Chapter Nineteen

296 45 11
                                    

Kinabukasan ay maaga ako nagising, wala pang seven nang bumaba ako at naabutan ko si manong driver na naroon sa labas ng bahay.

"Papasok na ho kayo, Sir?" Pagtatanong pa nito nang mapansin ako.

"Oo, Manong, hindi na rin ako magpapahatid-sundo. Gamitin ko na lang 'yung kotse."

Sa sinabi ko ay natawa si manong. "Oh siya, ganyan naman talaga kapag umiibig na."

Natawa na lamang ako at dumeretso na sa porshe maran, iyon na ang gagamitin ko sa pagpasok. Na-realize ko kasing mas okay din pala 'to kaysa iniistorbo ko pa si manong.

"Ingat kayo, Sir." Rinig kong sigaw niya kaya tinanguan ko lang ito.

Nang makapasok ay mabilis kong pinausad iyon, sa paglabas ko ng village ay doon lang ako nag-slow down. Malapit lang kasi rito sa village ang bahay na tinutuluyan ni Erin, balak ko sana siyang isabay sa kotse.

"Manang." Pagtawag ko sa land lady na naroon sa maliit nilang tindahan.

Katabi nito ay ang pulang gate, sa loob ay ang malaking bahay ni manang at ang ilang bahay na pinaparentahan niya. Napansin naman ako ni manang at dinungaw pa ako sa labas.

"Si Erin ho?"

"Nako, hijo, nakaalis na. Kakaalis lang din naman." Sagot niya at muling bumalik sa pagkakaupo.

Nakaalis na? Mas maaga pa talaga siya sa akin? Hindi ko ba nabanggit sa kaniyang isasabay ko siya sa akin? Nagsasayang lang siya ng pamasahe.

"Ganoon po ba, sige po, salamat."

Pinausad kong muli ang kotse at ilang sandali lang nang maipark ko iyon sa labas ng school. Hindi ko pa 'to maipasok sa loob dahil wala pa akong gate pass o sticker ng University, saka ko na aasikasuhin iyon kapag may free time na ako.

Nang makababa ay nabungaran kaagad ng paningin ko si Peter, naglalakad ito sa hindi kalayuan, gaya ko ay papasok na rin. Mag-isa lang naman ito kaya napanatag ang loob ko.

Hindi ko na siya pinansin dahil wala na akong panahon sa kaniya. May mga bagay lang akong natanto nitong nakaraang araw, kung ako pa rin siguro ang dating Xander, baka sinabayan ko pa siya sa paglalakad.

Ewan ko kung bakit nag-iba ang ihip ng hangin. Siguro nga ay tama ang sinabi ng tatlong babaeng iyon na kinulam o ginayuma ako ni Erin-- na kahit anong gawin pa niya sa akin ay bukal sa puso kong tatanggapin.

Naalala ko rin ang sinabi ni ate Xyreille, na may darating sa buhay ko para ituwid ang baluktot kong buntot at dalhin sa tamang daan.

Oo nga 'no? Mas masaya kapag nasa tamang daan ka na.

"Pare." Napahinto ako sa paglalakad nang inabutan ako ni Peter.

Nilingon ko ito pero tuloy pa rin ako sa paglalakad na siyang sinasabayan naman niya. Ano bang problema ng isang 'to?

"Hindi ba ay ikaw si Xander? Naging magka-klase tayo no'ng senior high, right?" Aniya nang hindi ako nagsalita.

Pagak akong natawa sa sarili. Sa two years na 'yon ay talagang hindi niya man lang ako kinilala?

"Bakit, anong kailangan mo?" Walang emosyong sambit ko.

"Ano mo ba si Erin? Bakit palagi kayong magkasama?"

Sa tanong nito ay doon na ako huminto at marahas na hinarap siya dahilan para mapatigil din ito sa paglalakad. Kunot ang noo niyang binalingan ako.

"Hindi pa ba obvious? Kung nasa matinong pag-iisip ka pa, layuan mo na siya dahil hindi magandang nakikisawsaw ka pa sa relasyon ng ibang tao." Seryoso at matigas kong sambit.

Usapang lalaki sa lalaki, hindi ba't tama naman ako? Kailangan pa bang ipamukha sayo ang katotohanan bago ka tumigil?

"So, kayo na nga." Gulat pa niyang saad, akala mo ay talagang hindi niya alam.

"Bakit? May problema ka ba? Tapos na kayo ni Erin, hindi ba? Kaya huwag ka ng makigulo at bilang lalaki, kahit respetuhin mo na lang ang desisyon ni Erin."

Nang makatalikod ay malakas ang naging buntong hininga ko. Mabibigat ang paang umakyat ako sa building at nilakad ang kahabaan ng hallway na iyon.

Nakakagalit. Subukan pa niyang lumapit kay Erin, baka sa hospital na ang maging tambayan niya.

"Xander!" Tili ni Erin saka nagmamadaling lumapit sa akin. "Hi, honeybunch, napakaaga mo ah?"

Matalim ang tinging ibinigay ko sa kaniya kaya hindi na niya naituloy ang pagpulupot ng isang kamay niya sa braso ko.

"Why are you looking at me like that?" Maarteng sambit niya at kumunot ang noo. "Did I do something wrong?"

"Sa umaga, hintayin mo akong dumating para masundo kita at kapag uwian, huwag kang lalayo sa akin dahil ihahatid pa kita. Okay?"

Hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil natulala na lang siya sa kawalan, walang lingun-lingon na naglakad ako papunta sa upuan ko at pasalampak na naupo roon.

Dumako agad ang tingin ko kay Erin na naroon pa rin malapit sa pinto. Napaismid na lang ako nang hanggang ngayon ay laglag pa rin ang panga niya.

Hindi nagtagal nang dumating ang dalawang kaibigan niya at dinamba siya ng yakap sa likuran dahilan para magulantang ang mundo niya. Muli ay natawa na lamang ako. Ibang klase.

Nagkulitan pa ang mga ito habang matamang tinitigan lang sila sa malayo. Paunti-unti ay dumarami na rin ang estudyante sa loob ng room at kahit gaano kadami ang nagsisigawan, si Erin pa rin ang may pinakamatinis na boses.

Ilang minuto lang din ang binilang at dumating na nga ang instructor kaya dali-dali silang nagsibalikan sa kaniya-kaniyang upuan. Isa na roon si Erin na halos takbuhin ang pagitan namin.

Nang makaupo ito ay mabilis siyang kumulumbaba sa lamesa ko dahilan para mailayo ko ang mukha ko at masamang tinitigan siya.

"Galit ka pa rin ba?" Nakanguso niyang sambit. "Sorry na, hindi ko naman alam na may pa-gano'n ka pala. Hindi mo naman kasi ako sinabihan kahapon, akala ko ay sasabay ka kay manong driver niyo."

Hindi ko pala talaga siya nasabihan kahapon. Sa sobrang lutang ko ay hindi ko na maalala kung paano ako nakauwi sa bahay.

"Ano, galit ka pa rin ba?"

Ngayon ay may bahid na ng kalungkutan ang boses niya, mas dumoble pa ang pagnguso niya, animo'y nagpapaawa.

"Honeybunch, pansinin mo na ako--"

Hindi ko na ito pinatapos dahil marahan kong hinalikan ang noo niya, wala namang nakakita kaya ayos lang. Nang lumayo ako ay nawalan na naman ito ng ulirat kaya mahina akong natawa.

Inilayo ko ang noo niya gamit ang hintuturo ko. "Hindi ako galit kaya umayos ka na. Nakatingin na sayo si Ma'am."

Sa sinabi ko ay ilang beses pa itong napakurap-kurap at mabilis pa sa kidlat na napaayos ng upo. Hindi na niya nilingon ang instructor at nagkunwaring abala sa pagbabasa ng kaniyang binder.

"Ano nga iyong lesson kahapon?" Bulong niya pa sa sarili kaya mas lalo akong natawa.

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon