Chapter Five

411 62 41
                                    

"Xander!!" Sigaw ni Erin sa likuran ko.

Sinundan pala ako ng impakta. Hay naku, naku!

Mas binilisan ko ang paglalakad para hindi ako maabutan pero maya-maya lang din ay nakarating na ito sa tabi ko. Napakapit pa ito sa braso ko para pigilan ako pero hindi ako nagpatinag.

Deretso ang lakad ko na siyang sinasabayan naman niya. Hindi ito agad nakapagsalita marahil sa pagod nito kakatakbo at sino ba naman kasing nagsabing habulin ako?

Naloloka na talaga ako, kawawa naman itong mga brain cells ko.

"Bakit ka ba umalis ha? 'Yan tuloy at hindi ako nakakain." Maktol nito dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

Nagbaba ako ng tingin dito saka kumunot ang noo.

"Kasalanan ko ba?" Supladong pahayag ko.

"Hindi. I just felt sad no'ng umalis ka, baka kasi may nasabi kaming hindi maganda sa pandinig mo."

Napatingin ako sa parehong mata nito, nawala ang kislap doon na siya namang lagi kong nakikita. Napalitan iyon ng kalungkutan. Ewan ko ba at bakit nagkakaganyan siya.

Huminga ako ng malalim saka tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. Pinagmasdan ko ang kabuuan nito pero tahimik lang itong naka-maang sa'kin.

"Dito ka lang, saglit. May dadaanan lang ako."

Iginiya ko siya palapit sa isang bench na naroon sa gilid, pilit ko siyang pinaupo kahit pa na ang tigas ng katawan niya, tila tutol sa ginagawa ko.

"Saan ka pupunta?" Kalaunan ay sambit nito nang tumalikod ako.

"May kukunin lang ako." Sagot ko rito.

Kumaripas ako ng takbo papasok sa cafeteria saka muling pumila sa may counter. Nang makalapit sa tindera ay mabilis kong sinabi ang order ko. Matapos makuha at makapagbayad, mabilis ko itong pinasok sa bag ko.

Bumalik rin ako kung saan ko iniwan si Erin at naroon pa rin ito. Malayang nakasandal ang dalawang kamay sa sandalan ng upuan, habang naka-dekwatro naman ang kaniyang mga paa.

Tch, babae ba ito? Pasipol-sipol pa si gaga.

Napatingin ako sa washed blue skirt nito, hindi alintana sa kaniya kahit pa nakapalda ang impakta. Tinernuhan niya ito ng pink tube na pinatungan lang ng blue maong jacket na hanggang baywang lang niya. Samantalang naka-white rubber shoes naman ito ngayon.

"Ang tagal mo ah." Pagpuna niya nang makalapit ako.

"Ayusin mo nga 'yang pag-upo mo, para kang hindi babae." Iritadong sambit ko saka siya nilampasan.

Kung ako lang talaga naging babae, dadaigin ko pa ang isang binibini sa pagiging maria clara.

Sabay na nakarating kami sa huling subject namin. Hindi gaya kahapon na sobrang layo namin sa isa't-isa, ngayon ay nakabuntot na naman ito sa akin. Sabay kaming napasalampak sa bakanteng upuan.

Hindi nagtagal ay dumating din ang instructor namin. Matapos ang isang oras na pagtuturo ay nagpasya siyang magpa-quiz.

"Get one whole sheet of paper." Anang ginang.

Mabilis kong kinuha ang yellow pad paper ko nang hindi pinapansin ang impakta sa tabi ko. Abala rin ito at tila hindi alam ang gagawin. Hay nako, bahala nga siya diyan. Mukhang hindi naman nakikinig ang isang 'to.

Ilang minuto lang din nang matapos ang quiz at oras na para check-an ito, nag-exchange paper kami ni Erin dahil no choice naman ako-- siya lang itong katabi ko rito banda sa likuran.

"Erhena Daniella Jackson pala ang pangalan mo?" Pahayag ko matapos ma-check-an ang papel niya.

Gulat naman na napatingin ito sa akin, luwa ang parehong mata habang naka-letrang O ang bibig. Kumunot naman ang noo ko sa inasta niya.

"Omo!! How did you know? Stalker ka 'no?" Histerya niya na para bang binudburan ng asin.

Nawala ang emosyon sa mukha ko, na halos mapa-face palm na lang ako. Huminga ako ng malalim saka dahan-dahan na itinaas sa ere ang papel niyang may markang four over twenty para iharap sa pagmumukha niyang chaka.

Eww girl, 'wag ambisyosa!

"Oh, no!" Marahas na hinablot niya ang papel na hawak ko. "Four lang ako? For real?!"

At sumigaw pa nga ang tanga, tila hindi nahihiya sa sarili niyang score. Natawa na lang ako sa kagagahan ng babaeng 'to. Mas matalino pa pala ang isang dyosang katulad ko.

Kinuha ko ang papel ko na siyang nakalapag sa lamesa niya. Nang makita kong perfect score ang nakuha ko ay humalakhak ako, sinasadyang iparinig kay Erin.

"Bakit ka tumatawa?" Angil nito habang kunot ang noo.

"Wala naman, masaya lang ako sa markang nakuha ko. May problema ka, Daniella?"

"Ang yabang mo, e, ang panget naman ng pangalan mo. Xander Crisostomo Villegas. Really? Ano ka, sinaunang tao?" Pang-aasar niya pa.

Wala sa sariling napanganga ako. Ang impakta! Dali-dali itong nagligpit ng gamit, kasabay nang paglabas ng instructor namin ay tumayo ito saka nagsisisigaw na para bang baliw.

"Crisostomo! Crisostomo! Nasaan si Crispin?"

Napahawak na lang ako sa sentido ko. Crispin? Hindi lang talaga siya isang baliw e, isang bobong nilalang din. Patunay na ganda lang ang mayroon siya, tch.

Matapos kong ligpitin ang gamit ay kumaripas ako ng takbo palapit sa kaniya dahilan para tumakbo rin ito palayo sa akin. Nagtakbuhan kami sa gitna ng hallway na iyon habang isinisigaw pa rin nito ang kabobohan niya.

"Nasaan ang anak ko, Crisostomo?!"

Jusko! Kung ano man po ang sumapi sa kaniya, sana ay ayos lang siya.

Bumaba ito sa building at nakitang napahinto ito sa pagtakbo dahilan para maabutan ko siya. Naroon na kami ngayon malapit sa gate dahil uwian na rin naman. Sinundan ko ang tingin nito kung saan naroon sa malayo, nakatanaw kay Peter.

My goodness!! Ano namang ginagawa ng lalaking iyan dyan?!

Abort mission! Abort mission!!

Bago ko pa man mailayo si Erin ay siya na mismo ang humila sa akin paalis sa kinatatayuan namin kanina. Pumasok kami sa katabing building at inakyat ang apat na palapag hanggang sa makarating kami ng rooftop.

Halos hindi matigil ang paghahabol ko ng hininga at napasalampak na lang sa upuang naroon. Holyshett!! Pinagpawisan ang likod ko ro'n, ah? Napatingin ako sa babaeng naroon sa railings habang nakatanaw sa baba.

Tumayo ako saka siya nilapitan at muling sinundan ang tingin. Naroon pa rin si Peter sa labas ng gate, at akmang titingala ito sa building na siyang kinaroroonan namin ay mabilis akong naitulak ni Erin.

Sabay kaming napaupo sa likod ng railings habang nakasandal sa malamig na pader. Kinakapos pa rin ako ng hininga at ganoon din ang impakta.

"Kamuntikan na, woah!" Sambit niya saka pa nagpunas ng pawis sa noo.

"Sino ba 'yon?" Pagkukunwari kong tanong dahil obviously, mas kilala ko pa ang buong pagkatao ni Peter kaysa sa babaeng ito.

"Si Peter Molino, ang ex-boyfriend ko."

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon