Chapter Ten

341 55 29
                                    

Matapos kong maihatid si Erin sa guest room na siyang tutulugan niya ay lumabas na ako sa kwarto. Wala sa sariling napahinga ako sa kawalan at sandaling napahinto.

Pakiramdam ko ay ang bigat ng dinadalang problema ko. Kailangan ko na sigurong magpahinga. Muli ay naglakad ako at akmang papasok na sa sariling kwarto nang higitin ako ni ate sa kwarto niya.

"Ano ba, Ate?" Giit ko sabay bawi sa braso ko.

Nanggugulat e, mamaya nyan ay baka masampal ko siya ng bongga.

"Iyong totoo, Xander? Sino 'yon? I mean, sino talaga siya?" Pagtatanong niya saka humalukipkip sa harapan ko.

"Hindi ba ay nasabi ko na kanina?"

Ano pa ba ang kulang doon? Ang dami ko ng sinabi hindi ba? Napapagod na ako, gusto ko na matulog sa totoo lang.

Napatitig ako kay ate na bakas pa rin sa mukha ang hindi makapaniwala, tumabingi pa ang sariling ulo saka sinuri ang buong katawan ko like what the heck.

"Hindi ako naniniwala sayo. Kilala ko buong pagkatao mo, magsinungaling ka na sa lahat, but don't me, Xander." Aniya dahilan para matawa ako.

"Gaya ng sabi ko kanina, girlfriend ko siya." Simpleng sagot ko at nanatiling blanko ang mukha.

Kahit sobra-sobra na akong nasusuka sa isipin na parang inaangkin ko na si Erin. Girlfriend? Well, technically yes, dahil may usapan naman kami.

Bago kami pumasok ng bahay, pinagsabihan ko na siya na ano man ang masabi ko ay huwag na niyang sasalungatin kapalit ng panunuluyan niya rito sa bahay.

Sa sinabi ko ay napalabi si ate at nagkibit balikat, tila hindi pa rin kumbinsido. Bahala siya. Ayoko ng magpaliwanag.

"Well, anyway, tinatanong ko lang naman baka kasi iba na 'yan."

"What do you mean?" Kunot ang noong pinakatitigan ko siya pero muli lamang itong nagkibit balikat.

"Oh siya, matulog ka na. Ang laki na ng eyebags mo, oh." Pahayag niya saka ako itinulak palabas ng kwarto niya.

Naiinis na binalingan ko siya at iwinaksi ang katawan para kumawala sa hawak niya.

"Ano ba, girl." Naturang sambit ko dahilan para matawa siya.

"Pero infairness, ha? Bet ko look niya, pang-hollywood." Nakangiting sambit niya bago ako tuluyang pagsarhan ng pinto.

Just wow. At ano raw? Pang-hollywood?

Sa sinabi ni ate ay awtomatikong pumasok sa isip ko ang mukha ni Erin, iyong eksenang nasa rooftop kami. Kulot ang blonde nitong buhok habang inipitan ng malaking hairclip.

Holyshett!!

Mabilis pa sa kidlat na umiling ako at madaliang pumasok ng kwarto. Lumundag ako sa sariling kama at nagtakip ng unan sa mukha.

But all I can see is Erin.

Lalo na roon sa part kung saan ibinaba nito ang kulay pink niyang off shoulder dahilan para lumitaw sa paningin ko ang kalahati ng dibdib niya.

"Ahh!!" Sigaw ko at mas lalong pinagdiinan ang unan sa mukha.

Another holyshett! Ano bang nangyayari sa akin? Gosh, pinatuloy ko lang siya at nagkaganito na ako? Totoo kayang ginayuma ako ng babaeng 'yon?

Ilang minuto pa ang lumipas at hanggang ngayon ay dilat na dilat pa rin ang parehong mata ko, parang ang kaninang antok ko ay biglang nawala at naglaho na parang bula.

Oras na ang nabilang ko, namalayan ko na lang nang mapansing alas kwarto na ng madaling araw. Hindi ako kumibo. Hindi na ako nagulat at tila nanghihina na.

Isang oras pa ang lumipas. Nanatili akong nakatingin sa orasang naroon sa bed side table ko katabi ng lamp shade, binibilang ang bawat minutong nagdaraan.

Nang pumatak ang five thirthy ay mabilis akong bumangon dahil maya-maya lamang din ay kakatok na si ate sa pinto para silipin ako. Nakasanayan niya ng gawin iyon tuwing narito siya sa bahay.

My goodness!

Halos umikot ang paningin ko nang bumangon ako, hinilot ko pa ang sentido ko at naupo sa kabilang side ng kama. Kung saan nakatalikod ako sa pintuan, para hindi agad makita ang pagmumukha ko.

"Xander?" Kasabay nito ay ang mahinang pagkatok sa pinto.

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Pasok!" Sigaw ko rito.

Ilang minuto lang nang bumukas iyon at narinig ko ang yabag ni ate sa likod ko. Nanatili itong tahimik tila nag-iisip kung anong ganap ko sa buhay.

Madalian akong tumayo at walang lingun-lingon na dumeretso ng banyo. Naghilamos ako sa sink at dahil katapat no'n ang salamin ay malaya kong nakikita ang sariling mukha.

My ghad!!

Halos maihilamos ko ang dalawang palad sa mukha nang makita ang maiitim at kahindik-hindik na naroon sa ibaba ng dalawang mata ko. Mas lalong lumalim ang eyebags ko!

Self, ano bang ginagawa mo sa sarili mo, ha? Nagre-rebelde ka ba?

Huminga ako ng malalim at parang zombie na lumabas ng banyo, nakapikit pa ako dahil antok na antok talaga ako pero sa tuwing tatatangkain kong matulog, hindi ko naman magawa.

Dahil sa punyetang imahe na naglalaro sa utak ko. Ang mukha ni Erin, ang blonde nitong buhok at ang...

Lord, ano po bang nangyayari sa'kin?

"Xander..."

Sa boses na iyon ay wala sa sariling nagmulat ako ng mata at nabungaran ko ang babaeng siyang dahilan kung bakit ako ganito ngayon-- naroon siya nakaupo sa gilid ng kama ko.

Hollyshett!! Anong ginagawa ng impaktang 'yan dito?

"Bakit ka nandito?" Maang na pagtatanong ko habang nanlalaki ang parehong mata.

Halos matigil pa sa ere ang paghinga ko sa pag-aakalang si ate ang kaninang tumawag at kumatok sa pinto. All this time ay siya lang pala iyon??

Si Erin na impaktita?

"Ahmm..." Pigil ang sarili niyang hindi ko mawari kung napaano na.

Nakatitig lang ito sa akin, pababa sa katawan ko at doon ko lang namalayang naka-boxer nga lang pala ako! Oh, my ghad! Madapaker!!

"Lumabas ka na." Matigas kong sambit, pinipilit ang sarili na kumalma.

"Oo, sorry." Aniya saka tangkang tatayo nang mapaupo ulit ito.

Wala sa sariling dali-dali akong lumapit sa kaniya, lalo pa't napahawak ito sa kaniyang ulo. What the hell?

"Anong nangyari?"

"Masakit lang ang ulo ko. Gusto ko lang din talaga sabihin na hindi ako makakapasok ngayon." Pahayag niya at muling tumayo.

Sa pagtayo nito ay napakapit pa siya sa braso ko para suportahan ang sarili. Sandali akong nanigas, nanunuot sa katawan ko ang lamig ng kaniyang palad.

Mukha nga siyang nilalagnat. Mabilis kong kinapa ang noo at leeg niya dahilan para ma-estatwa ito sa kinatatayuan niya na hindi ko na pinansin. Doon ko lang nakumpirmang nilalagnat nga ito.

"Xander?" Sigaw sa labas, kasunod nito ay ang malakas na pagkatok at pagbukas ng pinto.

Sa sobrang lakas no'n ay wala sa sariling natumba si Erin at dahil hawak niya ang braso ko ay pareho kaming lumanding sa kama ko. Mariin pa akong napapikit dahil sa nangyari.

"Ops, sorry. Pasensya na sa abala." Boses ni ate na siyang nasa likuran namin at mabilis na isinara ang pinto.

"Aray ko, Xander." Mahinang daing ni Erin dahilan para magmulat ako.

At halos malaglag ang panga ko nang ma-realize ko ang position namin. Si Erin na naroon sa ilalim ko habang ako ay nakadagan sa kaniya, ang malala pa ay nakahawak ako sa kaliwa niyang dibdib.

"Ahh!!" Malakas kong sigaw at nagpagulong-gulong sa kama. "Lumabas kana, Erin, ngayon din!"

Kahit siguro nahihilo ay mabilis itong tumayo at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ko. Nang mawala siya ay napatingin ako sa kaliwang palad ko at nandidiring sumigaw.

"Ahhh!!"

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon