"Nagkita na sila, as in?" Hindi makapaniwalang sambit ni Rachel saka natulala na napaupo sa kaniyang upuan.
"Bakit hindi namin alam?" Sabat ni Helen saka ginaya ang ginawa ng kaibigan.
Ewan ko sa inyo.
Paano niyo malalaman, e para kayong mga tatay ninyo kapag lasing, tumba agad. Samantalang san mig light lang iyon, five percent lang ang alcohol content no'n. Sabagay, hindi ko na rin kasi napansin kung nakailang bote sila.
Tch. Napatingin ako sa kanila na ngayon ay natutulala pa rin sa kawalan, animo'y mga ninakawan ng kaluluwa kaya na-estatwa na lamang.
"At ikaw ang dahilan kung bakit sila nagkita, hindi ba?"
Tumango lang ako sa sinabi ni Helen at muling natulala sa mukha ko. Pagak na lang akong natawa, ibang klaseng mga babae.
"And all this time, inaaway kita." Dagdag niya pa saka nagsusumamong dinungaw ako.
Kumakain kami ngayon sa cafeteria, sila ang kasama ko dahil no choice ako. Wala si Erin, hindi siya nakapasok dahil masyado niyang sinusulit ang araw na narito ang mama niya.
Pansamantala rin siyang nanunuluyan sa hotel unit ng mama niya, kaya hindi kami nagkakasabay sa pagpasok at pag-uwi.
Sa sunod na linggo kasi ay babalik na ito ng Hongkong para tapusin ang kontrata roon saka muling uuwi ng Pinas para rito na manatili at manuluyan kasama si Erin.
"Mapapatawad mo ba ako, Master Xander?" Sambit ni Helen saka pa nag-puppy eyes.
Mabuti na lang nga at tapos na akong kumain dahil baka maduwal o mawalan ako ng gana kumain. Tch, marahan akong tumango para magtigil na siya sa kahibangan niya.
"Hindi ko alam na ganoon ka kabait." Nangingiting pahayag ni Rachel habang panay ang subo ng junk foods.
Pareho kaming napalingon ni Helen sa kaniya na ngayon ay maayos ng nakaupo, magkatabi silang magkaibigan samantalang nasa tapat naman nila ako.
"Thou, alam ko naman talaga na may angking kabutihan ka. Hindi ko lang in-expect na mag-eeffort ka pa talaga para lang kay Erin. Biruin mo, napauwi mo ng wala sa oras ang Mama niya kahit may kontrata pa siya sa Hongkong."
Sa kanilang dalawa, mas mabait itong si Rachel, maintindihin sa lahat ng bagay. Si Helen naman ay may pagka-warfreak, palaban kahit ang non-sense naman ng dahilan. Pero iisang ugali lang ang mayroon silang tatlo, ang pagiging maingay at madaldal.
"Syempre, ganyan talaga ang nagagawa ng totoong pagmamahal." Saad ni Helen saka pa kumislap ang mata, tila tanghaling tapat ay nagde-day dream.
"Ganoon mo talaga kamahal si Erin?" Segunda ni Rachel na mabilis kong tinanguan. "Ang swerte sayo ni friendship."
"Mas swerte siya kay Erin. May lahing Canadian at syempre, maganda pa." Maangas na sambit ni Helen.
Heto na naman po tayo.
"Tangek, ito ngang si Xander, puro perfect ang nakukuhang score sa lahat ng exam. Ibig sabihin, gwapo na matalino pa."
"Girl, si Erin ang face of the friendship natin. Hindi siya ganoon katalino pero basta... sobrang bait niya!"
"Kumusta naman si Xander, aber? Nasa kaniya na lahat, mayaman--"
"Sus! Si Erin nga--"
At hindi na sila natapos sa pagbabangayan. Dahil tapos na akong kumain ay iniwan ko na sila roon na tuloy pa rin sa diskusyon kaya hindi na nila napansin ang pag-alis ko.
Buwan na ng October kaya ang ilan sa mga estudyante ay abala na sa paghahanda para sa final exam, may ilang instructor din na hindi na masyadong nagtuturo gaya ngayon.
Natapos ang araw na tumambay lang kami sa rooftop ng Law Department. Sabay-sabay din na bumaba kami nina Helen at Rachel, uwian na kaya naman ay deretso na kami palabas ng gate.
Nang makalabas ay nagpaalam na ang dalawa saka tinahak ang kabilang way, samantalang tinungo ko naman kung saan naka-park ang kotse ko. Hindi pa man ako nakakalapit ay may humarang na sa akin.
"Peter?" Gulat ko pang sambit sa pangalan niya.
Long time no see. Tagal na rin ng huli ko siyang nakita, wala naman nagbago bukod sa hindi niya pag-shave ng bigote niya. Nagmukha tuloy siyang matured tignan.
"Anong kailangan mo?" Pagtatanong ko nang hindi siya kumibo.
Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Nasaan si Erin? Gusto ko siyang makausap."
Sa sinabi niya ay mabilis na naglaho ang emosyon sa mukha ko, naging blanko na lang iyon. Seryoso ko siyang tinitigan.
Ano bang kailangan niya kay Erin?
"Hindi ka pa ba tapos kay Erin?" Maang kong sambit saka pagak na natawa. "Hindi ba ay sinabi ko ng layuan mo na siya?"
"Pare, kailangan ko lang siyang makausap. Magbabakasali lang ako, itataya ko na itong panghuling chance ko, na baka balikan pa niya ako."
Malakas akong natawa sa pagiging desperado niya, naiiling-iling pa ako sa kaniya. Nakakaawa ang isang 'to.
"Hindi ka na niya babalikan at respeto naman sa akin na boyfriend niya, sa akin ka pa talaga nakikiusap? Ang kapal ng mukha mo."
Iniwasan ko siya at lalampasan na sana ng higitin ako nito sa braso dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. Dahan-dahan ko siyang nilingon, pilit pinipigilan ang sarili na huwag gumawa ng gulo.
Nakakapang-init ng ulo, parang hindi makaintindi. Gusto paulit-ulit na pinapamukha sa kaniyang wala na siyang mapapala.
"Bitawan mo ako." Matigas kong sambit pero nanatili lang ito sa kinatatayuan.
"Xander..."
Sabay kaming napalingon sa babaeng kararating lang, naroon siya sa gitna namin at kunot ang noong pinagmamasdan ang kamay ni Peter sa braso ko, paangat ang tingin sa mukha naming dalawa.
"Erin." Bigkas ko sa pangalan niya pero napangiwi lang ito.
"Pwede ba ay huwag kayo sa daan naglalandian? Ang daming nakakakita oh." Sambit niya dahilan para wala sa sariling bitawan ako ni Peter. "Nakakahiya kayo."
Matapos iyon ay walang lingun-lingon na umalis ito at patakbong lumayo sa amin.
"Erin!" Pagtawag ko rito pero hindi na niya ako pinansin.
Marahas kong hinawi si Peter na nakaharang at mabilis na pumasok sa loob ng kotse. Matapos mai-on ang engine ay pinaharurot ko iyon kung saan dumaan si Erin.
Sa buong paglalakbay sa kalsada ay hindi ko siya nakita, marahil ay nakasakay na ito kaya dumeretso ako sa hotel unit kung saan naroon ang mama niya, pero ang sabi ay wala pa raw ito.
Nanlulumong pumasok ako ulit sa loob ng kotse at malakas na hinampas ang manibela. Dahan-dahan akong yumuko para isandal ang ulo ko roon, tila nawalan ng lakas.
Fuck. Baka kung anong isipin no'n ni Erin.
BINABASA MO ANG
Gay's Confession [Completed]
Teen FictionXander Crisostomo Villegas, ang lalaking hindi alam kung paano aamin sa tunay niyang pagkatao.