Hindi ko alam na bumili rin pala ng san mig light sina Helen kaya ayon, puro tawanan nila ang naririnig sa buong kabahayan.
Mabuti nga at hindi kami nasisita ng land lady, o maski iyong mga kapit bahay ni Erin dahil sa ingay nila, animo'y mga napariwarang bata sa lansangan.
"Tapos, alam niyo ba?" Sambit ni Rachel saka itinaas ang boteng hawak.
Hindi naman gaanon kataas ang alcohol ng nabili nilang alak ah? Kaya bakit ganito ang epekto sa kanila? Tch. Hindi siguro sanay uminom at ito ang unang pagkakataon na nakatikim sila ng alak.
"Sabi niya kay Helen-- ayoko sa mga panget na katulad mo." Dugtong pa niya sa panlalaking boses at malakas na tumawa. "Boom! Ang sakit kaya no'n, binasted ka ng crush mo!"
Pumalakpak pa ito at inisang lagukan ang natitirang alak sa bote na hawak niya. Nailing-iling na lang akong pinapanood sila.
"Mas malala nga 'yung sayo e, crush mo mismo nagpapasimuno na bully-hin ka. Mas masakit 'yon, ugok!" Rebat ni Helen dahilan para matahimik si Rachel.
Humahagikgik naman sa tabi ko si Erin kaya nilingon ko ito. Hindi ko alam kung may tama na rin ba siya, dahil sa tuwing tatawa 'yung dalawa, tatawa rin siya ng mas malakas, kahit hindi naman naintindihan 'yung joke.
"Hindi bale na, at least pinapansin ako. Nag-eeffort pa siya na pansinin ko. Eh, ikaw? Parang ito siya oh." Saad ni Rachel saka itinuro ang hinliliit. "Tapos heto ka." Segunda niya at itinaas ang middle finger.
"Hoy, gago ka ah! Nakakasakit ka na ah?!" Sigaw ni Helen saka kinalampag ang lamesa.
Nang akmang tatayo pa ito para sugurin si Rachel ay mabilis ko itong inawat, pasalampak naman na naupo ito sa sofa na nasa likuran niya lang. Ilang sandali pa ng may kumatok sa pinto.
Sabay-sabay kaming napalingon doon. Ako sana ang magbubukas pero inunahan na ako ni Rachel, pasuray-suray pa itong naglakad palapit sa pintuan saka binuksan iyon.
"Wala po kaming yelo." Aniya sa matandang babae na siyang nabungaran namin.
Dali-dali akong tumayo nang makita ko sa tabi nito si manong driver, ganoon din ang ginawa ni Erin. Maang na nakatitig siya sa matandang babae dahil na rin sa paninitig nito sa kaniya.
"Sabi ko walang yelo e." Sambit ni Rachel at kakamot-kamot ng ulo na naupo sa sofa, katabi si Helen na nakatulog na.
Nag-angat ng tingin sa akin si Erin kaya binalingan ko ito. Unti-unti ay kumunot ang noo niya, tila nagtatanong kung sino ang babaeng naroon sa labas.
"Magandang gabi po, pasok po kayo--"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin nang mahigpit akong hawakan ni Erin sa braso kaya nilingon ko ito.
"Sino 'yan?" Matigas niyang sambit, tila may pumapasok ng ideya sa isip niya.
"Erin, siya si Erlinda." Pagpapakilala ko saka itinuro ang pwesto ng matanda. "Erlinda Jackson."
Hindi naman siya ganoon katanda, parang si papa lang din na nasa early fifty years old. Purong pilipino ang itsura niya kaya naisip ko na baka ang papa ni Erin ang may lahi.
"Teka lang, Xander ah?" Pagpipigil ni Erin kaya hindi tuluyang nakapasok ang ina niya. "Naguguluhan ako."
"Siya ang biological mother mo, Erin." Pahayag ko pa pero mabilis itong umiling.
"Huwag ngayon. Hindi ako handa." Walang emosyon siyang sambit saka mariing pumikit at hinawakan ang ulo.
"Erin, anak--"
"Please, Xander, ayoko. Huwag ngayon! Paalisin mo na siya!" Sigaw ni Erin at marahas akong hinarap sa kaniya, tila tinatago ang sarili sa kaniyang ina.
