Chapter Twenty One

292 43 11
                                    

Dumating ang araw ng pag-alis ni papa at gaya kung paano siya dumating dito sa bahay, ganoon din ang nangyari ngayong paalis na siya.

Matapos niyang ibaba ang nakasaludong kamay ay nagbaba na rin kami. Tumindig siyang nakaharap sa amin at dumako ang tingin niya sa gitna, kung saan naroon ako.

"Anak." Baritonong sambit niya saka ako nilapitan.

"Papa..." Sambit ko at inilahad sa kaniya ang palad ko dahilan para balingan niya iyon. "Kung magkikita man po kayo ni Tito Roman, pakibigay po ito. Nasa likuran niyan ang detalye na kailangan niya."

Kinuha niya ang isang litrato-- kung saan mukha ni Erin ang nandoon. Sa likod naman ay ang buong pangalan niya.

"Wala siyang middle name, kaya baka Jackson ang surname ng ina niya." Dagdag ko pa.

Marahan itong tumango saka ako hinarap, unti-unti ay napangiti ito. Alam na niya ang buong kwento ni Erin at ang balak ko ngayon ay ipahanap kay Tito Roman-- isang Police Investigator, ang totoong magulang niya.

"Talagang mahal na mahal mo ang babaeng 'yon, ano?" Matigas niyang sambit habang naroon pa rin sa labi ang isang ngiti.

Tipid akong ngumiti, tila nahihiya pa. "Opo, Pa. Kaya pasensya na sa magiging abala, hayaan niyo po at susuklian ko kayo ng sampung anak."

Nagtawanan ang ilang katulong na siyang nakarinig sa sinabi ko, ganoon din si papa. Inangat nito ang kaniyang kamay at tinapik ang balikat ko.

"Sampu? Bakit kaya hindi mo na gawing dose, hijo?" Pahayag niya pa.

Muli ay nagtawan sila. "Sige, Pa, ako na pong bahala roon." Natatawa kong sagot.

"Oh, sige na, mag-iingat ka rito. Mauuna na ko ah." Pahayag niya at tinapik muli ang balikat ko bago tumalikod.

Lumabas na ito sa bahay kasunod niya ay ang mga natitirang Military Police, gamit ang military vehicle ay nilisan nila ang bahay. Gaya ng dati, natira na lamang ang mga maids, guards at ilang hardinero.

Tahimik na nagsibalikan ang mga ito sa kani-kanilang ginagawa habang wala ring imik na tinahak ko ang hagdan at umakyat sa kwarto. Doon ay nahiga ako sa kama at nakipagtitigan sa puting kisame.

Nasipat pa ng tingin ko ang nakabukas kong laptop na naroon sa lamesa, wallpaper no'n ay si Erin na siyang picture na binigay ko rin kay papa. In-stalk ko siya sa facebook at iyan ang natipuhan kong ipa-develop.

Kahapon ay nagkausap din kami ni papa tungkol sa pagpapalit ko ng course. Ayoko man ay napagdesisyunan ko na ring sa second semester na lang ako magsu-switch sa kursong criminology.

Iyon din kasi ang gusto ni mama, pangarap niya na maging isa akong ganap na sundalo katulad ni papa at ate, kaya ganoon na lamang ang pagpupursige sa akin ni papa.

Mapait akong napangiti. Kapag nangyari 'yon ay baka bihira na lang kami magkita ni Erin. Baka dumating pa sa puntong hindi na talaga kami magkikita dahil sa magkaibang schedule namin.

Saktong alas dies na ng gabi. Wala sa sariling napabuntong hininga ako at unti-unting pumikit, ramdam ko na ang antok ko kaya hindi rin nagtagal nang makatulog ako.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko kaya mabilis ko iyong pinatay at bumangon. Dumeretso ako sa banyo para makaligo at ilang minuto lang din ng matapos ako.

Isang simpleng plain white v-neck shirt at faded maong pants lang ang sinuot ko. Matapos kong masuot ang rubber shoes ay agad ko ring kinuha ang bag ko at lumabas na ng kwarto.

Dating gawi.

Walang imik na naglakad ako palabas ng bahay. Nang makapasok sa kotse ay mabilis ko iyong pinaharurot palabas, huminto lang nang naroon na ako sa tapat ng gate ng bahay ni Erin.

Binuksan ko ang pintuan sa passenger's seat at saka dinungaw siya na naroon nakatayo sa gate, inirapan lang ako nito at kaagad ding pumasok sa loob.

"Good morning, honeybunch." Sambit ko saka pa ginaya ang boses niyang nag-iinarte.

"Whatever." Aniya at humalukipkip sa bintana.

Natawa na lamang ako at pinaandar na ang kotse. Natural na ba sa mga babae ang pagkakaroon ng mood swing? Tch.

Ilang sandali pa nang makapag-park ako ng kotse. Sabay pa kaming nakababa ni Erin, hindi na niya ako hinintay para pagbuksan siya ng pinto.

Ano bang problema niya? Kahapon ay maayos naman kami. Naihatid ko naman siyang tumatawa-tawa pa tapos ngayon ay ganito?

Nauuna siyang maglakad kaya tinakbo ko na ang pagitan namin para maabutan siya. Mabilis kong inabot ang kamay niya saka pinagsalikop ang mga daliri namin.

Wala naman itong naging imik at deretso lamang ang lakad hanggang sa makarating kami sa room. Binitawan ko lang siya nang makaupo kami at tahimik na nakinig sa instructor.

Ilang oras pa ang nagdaan at sabay-sabay kaming bumaba para pumunta sa cafeteria. Nauunang maglakad sina Erin at Rachel habang ako naman sa likuran at kasabay si Helen.

"Anong balak niyo sa birthday ni Erin?" Pagtatanong ko sa mahinang boses para hindi marinig ni Erin na siyang nasa harapan lang namin.

"Siguro simpleng handaan lang, okay naman na 'yon kay Erin. Hindi naman siya maarte."

Marahan akong tumango. "Paano kaya kung sa araw ng kaarawan niya ay mauna na kayo roon sa bahay niya? Ayusin niyo na ang dapat ayusin." Pahayag ko na siyang tinanguan niya naman.

"Pwede rin naman, igala-gala mo na lang muna siya para may oras pa kaming maghanda."

"Basta gawin mong kulay pink lahat ng dekorasyon ah. Mag-aabot ako mamaya ng pera para sa gastusin at sa pambili ng handa"

"Hindi ba pwedeng ambagan?" Natatawang sambit niya.

"Pwede naman, basta ako na sasagot sa kulay pink niyang cake."

Sa sinabi ko ay malakas na tumawa si Helen dahilan para mapahinto sa paglalakad si Erin at agad kaming nilingon. Kunot ang noo niyang pinagmamasdan kami kaya wala sa sariling siniko ko ang katabi ko, mabilis namang naputol sa ere ang pagtawa niya.

"Ehem!" Malakas na tumikhim si Helen at dahan-dahan na lumayo sa gilid ko.

Nang makalayo ay hinigit siya ni Rachel at sabay na tumakbo palayo, animo'y hinahabol ng mga kabayo.

"Ikaw? Hindi ka pa tatakbo?" Pahayag ni Erin kaya binalingan ko ito. "Kailangan talaga iparinig sa akin na masaya ka na sa iba?!"

Sa isinigaw nito ay may natanto ako, parang de javu lang. Ganito rin siya noong kinakausap ako ng mga babae sa second subject namin noong unang araw ko rito.

"Nagseselos ka ba?" Maang kong tanong saka pa sumilay ang isang ngiti sa labi.

"Xander!!" Sigaw niya kaya mabilis pa sa kidlat na tumakbo ako palayo sa kaniya.

Sinundan ko sina Helen at Rachel na nakapasok na sa cafeteria, nang makita ako ng mga ito ay naging malakas ang pagtawa nila kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

"Xander!!"

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon