Chapter Twelve

335 51 19
                                    

Matapos kong magbihis pambahay ay nanatili akong nakatayo sa kwarto, tila hindi alam kung ano ang gagawin. Pabalik-balik ang lakad ko , atras-abante habang nag-iisip ng pwedeng gawin.

Matulog na lang kaya ako?

Nah. Wala pa sa sariling umiling ako, hindi na ako inaantok. At hindi ko rin alam kung bakit nabuhay ang lahat ng kaluluwa sa katawan ko. Nasaan na iyong antok ko?

Ano na, self? Kanina ay panay ang hikab mo sa klase hindi ba? Ang bigat-bigat pa ng talukap mo tapos ngayon? Para kang binilhan ng barbie sa sobrang saya.

At teka nga?! Ako, masaya? Bakit ako magiging masaya?

Naiinis na sinabunutan ko ang sariling buhok at sandaling napatigil.

Ano, self? Baliw ka na?

Mas lalo akong mababaliw kapag nanatili ako rito. Dahil do'n ay dali-dali akong lumabas ng kwarto at walang lingun-lingon na naglakad patungo sa kwarto ni Erin.

Tumigil lang ako nang naroon na ako sa tapat ng guest room kung saan siya natutulog. Bumaba ang tingin ko at dumako roon sa dalawa kong paa, ito ba ang gusto niyo?

Mariin akong pumikit saka tatlong beses na kumatok. Nang walang sumagot ay nagdilat ako at dahan-dahan na binuksan iyon. Madilim sa loob kaya kinapa ko ang switch sa gilid.

Matapos mabuksan ay bumungad sa paningin ko si Erin na naroon sa kama, nakaupo habang nakatulala. Kumunot ang noo ko at walang pasintabing dinaluhan siya.

"Hey, are you okay?" Pagtatanong ko at naupo sa dulo ng kama.

Nilingon ako nito saka ako ginawaran ng maliit na ngiti. "Kumusta ang klase? Nakinig ka ba?"

"Syempre,  kailan pa ba ako hindi nakinig?"

Ano ba naman ang impaktang 'to? May sakit na lahat, kung anu-ano pang pinagtatanong.

"I was just wondering kung ano kaya ang mga naituro kanina?" Paos niyang sambit saka niyakap ang dalawang tuhod.

Oo nga, 'no?

Ano nga ulit 'yung mga tinuro kanina? Principles of? Holyshett!! Ngayon ko lang natantong wala nga talaga akong naintindihan sa mga naging lectures kanina!

"Hindi ba nakinig ka? Anong itinuro kanina?" Aniya saka ako binalingan.

"Hindi ba ay may sakit ka pa? Bukas na, baka mabinat ka pa." Mabilis kong sagot at patago itong inirapan. "Maiba nga tayo, hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka pinalayas sa inyo?"

Sa sinabi ko ay malakas itong nagbuntong hininga dahilan para pagmasdan ko siya. Gulu-gulo pa rin ang buhok niya at mukha pa rin siyang maglalaba sa itsura niya.

Nag-iwas ito ng tingin at tumitig sa kawalan. "Bihira lang ako magkwento sa ibang tao pero dahil may utang na loob ako sayo, sige, ku-kwento ko na."

Umayos ito sa pagkakaupo, tuluyan na siyang humarap sa akin at nag-indian sit. Ginaya ko ang ginawa nito, umakyat ako sa kama at sumandal sa dingding na siyang katabi ng bintana.

"Ampon ako."

Hindi pa man ako nakakaayos ng upo ay kamuntikan pa akong malaglag dahil sa sinabi niya. Mabilis ko itong nilingon at halos matawa siya sa nangyari.

"A-- anong sinabi mo?" Gulantang kong sambit, nanlalaki pa ang parehong mata.

"Ayoko sa tao 'yung bingi."

"So, ampon ka nga talaga?" Pagkumpirma ko na siyang tinanguan niya. "Paano nangyari?"