"Erin..."
"Pauwiin mo na siya kung saan man siya nanunuluyan ngayon. Please, ayoko, hindi ako handa." Pagsusumamo niya saka kumislap ang parehong mata para sa nagbabadyang luha.
Huminga ako ng malalim at hinarap ang ginang. Mapait akong ngumiti para iparating sa kaniya ang nais ni Erin. Marahan naman itong tumango at pilit pang ngumiti.
Dahan-dahan itong naglakad palabas ng bahay. Muli kong nilingon si Erin na hanggang ngayon ay nagpipigil pa rin ng luha. Iniwan ko muna siya saglit para ihatid ang mama niya sa gate.
Bago ko maisara ang pinto ng bahay ay nakita ko pa siyang wala sa sariling napaupo sa sofa at tinakpan ng dalawang palad ang mukha. Nang maihatid sa labas ang ginang ay humarap siya sa akin.
"Ma'am, pasensya na po ah--"
"Ayos lang, hijo, expected ko nang ganoon ang mangyayari. Naiintindihan ko ang anak ko. Siguro nga, mas mabuti kung saka na kami mag-uusap kapag handa na siya." Pahayag niya habang pumapatak ang luha.
Mabilis naman niya iyong pinunasan at pekeng ngumiti. Ngayon pa lang ay nakikita ko na kung ano ang namana sa kaniya ni Erin-- ang ipakitang malakas sa harap ng ibang tao kahit sobra-sobra ng nasasaktan.
"Pakisabi na lang din sa kaniya na maligayang kaarawan, handa akong maghintay para sa kaniya kahit gaano pa katagal. Pasensya na rin sa abala."
"Sige po, sorry din. Hayaan niyo po, kakausapin ko na lang si Erin."
"Salamat, hijo." Aniya saka tumalikod na para makasakay na ng van.
"Manong, pakihatid na lang ulit siya sa Hotel." Sambit ko saka nahihiya pang ngumiti. "Pasensya na talaga sa abala, Manong, hindi ko naman ine-expect na mangyayari 'to."
Mahinang tumawa si manong. "Ano ka ba, Sir, ayos lang iyon. Sige na at anong oras na rin, ihahatid ko muna siya."
"Salamat, Manong. Ingat po kayo."
Hinintay ko munang makaalis ang van bago ko isara ang gate at mabilis na tinungo ang bahay ni Erin. Naabutan ko itong nakaupo, nananatiling hawak ang ulo na para bang may masakit doon.
"Erin..." Pagtawag ko rito pero hindi niya ako pinansin. "Erin, kausapin mo ako."
"Saan mo siya nakita?" Agap niya at mariing tinitigan ako.
Umupo ako sa mismong tapat niya. Matigas pa rin ang expression ng mukha niya, ni hindi ko makita roon ang luha sa mata niya-- kung umiyak nga ba ito. Pero knowing her, hindi siya ganoon kabulgar sa totoong nararamdaman niya.
"Pinahanap ko siya sa Tito ko na nagtatrabaho bilang Police Investigator. Kahapon lang siya nahanap at nasabing sa Hongkong ito ngayon nakatira, naninilbihang baby sitter. Iyon lang ang impormasyong alam ko." Pahayag ko sa katotohanan.
"Baby sitter?" Sambit niya saka pagak na natawa. "Nagawa niya pang mag-alaga ng ibang bata? Tapos sarili niyang anak, ni hindi man lang niya kayang alagaan at kailangan ipa-ampon niya pa?!"
"Erin, look, may sariling kwento ang mama mo. Pakinggan mo lang siya."
Sa sinabi ko ay mas lalo siyang tumawa. Tumingala ito sa kisame at suminghot bago ako binalingan.
"Alam mo, mas maganda sigurong umuwi ka muna. Kailangan ko ng magpahinga." Pahayag niya at marahas na tumayo.
Sinundan ko siya ng tingin, pumasok na ito sa kwarto niya saka malakas na binalibag ang pinto dahilan para magising ang dalawa na naroon sa sofa.
BINABASA MO ANG
Gay's Confession [Completed]
Teen FictionXander Crisostomo Villegas, ang lalaking hindi alam kung paano aamin sa tunay niyang pagkatao.