"Ikaw na naman?!" Bulalas ko kahit expected ko naman talagang mangyayari ito.
Sadyang nagulat lang talaga ako na narito na siya kaagad sa room. Saan ba ito dumaan at napakabilis naman niya? May sa maligno yata itong babae na 'to.
"Yes, the one and only, your beautiful Erin." Aniya at kumislap pa ang parehong mata.
Napabuntong hininga ako saka nagmamaktol na naglakad sa pinakalikod ng silid. Doon ay umupo ako sa bakanteng upuan at padabog na inilapag ang bag ko.
Alam niyo ba na kahit kumendeng-kendeng ako, magsalita ng gay linggo ay hindi nila paniniwalaang bakla ako? Kahit pa nga siguro maglantad ako ay baka tawanan lang nila ako.
Look at me, masyado akong nabiyayaan ng matipunong katawan kahit hindi ko naman ginusto. Naiiyak nga ako dahil kahit anong diet ang gawin ko ay hindi ako pumapayat. Pati itong boses ko na daig pa ang commander ng isang pulis.
Isama mo pang sobrang gwapo ko na hindi mo aakalaing may damdamin akong binabae. Hindi rin naman halata dahil hindi naman ako ganoon ka-bakla o cross-dressers kung tawagin.
Jusko! Kahit anong gawin ko, walang maniniwalang bakla ako.
Takot ko lang talaga dahil kapag nangyari iyon ay baka maging isa akong roasted chicken. Paano ba naman at ang magaling kong ama-- isang military police. Take note ho, isang Lieutenant Colonel 'yon.
"Hi, pogi. Bago ka, ah? Anong pangalan mo?" Pagtatanong ng isang babaeng hindi kalayuan sa pwesto ko.
"Bakit mo tinatanong?" Tamad kong sambit na siyang halos ikalaglag ng panga niya.
Nagtawanan ang ilang babaeng nakarinig, lalo na ang mga katabi nito.
"Basag ka, ghorl?" Sambit ng isa saka ako nilingon. "Pwede ba kitang tawaging kuya? O babe na lang?"
Kung pwede ko lang talaga ibato itong upuan na nasa harapan ko ay nagawa ko na. Ang haharot, jusko!
Dear girls, hindi ako ang lalaking para sa inyo. Iba ang taste ko at baka magbigti kayo riyan kapag nalaman niyo ang pagkatao ko-- na isa akong dyosa.
"Ang corny mo, gaga." Pagpuna pa ng kaibigan niya.
Korak!
"So, Kuya? Huwag mo sanang mamasamain, ha? Pero kasi... nagkita na ba tayo dati?"
Sa sinabi ng isang babae ay nilingon ko ito saka pinakatitigan, pinagmamasdan ang bawat kanto ng mukha niya. Nagkita na kami? Saan?
"Saan, girl?" Anang babae nang hindi ako sumagot.
"Sa panaginip ko, ehe." Sambit niya saka pa tumili dahilan para sabunutan siya ng mga kaibigan niya.
Natigil lang ang harutan nila nang matumba ang upuan na siyang tinutukoy ko kanina, ang upuang nasa harapan ko. Dahan-dahan ay nag-angat ako ng tingin sa babaeng may gawa no'n.
Kuyom ang dalawang kamao nito habang nanlilisik ang parehong matang nakatingin sa mga babae. Papalit-palit ang tingin nito sa amin.
Girl, anong ganap?
Hindi ko mawari kung bakit siya biglang nagagalit. Ano ba 'to, may sapi? Loka-lokang babae.
"Sinong may sabing pwede ninyong landiin 'yang si Xander?!" Galit nitong bulyaw.
Heto na naman siya, Lord. Kailan mo ba ako ilalayo sa impaktang iyan? Maganda nga pero may sabit naman sa utak.
"At ikaw?! Nagpapalandi ka rin, ano?" Sigaw niya saka ako dinuro at lumapit. "Nalingat lang ako saglit, kung sinu-sino na ang kausap mo!"
Kung sigawan at iduro ako nito ay akala mo anong mali ang ginawa ko sa kaniya. Like wtf, takas ba ito sa mental? Or may something disorder ito sa utak?
Sa inis ay nawala ang lahat ng emosyong nasa mukha ko, naging blanko iyon tila isang malamig na yelo. Tinitigan ko siya pababa sa kaniyang paa at pabalik sa mukha niya.
"Huwag kang umastang girlfriend kita dahil no-- ekis ka sa'kin." Matabang kong sambit na siyang nagpaingay ng klase.
"Boom!! Wala ka pala, e. Ano ka ngayon, Erin?"
"Feeling-erang kokak! Huwag ambisyosa, girl, hindi naman pala kayo e."Tampulan ng tukso ngayon si Erin na siyang nanigas na sa mismong kinatatayuan niya. Hindi na niya nagawang gumalaw at nanatiling nakatitig lang sa akin.
"Huwag ka na magsayang pa ng oras dahil wala kang mapapala sa'kin." Baritonong sambit ko.
Sakto naman ay dumating na rin ang sumunod na instructor kaya kaniya-kaniya na silang balik sa kanilang upuan. Nilingon ko si Erin na siyang umupo malayo sa akin.
Ganyan nga, kung hindi ka pa ipapahiya ay hindi mo pa ako tatantanan? Namnamin mo 'yang kahihiyan mo.
Wala ako sa mood buong klase, kahit sa mga sumunod na subject ay tulala ako. Hindi na rin ganoon dumidikit sa akin si Erin na siyang labis kong ikinatuwa.
Uwian na kaya papalabas na ako ngayon ng gate, at bago pa man ako makalabas ay napahinto na ako. Halos dumikit ang dalawang sapatos ko sa lupa dahil hindi ako makagalaw at maka-abante.
Kinakapos din ako ng hininga, lalo na't ngayong nasisilayan ko si Peter na naroon sa gate. Mukhang may hinihintay. Kalaunan nang may lumapit sa kaniyang babae... na hindi nagtagal ay namukhaan ko kaagad.
Sa nakita ay wala sa sariling naglakad ako papunta sa kinaroroonan nila at hindi nga ako namamalikmata nang makita ko ang kulay pink niyang off shoulder pati ang blonde nitong buhok-- si Erin nga iyon.
"Erin!" Sigaw ko nang tuluyan ng makalapit.
Sabay na napalingon ang dalawa at halos malaglag ang panga ni Erin ng makita ako. Si Peter naman ay tulala habang nakakunot ang noo, tila minumukhaan niya ako, pero ilang saglit pa ay walang lumabas maski isang salita sa bibig nito.
Hindi niya ba ako natatandaan? O naaalala man lang? Like hello, magkaklase kami sa dalawang taon na senior high school kami.
Anong ginagawa ng lalaking ito rito? At talagang magkasama pa sila ng saltik na 'yan?
"Oh, Xander, bakit? Anong ginagawa mo rito?" Pagtatanong ni Erin nang hindi ako magsalita.
Masama ko itong binalingan.
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Nawala lang ako saglit ay kung sinu-sino na 'yang kasama mong lalaki?" Sigaw ko rito na siyang ikinagulat niya.
Luwa ang parehong mata nito habang literal na laglag ang panga, nakatitig lang ito sa mukha ko. Hindi ito nagsalita na para bang na-estatwa na sa kinatatayuan.
"Halika na." Sambit ko saka marahas na hinila ang kamay niyang hawak ni Peter.
Kailangan ko silang mapaglayong dalawa. Knowing Erin, para itong uod na binudburan ng asin sa sobrang harot. Baka isa pa siya sa maging kaagaw ko kay Peter.
Hell no! Akin lang si Peter.
BINABASA MO ANG
Gay's Confession [Completed]
Teen FictionXander Crisostomo Villegas, ang lalaking hindi alam kung paano aamin sa tunay niyang pagkatao.