"Iyong bahay na tinutuluyan ko ngayon, at 'yung mga taong naroon ay hindi ko kaano-ano. Kasi gaya nga ng sabi ko ay ampon lang ako. Matagal na nilang pinagsasamantalahan ang kabaitan ko to the point na sinasaktan na nila ako, pero hindi ko naman magawang lumayas kasi wala naman akong mapupuntahan."

Kibit ang balikat niyang napatitig sa kumot na naroon sa harapan niya. Naguguluhan ako, masyadong nabigla ang mundo ko dahil sa kwento niya.

"Hindi naman ako lalayas kung hindi lang talaga nila ako kinaladkad palabas ng bahay. No choice ako, kung hindi ang umalis. Alangan namang ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa mga taong ayaw na sa akin?"

"Sinasaktan ka nila? Saan banda? Hinahayaan mo na saktan ka nila?"

Nilingon ako nito at muling ngumiti. "Ganoon talaga kapag walang-wala ka na sa buhay, kahit ano pa 'yan, kahit gaano pa 'yan kasakit ay kakayanin mo. Kasi kanino ka pa ba kakapit?"

"Pero sinasaktan ka nila. Child abuse na iyon!" Sigaw ko dahilan para manlaki ang mata niya.

Kalaunan ay nagbuntong hininga lamang ito at hindi na ako pinansin. Nakakagalit, mga walang awang nilalang.

"Sanay na ako, Xander. Sinanay nila ako e. Simula pagkabata ko ay ganoon na ang pakikitungo nila sa akin, hanggang sa ngayon na lumaki na ako. Halos ipagduldulan nilang ampon ako at iniwan lang ako sa kanila ng totoong magulang ko."

Tumingala ito, animo'y pinipigilan ang sarili na huwag umiyak sa harapan ko but it's okay. Kung hindi na kaya, walang masama kung iiyak ka.

Hindi ko akalain na ganoon ang buhay niya sa labas ng University. Hindi ko halos akalain dahil wala naman sa itsura niya na ganoon ang pinagdadaanan niya. Tuwing magkasama nga kami ay parati itong nakangiti.

Maingay kasama and at the same time-- masaya. Hindi nawawalan ng kwento sa buhay pero itong kwento pala ang iniiwasan niya. Hindi ko rin akalain na ito ang totoong siya kapag wala sa school.

Tahimik, tulala, hindi maayos sa sarili. Walang bahid ng Erin na siyang una kong nakilala sa University, pero naroon pa rin ang gandang hindi mo maikakaila. Ika nga ni ate, pang-hollywood ang ganda.

"Nasaan na ang mga totoo mong magulang?" Pagtatanong ko na siyang mabilis niyang ipinagkibit balikat.

"Wala akong time na hanapin sila. Ako nga na sariling anak nila ay hindi magawang hanapin, hindi ba?"

"Wala kang balak hanapin?"

Sa sinabi ko ay napipilan siyang tumitig sa akin, tila hindi makapaniwala sa tanong ko.

"Bakit, anong mali?" Segunda ko pa nang makita ang pagkunot ng noo niya.

"Magulang ang dapat na nagsasakripisyo para sa sariling anak, hindi ang anak na siyang walang muang at alam sa buong kwento. Malay ko ba na ayaw talaga nila sa akin kaya hindi nila ako binabalikan? So, paano pala kapag ako mismo ang naghanap? Mabibigo lang ako dahil hindi nila ako tatanggapin? Hindi ba, sayang ang pagod?"

"Erin..."

"Kung ayaw nila sa akin kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ako binabalikan ay wala na akong magagawa. Seventeen years akong nagtiis at lumaking hindi sila kilala, kaya para saan pa't hahanapin ko sila? Ang useless sa totoo lang. Hindi ko na hinangad na magkaroon ng totoong magulang o ng sariling pamilya."

Mabilis itong tumayo at naglakad patungong banyo pero bago iyon ay napansin ko pa ang pagpunas niya sa kaniyang pisngi, marahil ay kumawala na ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

Sa lahat ng ugaling nagustuhan ko sa kaniya, ito 'yon. Ang pagiging matapang at palaban sa buhay.

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon