Chapter One

793 69 45
                                    

Dikit ang kilay na dumeretso ako sa likuran kung saan naroon ang ilang bakanteng upuan, at naroon din nagkukumpulan ang mga kalalakihan. Isa-isa ko silang tinignan at dahil may kaniya-kaniya na silang ginagawa ay hindi na nila ako napapansin.

Baka kasi narito ang lalaking pinunta ko rito. Si Peter-- ang all time favorite crush ko. Nakilala ko siya sa West Central Academy at nang mabalitaan kong dito siya mag-aaral ay agaran din akong nag-enroll.

Maya-maya pa ay bumagsak ang balikat ko nang makitang no signs of Peter, kasabay ng pagbagsak ng pwet ko sa upuan na siyang nakita kong bakante.

"Hi, may nakaupo?" Anang babae na siyang kaninang late dumating.

Dumako ang tingin ko sa upuang tinuturo niya, mismong katabi iyon ng upuan ko. Nilibot ko rin ng tingin ang buong klase at napansing marami pa naman ang bakante ngunit pinili niya talaga rito sa pinakadulo-- na katabi ng pader. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nagkibit balikat.

Aba, malay ko ba kung may nakaupo na dyan. Kita mo nga't ngayon lang ako pumasok, tch. Imbyerna!

Muntik ko na itong tarayan, mabuti na lang at gwapo itong katabi ko kaya sa kaniya ko na lamang ibinaling ang atensyon ko. Hindi ko na namalayang nakaupo na pala iyong babae.

"So, anong pangalan mo? Ngayon lang kita nakita ah." Mahinang sambit niya at ramdam ko ang paninitig nito sa gilid ko.

Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring nakikinig sa instructor. Bahala siya diyan. Naku naman! Bakit ba kasi ang gwapo ko at napagkakamalan akong lalaki??

Like girl, we're on the same feather. Babae rin ako na nagkatawang lalaki at Adan din ang hanap ko. Gusto ko ng saging, ano ba!! Grrrr.

Sa hindi ko pag-imik dito ay inabala niya na lang ang sarili sa cellphone na hawak, mahinang tumunog iyon hudyat na may bagong mensahe sa messenger niya. Hindi sinasadya ay nalingon ko ito.

Hoy gaga, ba't nandiyan
ka? Bumalik kana rito
sa upuan mo.

Sa nabasa ay mabilis kong nilingon ang kung sino mang nag-send no'n at doon ay nakita ko sa bandang gitna ang babaeng mariing nakatingin dito-- lalo na rito sa katabi ko. Ang upuang nasa tabi niya ay bakante kaya natanto kong iyon ang tinutukoy sa chat.

Kunot ang noong binalingan ko ito na ngayon ay nakatitig na sa akin, malawak ang ngiti niya tila nang-aakit pero wit, hindi ako tinatablan ng ganyan lalo na at galing sa isang Eba.

"Xander pala ang name mo? Do you know Xander Ford?" Aniya na siyang nagpainit ng dugo ko.

Tumawa ito sa naging reaksyon ko, kalaunan ay binawi rin ang sinabi. "Kidding aside. Anyway, nice to meet you, Xander. Hope we can be friends. Or... much better, more than friends?"

Wala sa sariling napatikom ang bibig ko sa munting hagikgik niya. Palihim akong napairap sa hangin at hindi na siya pinansin.

Gaga ka! Kung hindi lang ako takot na maglantad ay kanina ko pa sinabunutan 'yang plakado mong kilay Baklang 'to!

"Ako nga pala si Erin. Ang Erin na sa'yo lang kakalampag, boom!" Pahayag niya sa mahinang boses.

Jusko, Lord. Llayo niyo po ako sa maharot na babaeng ito. Baka hindi ako makapagpigil at masabunutan ko siya ng wala sa oras.

Hindi na ako umimik. Kinalma ko ang sarili at inabala sa pagkuha ng notes ko mula sa bag. Saktong pagkalapag ko sa desk ay siyang hinablot naman niya iyon.

"Saan ka next? Anong schedule mo?" Sambit niya saka pa kinuha ang laminated schedule ko.

Ilang sandali lang din ay impit itong tumili at mahinang kinalampag ang lamesa ko.

"Omo, omo!! Magkaklase tayo sa lahat ng subjects! Is this meant to be? Are we destined to each other? Kyah, oh my goodness!"

"Pwede ba, manahimik ka?" Gigil kong sambit dito nang hindi na makatiis. "Hindi ako interesado, you're not even my type."

Sa inasal ko ay napa-letrang O ang maliit nitong bibig, halos gulat na may kasamang pagkamangha.

"But... you're my type." Angil niya, hindi nagpapatalo.

"Dream on, girl."

Inis na inagaw ko sa kaniya ang schedule ko saka itinago sa bag. Baklang 'to, masyadong pakialamera at ambisyosa. Kung alam mo lang, nandidiri ako sa isang katulad mo.

"You know what? Hindi man ngayon pero mapapaamo rin kita." Matigas niyang sambit.

"Wala akong pake, masyado kang pangit para pag-aksayahan ko ng oras."

"Say what?!" Sigaw niya dahilan para pagtinginan kaming dalawa.

Goodness gracious! Halos lumubog ako sa mismong kinauupuan ko nang pati ang instructor namin ay nakatitig na sa amin. Dahan-dahan ay inihilamos ko ang dalawang palad sa mukha.

"What's wrong Erin? Do you have anything to say?" Anang instructor na siyang inilingan ng katabi ko.

"Wala po, Madame. Pasensya na."

"If you don't want to participate in my class, at least have some respect to your classmates."

Pigil ang tawa ko dahil sa kahihiyan na natatamo niya. Ayan girl, masyado kang talakera. Napala mo tuloy, tch.

"Sorry." Aniya saka unti-unting yumuko.

Pagak akong natawa, hindi na nakawala ang pagpipigil ko at dahil doon ay napatingin ito sa akin. Humalukipkip ito sa pader habang pinagmamasdan ako.

"Anong tinatawa-tawa mo?" Maang na sambit niya kaya nilingon ko ito.

"Ikaw. Huwag ka kasing papansin, hindi mo ikinaganda 'yang pagiging feeling-era mo."

Mahina itong humalakhak saka bahagyang dumukwang sa lamesa ko dahilan para mapalayo ako sa kaniya.

"Tingin mo ba, mate-turn down mo ako sa ginagawa at pinagsasabi mo sa'kin? Tignan lang natin kung hindi ka pa maglaway sa'kin."

Matapos nitong magsalita ay ibinaba niya ang kaniyang off shoulder, dahilan para lumantad ang kalahating pisngi ng dibdib niya saka ibinalandra sa akin.

My goodness!! Oh, my dear, Lord!! Ano bang klaseng babae 'to?! Hindi ko na keri, paksyet!

"Hindi ka makatingin?" Rinig kong pahayag niya.

Hindi ko na iyon makita dahil sa mariing pagkakapikit ko. Humarap ako sa kabilang side at doon nagpakawala ng hininga at unti-unting nagmulat.

Holyshett! Ayoko na...

Ilang minuto lang din ng matapos ang klase. Dali-dali akong nag-ayos at kumaripas ng takbo palabas ng room. Bahala na ang mga nabangga ko, kailangan ko lang makawala sa babaeng iyon.

Kahit pa na alam kong wala naman na talaga akong kawala, dahil gaya nga ng sabi niya-- magkaklase kami sa lahat ng subject.

Nilingon ko ang likuran ko, nangangamba na baka sinusundan ako ng baliw na iyon. Takbo lang ako nang takbo habang hinahanap ko ang susunod kong room. Hindi nagtagal ay nahanap ko iyon at deretsong pumasok sa loob.

"Annyeong, oppa." Aniya nang makita ko siya sa pangalawang subject ko.

Lord!!!

Gay's Confession [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon