SAMANTHA POV
Nagising ako sa tunog ng alarm clock, napatingin ako kay Grey na mahimbing pang natutulog, napangiti ako ng mapait ng maalala ko ang nangyari kahapon.
FLASHBACK.....
"Salamat Cross" Nakangiti kong sabi kay Cross ng maibaba nya ako sa condo ni Grey.
"You're welcome" Nakangiti nyang sabi kaya tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa condo ni Grey.
Si Cross ang naghahatid sa akin pauwi kapag hindi ako nasusundo ni Grey hindi na ako tumatanggi dahil sayang ang pamasahe kung magcocommute pa ako.
Nang makapasok ako sa unit ni Grey umupo agad ako sa couch dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako, napakahirap pala talagang mag engineer ang sakit sa utak! Pero kailangan kong kayanin para sa Pamilya ko at para sa future.
Pinikit ko ang mata ko at sumandal sa kinauupuan ko at nag isip ng kung ano ano, ano na kayang nangyari kay Audrey at Grey? Nakakaselos pag naririnig ko silang nag uusap tungkol sa baby nila, napahinga ako ng malalim at napahawak sa tyan ko parang gusto ko na rin tuloy magkaroon ng baby.
Napangiti ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng condo ni Grey. Mukhang nandito na sya.
Idinilat ko ang mata ko at ngumiti ng malaki pero agad nawala ang ngiti ko at napatayo ako ng tuwid ng makitang mommy ni Grey ang pumasok.
"Who are you?" Nakataas ang kilay na tanong nya sa akin at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"S-Samantha, Samantha Capistrano, Grey's girlfriend" Pinilit kong magsalita ng diretso pero di ko parin maiwasang mautal dahil sa nakakakabang tingin na ibinibigay nya.
"Grey's girlfriend huh?, Hindi ka bagay sa anak ko you look poor" Mataray na sabi ng mommy ni Grey kaya napakuyom ang kamay ko at pinigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.
"Stay away from my son" Dagdag pa nya kaya hindi ko napigilang sumagot.
"I won't stay away from your son ma'am no matter what happen" Patago kong pinuri ang sarili ko ng matapos ko ang sasabihin ko ng hindi nauutal.
"What can you give to my Son?! Audrey is already pregnant and I like Audrey for my son!" Mataas na boses nyang sabi kaya di ko napigilang mapalunok.
"I love him ma'am, kahit ano pa pong sabihin nyo ay hindi ko lalayuan ang anak nyo" Mahinahon kong tugon.
"How dare you!" Halos hindi ko maramdaman ang pisngi ko ng dumapo ang kamay ng mommy ni Grey doon, pinilit kong wag umiyak dahil ayokong makita nya ang kahinaan ko.
"I'm sorry ma'am but I-I won't leave your son" I can see anger in her eyes but I promise to my Grey that I will fight for him.
Napatingin ako sa cellphone ng mommy ni Grey ng magring iyon at tumingin muna sya ng masama sakin bago sagutin ang tawag.
"Yes honey?, yeah I'm here on Grey's condo but he's not here. Yeah of course.. Ah sure I'll just talk to think gold digger slut bitch. Yeah bye"
Hindi ako tanga para hindi malaman na ako ang tinutukoy nya na gold digger slut bitch parang sinaksak ng isang libong punyal ang dibdib ko pero hindi dapat ako magpadala. I need to be brave for Grey.
"I'm not yet done with you" Nandidiri nya akong tinignan na akala mo'y isa akong dumi bago lumabas ng condo ni Grey at padabog na sinara ang pinto.
Nanghihina akong napaupo at humagulgol ng malakas dahil sa napakasakit na salitang binitiwan ng ina ni Grey. Pakiramdam ko ay ang baba kong tao at hindi ako nababagay sa anak nya.
Pinunasan ko ang mga luha ko bago tumayo, alam kong ano mang oras ay dadating na si Grey at ayokong makita nyang ganito ako. Dumiretso ako sa kwarto habang patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko napakasakit ng mga binitawang salita ng mommy ni Grey pero papatunayan ko sa kanyang hindi lang pera ang habol ko sa anak nya.
End of flashback.
"Baby hey!" Nagising ang diwa ko ng maramdaman ang pagyugyog sa akin ni Grey napatingin ako sa kanya at bakas sa mukha nya ang pag alala at pagtataka.
"Kanina ka pa tulala are you okay?" Nakakunot noo nyang sabi pero tumango lang ako bilang sagot.
