Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa loob ng kotse habang nakasandal sa manibela, nagising na lang ako dahil sa malakas na pagkatok sa bintana.
Inaantok pa nang lingunin ko iyon, nanlalabo man ang mata ay nagawa kong maaninag kung sino iyon, para akong nabuhayan ng dugo at mabilis na nag-angat ng ulo.
Nakaramdam ako ng hilo at nandilim man ang paningin ay hindi ko iyon pinansin, nangingiting binalingan ko si Erin sa labas. Itinuro nito ang kabila saka umikot para makapasok sa passenger's seat.
Dumukwang ako para buksan ang pinto roon, nang makaupo ay mabilis niyang isinuot ang seat belt at tumingin sa akin, binigyan ako ng isang ngiti bago magsalita.
"Tara, kape tayo?" Anyaya niya kaya wala sa sariling in-on ko ang engine at pinausad iyon.
"Saan tayo?" Pagtatanong ko pa habang inaatras mula sa pagkaka-park ang kotse.
"Order lang tayo ng kape tapos pasyal tayo sa Intramuros, tagal ko nang hindi nakapunta ro'n e."
Marahan akong tumango at nag-focus na lang sa pagda-drive. Isang oras siguro ang naging biyahe namin at dumaan muna kami ng Coffee Shop para mag-order, saka pumasok sa loob ng Fort Santiago.
Dapit hapon na kaya maganda ang magliwaliw dito, hindi mainit at masarap pa ang simoy ng hangin. Hawak ang kape ay nilakad namin ang kahabaan ng Puerta de Santa Lucia.
Nadaanan pa namin ang Manila Cathedral at ang San Agustin Church and Museum. Tahimik lang si Erin sa tabi ko, tila ninanamnam ang ganda ng ilang tourist spot at tanawin.
"Tungkol nga pala kay Peter." Panimula ko dahilan para lingunin ako nito.
Matapos niyang humigop sa kaniyang kape ay ngumiti ito. "It's not about Peter. It's all about you."
Kumunot ang noo kong pinagmasdan siya, balik na ang atensyon niya sa harapan at nilalakaran. Napabuntong hininga ako saka nilunok na lahat ng nakabara sa lalamunan ko.
"May sinabi ba sayo si Ate?" Mahinang sambit ko, animo'y nahihiya pa. "Tungkol sa pagkatao ko?"
Ayokong pag-usapan 'to sa totoo lang. Natatakot ako sa magiging reaction at desisyon niya.
Marahan itong umiling. "Wala siyang sinabi o nabanggit. Sa akin lahat, ako lahat. Nakita ko, naramdaman ko, naamoy ko."
Napayuko ako saka unti-unting tumango, pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso ko, para na iyong kakawala sa dibdib ko.
"Ang mga babae, isang beses lang kutuban 'yan, pero sulit dahil tama ang lahat ng hinala namin."
Pagak akong natawa sa sarili nang maalala kong ganyan din ang sinabi sa akin ni ate noon. So, tama nga siya at tama ako, dahil may alam na siya noon pa man.
"First day pa lang, nahalata ko na. Hindi ko nga alam kung paano kasi feeling ko, ako lang ang nakakaramdam. O dahil ba sadyang dikit tayo kaya gano'n?" Kibit balikat nitong pahayag.
Huminto ito sa paglalakad nang madaanan namin ang Casa Manila. Sumandal ito sa isang sementadong railings at dinungaw ang Spanish Colonial Home na siyang nasa harapan namin.
"Nahalata ko pero hindi ko sinabi, kasi nirerespeto ko 'yung buong pagkatao mo. Kita mo nga 'di ba, sinakyan ko pa ang gusto mong girlfriend-boyfriend thingy na 'yan. Nasabi ko kasi noon sa sarili ko na baka kulang ka lang sa haplos ng isang Eba, biruin mo at nakulong ka ng dalawang taon sa all boys school?" Mahina itong natawa sa huling sinabi.
Hindi ako makaimik, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nananatiling nakikinig lang ako sa kaniya habang pinagmamasdan ang mukha niya.
"Si Peter ang gusto mo, hindi ba?" Aniya saka ako nilingon.
"Hi-- hindi. Nagkakamali ka--"
"It's okay. Alam ko na ginamit mo lang ako para pagtakpan ang sarili mo, but mind you, nasasaktan din ako." Pagak itong tumawa at nailing. "Sa bawat araw kasing nagdadaan, ako iyong nahuhulog instead na ikaw naman talaga dapat. Dahil iyon ang plano ko, ang baguhin ang pananaw mo sa buhay."
Plano? Gusto kong matawa. Nagplano pa talaga siya na baguhin ako? Without knowing na simula ng makilala ko siya ay unti-unti na akong nagbabago. Dahil gaya niya, sa bawat araw na nagdaraan ay siya ring pagkakahulog ko sa kaniya.
Bumuntong hininga ito, muling nilingon ang lumang bahay kasabay ng mariin kong pagpikit. Para akong estatwa roon na nakatayo habang nakikinig sa sermon ng isang ina.
"Pero hindi lahat yata ay nadadaan sa ganoong proseso." Tumikhim ito saka ako binalingan.
Lumapit pa ito sa akin at pinagpantay ang mukha naming dalawa. Walang kurap-kurap na pinagmasdan ko ang kabuuan niya, habang malungkot naman nitong tinititigan ang mukha ko.
Dumukwang ito sa akin dahilan para maglapat ang mga labi namin. Halos malagutan ako ng hininga sa ginawa niya, ito ang unang pagkakataon na nakahalik ako, na may humalik sa akin.
Nananatiling nanlalaki ang mata ko habang hinahayaan lang si Erin, hindi ako makagalaw. Ilang segundo matapos ay lumayo siya saka seryoso itong tumitig sa akin.
"Sana lahat ng pinakita mo, ng pinaramdam mo sa akin ay totoo. Dahil walang araw na nagsisi ako na ikaw ang pinili ng puso ko."
"Erin..." Sambit ko kasabay ng pagbuntong hininga ko.
Bakit ba wala akong masabi? Bakit hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko? Itong totoong nararamdaman ko? Ito lahat, dahil sa kaniya 'to.
"Tara na? Baka gabihin na tayo sa daan." Pahayag niya at marahan kinuha ang kamay ko.
Nagsimula na siyang maglakad at dahil hawak niya ako ay sinusundan ko lang siya. Umangat ang kamay niya sa braso ko, gaya ng parati niyang ginagawa.
"Hindi ko alam na ganito na pala kaganda rito, parang dati lang ay hindi pa siya masyadong pinupuntahan ng mga tao." Bumuntong ito at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Sa pagdaan ng panahon, ang dami talagang nagbabago."
Bumitaw lang sa akin si Erin nang makapasok na siya sa loob ng kotse, mabilis akong umikot saka pasalampak na naupo sa driver's seat at pinausad ang sasakyan.
Tahimik kami buong biyahe, ni hindi na ako magawang sulyapan ni Erin dahil abala ito sa pagtitingin ng tanawin sa bintana. At para naman akong tuod na naputulan ng dila, wala ng lumalabas na salita sa bibig ko.
Marahil ay masyado akong na-overwhelmed sa paghalik niya sa akin na hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang labi. Isa pa, sobra ang naging kaligayan ko nang ipagtapat niya sa akin ang totoong nararamdaman niya.
Hinarap ako ni Erin nang mai-park ko ang kotse sa tapat ng A&D Hotel, dito ko na siya hinatid. Ngumiti ito sa akin, kahit kita ko naman sa parehong mata niya kung gaano siya kalungkot.
Erin will always be Erin.
"Salamat sa rides, Xander. Goodnight."
BINABASA MO ANG
Gay's Confession [Completed]
Teen FictionXander Crisostomo Villegas, ang lalaking hindi alam kung paano aamin sa tunay niyang pagkatao.