Unexpected Love#8

46 2 0
                                    

SAMANTHA'S POV

Naiinis na nilapag ko ang cellphone ko sa kama ko ng makitang hanggang ngayon ay di parin nagrereply si Grey and He just ignore my message tsk! Pero okay lang tatawagan ko nalang si Lester isa pa yun kung di ako tatawag di magpaparamdam tss.

Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number nya, nakatatlong ring palang ay sinagot na nya.

"Hi babe" Pagbungad nya sakin kaya di ko maiwasang iikot ang mata ko.

"Oh ano? Girlfriend mo pa ba ako? Tss kung di ako tatawag, hindi ka rin tatawag?!" Naiinis na sabi ko sa kanya at narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya.

"Alam mo naman na busy ako diba? Understand me babe don't worry pupunta ako dyan sa sunday, I'll fetch you" Napaikot nanaman ang mata ko sa sinabi nya.

"Himala yata na susunduin mo ako" Mataray na sagot ko. Si Lester kasi ang lalaki na hindi masyadong gentleman, He's just a simple guy na parang walang pakialam sakin pero minsan naman ay sweet sya sa akin.

"Babe naman sorry na"

"Yeah whatever" I rolled my eyes and sit on my bed.

"Sa sunday hmm? May swimming ang barkada kaya isasama kita is that okay with you?" Napangiti naman agad ako sa sinabi nya.

"Really? Alright sunduin mo nalang ako magpapaalam ako kay papa" Hindi magkasundo si papa at Lester, ayaw ni papa sa kanya at hindi ko alam kung bakit.

"Alright, bye babe see you on monday. Love you"

"Bye. Love you " Sabi ko bago pinatay ang tawag at humiga sa kama ko. Thursday na ngayon at meron nalang akong dalawang araw para magpaalam kay papa sana ay payagan nya ako.

It's already 7 pm in the evening but Grey is still not replying tsk but i don't care! Pampalipas oras lang sya hindi lang siguro ako sanay ng hindi sya nakakausap dahil sa mga lumipas na araw ay minu-minuto kaming magkachat.

I check my phone again if he already reply to my message and i can't stop from smiling when he finally did.

"Zander Grey Won"

Him: I'm sorry ngayon lang ako I'm just busy -op

Ganyan kami mag usap kapag di kami mag aact, we only use the "op" para malaman kung act ba yun o hindi "op" means the operator of the account.

Me: It's ok i understand -op

I replied. Hindi naman na ako naghintay pa ng matagal sa reply nya dahil wala pang isang minuto ay nagreply na sya.

Him: Should we continue our act? -op

I don't know pero parang may nag udyok sakin na alamin ang mismong pagkatao nya, I'll just ask his likes and dislikes wala naman siguro mali kung mag uusap muna kami ng Op to Op?.

Me: Wag muna i wanna know youuu can i? -op

I replied.

Him: No, you can't we're not here to know each other. -op

I rolled my eyes ng mabasa ko ang inireply nya tss napaka sungit naman ng lalaking to.

Me: O..kay..? -op

Reply ko at umaasa pagbibigyan nya ako but i was wrong tss.

Him: Hmm let's just talk tomorrow, I'm tired G'night -op

Napabuntong hininga nalang ako at nireplyan sya.

Me: Night -op

I log out my account and stare at the ceiling of my room. Ang aga pa kung matutulog ako at busog pa ako para kumain ng hapunan. I just sigh at bumangon sa kinahihigaan ko.

Kinuha ko ang bag ko at gumawa nalang ng assignment ko dahil wala naman na akong iba pang gagawin.

****

GREY'S POV

Naiinis na napabangon ako sa kinahihigaan ko dahil kanina pa ako nakapikit pero hanggang ngayon ay hindi parin ako makatulog tsk.

Hindi na ako pumunta sa bahay kahit na pinapapunta ako ni mommy dahil tinatamad ako at wala ako sa mood makita sila, siguradong galit na galit na sakin yun dahil pinatay ko ang cellphone ko para hindi nya ako matawagan.

After i said to Sapphire na magpapahinga na ako hanggang ngayon ay di parin ako nakakatulog and it's already 10:30 in the evening tsk, wala akong balak pagbigyan sya sa gusto nyang Talk about OP tss.

Bumangon ako sa pagkakahinga at lumabas ng lumabas ng kwarto dahil nauuhaw na ako, pumunta ako sa kitchen at kumuha ng malamig na tubig sa ref, di na ako nag abala pang kumuha ng baso at direktang uminom sa pitsel.

Nang matapos akong uminom ay ibinalik ko ang tubig sa ref. Napatingin ako sa pinto ng condo ko ng marinig ko ang pagbukas nun at nakita kong pumasok si mommy na nanlilisik ang matang napatingin sa akin, kasama ang pangalawa nyang asawa tss i knew it.

Dali-daling lumapit sa akin si mommy at walang pasabing sinampal ako ng pagkalakas lakas, napatagilid naman ang ulo ko at natawa ng pagak.

"YOU'RE REALLY PAIN IN THE ASS! I TOLD YOU TO GO HOME BUT YOU DIDN'T DO!" Malakas na sigaw nya sa akin kaya agad kong inangat ang paningin ko sa kanya at tinignan sya ng walang emosyon.

"Whatever mom" Walang ganang sabi ko kay mommy habang hinahaplos ang pisngi ko na namanhid na yata dahil sa lakas ng sampal ni nya tsk.

"YOU'RE GROUNDED FOR A WHOLE MONTH AND THAT'S YOUR PUNISHMENT FOR BEING A STUBBORN KID!! MANANG MANA KA TALAGA SA AMA MO PAREHAS KAYONG SAKIT SA ULO!" Nanggagalaiting sigaw nya parin habang dinuro duro ang mukha ko, nakita ko namang seryoso lang nakatingin sakin ang step dad ko.

"Done?" Tinatamad kong sabi at akmang aalis na ako ng hawakan ni Ivan ang braso ko, ang step dad ko at ang kinakasama ngayon ng mommy ko.

"We're not yet done talking to you Grey" Seryosong sabi nya sa akin, i just rolled my eyes at tinanggal ang pagkakahawak nya sa braso ko.

"I don't care old hag" Walang emosyong sabi ko at naglakad na paalis ngunit di pa ako nakakarating sa kwarto ko ng may humigit sa braso ko at nakatikim ako ng magkasunod na suntok sa mukha galing sa step dad ko. Napahiga ako sa lapag sa lakas ng suntok nya at naramdaman kong may tumulong dugo galing sa bibig ko.

"WALA KANG RESPETO!, WALA KA NA NGANG SILBI DI KA PA MARUNONG RUMESPETO!" Mariing sigaw nya at di pa ako nakakabawi ng pinaulanan nya ako ng malalakas na suntok habang nakahiga ako sa lapag, wala akong magawa kundi salagin ang kamao nyang tumatama sa iba't ibang parte ng katawan ko, nararamdaman ko na rin na unti unting humihina ang katawan ko ngunit hindi ko hinayaan na marinig nya ang mga daing ko at pinanatili kong walang emosyong makikita sa mukha ko.

Nang magsawa sya sa pagsuntok ay pinagsisipa nya naman ako hanggang sa magsawa ulit sya.

"I'M WARNING YOU GREYSON, HINDI LANG YAN ANG MATITIKMAN MO KUNG PINAGPATULOY MO YANG MGA GINAGAWA MO" Hinihingal nyang sigaw sa akin, kahit nanghihina ako ay pinilit kong tumayo ng tuwid at harapin sya, i look at him coldly and same with my mom. Tinalikuran ko sila ng walang sinasabing kahit isang salita at kahit na paika ika ako ay pinilit kong maglakad papunta sa kwarto ko. Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad kong inilock ang pinto at padapang humiga sa kama ko bago tuloy tuloy na bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napangiti ako ng mapait ng maalala ko si mommy na hindi man lang pinigilan ang ginagawa ni Ivan sakin at parang natutuwa pa sya sa nangyari sakin. Ipinikit ko ang mata ko ng makaramdam ako ng pagod habang walang tigil parin sa pagtulo ang mga luha ko, hinayaan kong maglakbay ang isip ko hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog ako at di na nag abala pang linisin ang mga natamo kong sugat galing kay Ivan, sa step dad ko.

RPW SERIES I: UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon