Chapter Eight

337 54 27
                                    

"Ano bang pinagsasabi mo?" Salubong ang kilay na sambit ko, hindi nakawala ang pagtataas ng boses.

Malakas na natawa si ate, ang matigas at kontroladong emosyon niya kanina ay tila naglaho. Napalitan ng isang normal na babae, isang pangkaraniwang tao.

"Para namang hindi tayo magkapatid, Xander. Alam mo bang si papa na lang ang hindi nakakaalam sa pagkatao mo?" Aniya habang natatawa.

Kinabahan naman ako bigla. "What do you mean? Alam na nila manang?" Bulalas ko pa.

"Syempre hindi. I mean, si papa na lang iyong walang ideya sa anong klase kang nilalang. Kasi ako, bata pa lang tayo napapansin ko na iyon."

For the second time around, what the heck?

Bumangon ako sa pagkakahiga saka isinandal ang likod sa headboard ng kama. Matamang tinitigan ko si ate, hindi na makapagsalita dahil sa gulat. All this time, akala ko kaya kong itago, pero hindi pala.

"Naalala mo ba noon? Iyong malaking barbie na binili ni mama, dahil doon ay inaway mo ako. Pinasok mo pa nga ko sa kwarto saka doon mo ako sinabunutan." Pag-kwento niya saka walang humpay na tumawa.

Lumipad pa ang isang kamay niya sa ere saka lumanding iyon sa braso ko dahilan para mapasigaw ako sa sakit.

"Ate!" Bulyaw ko rito pero patuloy lang ito sa pagtawa.

"Alam na rin ni mama noon pa, hindi lang siya nagkaroon ng time para kausapin ka at hindi na rin siya nag-abala na sabihin kay papa." Pahayag niya saka humugot ng buntong hininga.

"Si mama? Alam niya?"

Nanlalaki ang parehong mata kong tinitigan si ate pero nanatili ang tingin niya sa kawalan. Tila kay lalim ng iniisip.

"Syempre, anak ka no'n. Alam mo naman ang mga babae, kutuban lang kami, ninety nine percent tama ang hinala namin."

Wew? Napaisip ako bigla sa sinabi niya. Kung totoo man iyon, ibig sabihin ay may hinala na rin sa akin si Erin? What if alam na niya? At naghihintay na lang siya ng tamang oras para ipagkalat sa buong campus.

Oh, my! Hindi ko kaya. Natatakot ako na malaman pa iyon ng lahat, natatakot ako na mahusgahan ako kaya pilit ko itong itinatago.

"Anyway, gaya nga ng sabi ko kanina, magdala ka na lang ng babae rito." Aniya saka bumalik sa dati ang postura niya.

Muli akong nagbalik sa reyalidad nang magsalita siya. Ano bang pinagsasabi nito? May sa demonyo yata itong ate ko.

"Bakit ko naman gagawin iyon? At saka hindi naman na kailangan, ayokong mandamay ng ibang tao para lang pagtakpan ang kasarian ko."

Sa sinabi kong iyon ay sandali akong natigilan. Talaga lang, ah? Ayaw kong mandamay? Eh, ano ngayon itong ginagawa ko kay Erin?

"Ikaw bahala, Xander." Kibit ang balikat nito saka tumayo. "Malay natin, makahanap ka ng babaeng makakapagpabago sayo at kaya kang dalhin sa tamang daan."

Tumalikod ito sa akin at dere-deretsong lumabas ng kwarto ko. Matapos niyang mai-lock ang pinto ay bumuntong hininga ako at napatitig sa kawalan.

Tamang daan? Bakit? Nasaang landas ba ako ngayon?

Tch, ano bang problema nila sa kasarian ko? Ito ako, tinanggap ko nga e. Bakit hindi nila kayang tanggapin?

Maya-maya pa ay napadako ang tingin ko sa cellphone kong nag-beep. Mabilis ko iyong kinuha sa bed side table at binuksan ang bagong mensahe-- galing sa unknown number.

Honeybunch.

