka-team ba kayo noon?" Pagtatanong niya na kaagad kong inilingan.
"Hindi. Swimming ang sports ko."
Tamad na napasandal ako sa pader na siyang nasa likuran namin. Wala na kong masabi, tila tinakasan na ko ng kaluluwa ko. Naiinis ako sa sarili ko, naiinis ako kay Peter at lalo na kay Erin.
"Woah?! Ang cool naman. Pwede mo ba kong turuan if ever na may time ka?"
Hindi ako sumagot sa tinuran nito. Bahala siya sa buhay niya. Ang kapal pa talaga na humingi ng pabor sa akin. Kung alam mo lang kung gaano nagdadalamhati itong puso ko.
Ilang sandali pa ay pareho kaming napalingon sa tiyan nito nang malakas iyong tumunog. Oo nga pala, hindi pa siya kumakain. Narinig ko naman ang mahinang tawa nito saka binuksan ang kulay pink niyang shoulder bag.
"Sana lang ay may biscuit pa ako rito." Bulong niya sa sarili at halos mapasigaw siya nang makita ang isang burger sa bag niya. "Ang mga peste talaga!"
"Peste?" Napapantastikuhan akong napanganga sa kaniya.
Natawa ito sa inasal ko saka nagsalita. "Hindi na kasi bago sa akin 'to, ewan ko ba at masyado yata silang nahuhumaling sa kagandahan ko kaya todo ang effort nila para lang pansinin ko."
"You call them as peste?" Hindi pa rin makapaniwalang sambit ko, halos manggalaiti ako sa pinagsasabi ng impaktang 'to.
Siya na nga 'tong binibigyan ng pagkain ay ganyan pa ang turan niya? Isang impaktang hindi marunong magpasalamat sa biyayang binibigay.
Urgh! Nakakagigil.
At oo na, ako ang naglagay niyan sa bag niya kanina habang nagsasagot siya sa white board. Nakakaawa naman kasi dahil hindi raw siya nakakain dahil sa akin, ayoko lang ng gano'n.
"Pero who ever he is, thanks pa rin sa kaniya. He saved my life. Kakainin ko na 'to since gutom na gutom na ko."
Binuksan niya iyon at akmang isusubo na nang mabilis ko iyong tinapik dahilan para tumalsik iyon sa gilid. Malakas siyang napasigaw at nanlalaki ang matang tinitigan ako. Halos mapatayo rin siya marahil sa galit.
"What did you do?!" Sigaw niya habang nakapamaywang.
Hindi ko siya sinagot hanggang sa makatayo ako. Tinapunan ko lang siya ng isang tingin saka walang sabi-sabing nilayasan siya.
BINABASA MO ANG
Gay's Confession [Completed]
Teen FictionXander Crisostomo Villegas, ang lalaking hindi alam kung paano aamin sa tunay niyang pagkatao.