"May pasok ka pa diba? Maligo ka na" Napamura ako at nagmamadaling pumasok sa banyo, tangina nakalimutan kong maaga pa ang pasok ko!
GREY'S POV
Naiiling na sinundan ko ng tingin si Sam na nagmamadaling pumasok sa bathroom kaya tumayo na ako at pumunta sa kitchen para magluto ng breakfast namin.
10 am pa ang pasok ko kaya gumigising lang ako sa umaga para maipagluto si Sam ng agahan.
Pagtapos kong magluto ng usual breakfast namin ay inayos ko agad ang lamesa at nilagyan ko ng pwgkain ang plato ni Sam.
"What time ang pasok mo?" Tanong nya ng makaupo sya.
"10" I answer plainly and sit on my chair.
"Late ako makakauwi mamaya gagawin namin ni Cross yung project namin" Napabuga ako ng hangin at hindi na nagsalita.
"Anong nangyari dyan sa pisngi mo?" Seryoso kong tanong sa kalagitnaan ng pagkain.
"Ah wala" Sabi nya ng hindi tumitingin sakin.
"Answer me Sam" I said in a cold tone.
"I'll tell you later, malelate na ako eh. Ihahatid mo ba ako?" Bumuntong hininga nalang ako at hindi na sya pinilit.
Nang matapos naming kumain ay hindi ko sya kinibo. May hindi sya sinasabi sa akin nararamdaman ko yun.
Pagkahatid ko sa kanya ay hinalikan ko lang sya sa labi at nagpaalam bago magdrive pabalik ng condo ko.
****
It's been a week but Sam didn't open a topic on what's happened in her cheeks and it's pissing me but i don't want to force her.
Sabado ngayon at ngayon na mismo namin malalaman kung ano ang gender ng baby namin ni Audrey hindi ko alam pero naeexcite ako.
Nakasakay na ako ngayon sa kotse ko kasama si Sam balak naming magkita nalang ni Audrey sa hospital at nandoon na daw sya.
Nang maipark ko ng maayos ang kotse ko bumaba agad ako para pagbuksan si Sam.
"Tuwang tuwa ah" Napailing nalang ako at natawa.
Pumasok na kami sa sa hospital at pumunta sa office ng OB ni Audrey dahil nandoon na sya.
Binuksan ko ang pinto ng makarating kami sa office ni Dra. Velasquez at nakita kong nakaupo si Audrey habang kausap si Dra. Velasquez.
"Oh they're here" Sabi ni Dra. ng makita nya kaming pumasok.
"Hi Grey" Nakangiting bati ni Audrey at narinig ko ang mga bulong ni Sam kaya hinawakan ko ang kamay nya at bahagya uyong pinisil.
"So let's go"
Pinahiga ni Dra. Si Audrey sa stretcher at inangat ang pang itaas na damit nya, kitang kita ko naman ang umbok ng tyan nya kaya wala sa sarili akong napangiti.
May pinahid na gel si Dra. Velasquez sa tyan ni Audrey bago nagsimulang iultra sound.
Napatingin kaming lahat sa screen at hindi ko mawari ang sayang nararamdaman ko ng makita ko ang baby ko.
"Congratulations it's a girl" Masiglang sabi ni Dra. Kaya hindi ko napigilang mapangiti ng malaji, ganito pala ang pakiramdam maging isang ama.
"My baby Allison" Naiiyak na sabi ni Audrey, napatingin ako kay Sam at nawala ang ngiti ko ng makita ko ang sakit sa mga mata nya habang nakatingin sa baby namin.
Bahagya kong pinisil ang kamay kaya napatingin sya sa akin at ngumiti ng mapait.
"Gusto ko na rin ng baby hehe" Mahinang sabi nya sapat lang para marinig ko.
"I want many babies with you" Nakangiti kong bulong sa kanya.
"May baby ka na nga" Ngumuso sya kaya hindi ko napigilang halikan ang labi nya huli na ng marealize kong may kasama pala kami.
BINABASA MO ANG
RPW SERIES I: UNEXPECTED LOVE
RomanceAng sabi nga nila ay Expect what's Unexpected, Nakilala ko sya sa lugar kung san ang tao ay umaarte lamang, lugar kung san madaming manloloko, Lugar kung saan ko matatagpuan ang magpapabago sa buhay ko, May mga bagay kasi tayong gustong mangyare sa...