What the hell?!! Paano niya nalaman ang number ko?! Mabilis pa sa kidlat na binura ko ang text niya pero hindi nagtagal nang muli ay nag-text na naman ito.

I miss you na, isang linggo
mo na akong 'di pinapansin.

Mapakla akong natawa. Malamang girl, ano ba sa tingin mo ang dapat kong gawin sayo? Inagaw mo sa akin si Peter! Umikot ang mata ko saka mabibigat ang daliri na nagtipa ng ire-reply.

Pero kalaunan ay binura ko ang mensahe saka binato ang cellphone sa paanan ko. Hindi ko nga pinapansin 'di ba? Kaya bakit ako magrereply? Tch, ang impaktang iyon!

Nang muling umilaw ang cellphone ko ay mabilis akong dumukwang para kunin iyon. Binuksan ko ang panibagong text message niya.

I just need someone
to talk to :«

Kumunot ang noo ko sa nabasa. Ba't ang lungkot at talagang may sad emoticon pa, huh?

Hindi pa rin ako nagreply. Pinigilan ko ang sarili. Kung ano man ang problema niya, solo-hin niya. Hay nako naman, Erin!! Ano bang problema mo?

Nakakainis, ah! At ang tagal pa talaga mag-reply? Nakuu naman, mamaya ano ng nangyari ro'n.

Gosh!! Malakas na sinampal ko ang sariling pisngi. Anuna, self? Naaawa ka ba sa impaktang 'yon? Kaagaw mo iyon-- kaaway kung tutuusin.

Wala sa sariling natawa ako. Shuta, hindi ko na alam kung ano itong pinaggagagawa ko. At ayoko itong mga nangyayari sa'kin.

Wala na akong bahay
na matutuluyan.

Pinalayas ako sa'min.

I dunno what to do
anymore.

Nasaan ka?

Jusko, self!! Halos magrambulan ang lahat ng lamang loob ko, nag-aaway ang mga ito. Nag-iiyakan at nagtatalo sa hindi malamang dahilan. Ano ba talaga?

Sa 7/11, malapit sa
West Street.

Nang mabasa ang text nito ay agad kong kinuha ang black leather jacket ko at madaliang lumabas ng kwarto. Kumaripas ako ng takbo hanggang sa makalabas ako ng gate.

Mabuti at hindi na nagtanong ang mga guard kung saan ang tungo ko. Pinuntahan ko ang sinabi nitong 7/11. Malapit lang iyon sa amin kaya nilakad ko na lang at agad din namang nakarating.

"Xander!" Pagtawag niya sa atensyon ko nang makapasok ako sa loob.

Nang tuluyang makalapit ay napansin ko ang dalawang malaking bag pack na naroon sa sahig at iyong pink shoulder bag niyang nakasuot sa kaniya.

"Ano 'yan?" Maang na sambit ko saka itinuro ang mga bagahe nito. "Saan ang punta mo?"

"Hindi ko ba nabanggit sayo? Pinalayas nga ako, kaya wala na ako matutuluyan."

Sa sinabi niyang iyon ay pinagmasdan ko ang mukha niya. Namamaga at namumula ang parehong mata nito, tila kagagaling lang sa pag-iyak. Umupo ako sa katabing upuan nito.

"Bakit ka pinalayas?" Pagtatanong ko.

"Bago ko 'yan sagutin, may alam ka bang pwede kong matuluyan?" Aniya sa mababang boses.

Wala sa sariling napatitig ako sa mukha niya. Napansin ko ang medyo magulo nitong buhok, nakapusod iyon sa pinakatuktok ng ulo niya. Kung nasa maayos lang siguro kaming sitwasyon ay baka inasar ko na siyang labandera.

"Wala akong alam." Pahayag ko saka bumuntong hininga.

"Ganoon ba, wala rin kasing alam sina Helen at Rachel e. Kaya nagbaka-sakali ako sayo." Tumayo ito sa pagkakaupo at binitbit ang dalawang bag pack.

"Teka lang." Pagpigil ko rito saka hinablot ang dalawang bag sa kamay niya. "May alam na ako."

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon